""""""""""..........
Mira's PoV
"Rence? Gusto mo bang magpunta tayo sa chapel? Nandito naman sila Nielle para maghintay din." mahinahon kong sabi.
Umiling lang siya. Nag-aalala na din ako kay Rence. Hindi makakabuti sa kanya kung ganyan lang siya. Pakiramdam ko tuloy ay mababaliw na siya. Sino bang hindi? Lahat kami ay inaalala si Lycah.
Nagpaalam lang ako kay Rence sandali. Kailangan ko pa kasing tawagan si Tito at Tita. Pero... anong sasabihin ko?
'Hi Tito at Tita, uwi kayo sa Pinas. Naaksidente po ang anak niyo.'
'Tito, Tita, wag po kayong mabibigla... pero kasi po si Lycah...huhuhuhu...' ay, huwag iyon.
Habang nag-iisip ng sasabihin ay lumakad na ako papunta sa front desk. Dapat ko bang itanong sa nurse kung ano ang dapat sabihin sa magulang ng taong naaksidente?
Lalapit ma sana ako sa nurse ng makabanggaan ko ang... Mommy ni Nielle?
"Ahh, sorry po, good morning po." ilang na bati ko.
"Hi, Miss Reyes! I'm surprised to see you here. Anong ginagawa mo dito? May kakilala ka ba ditong may sakit?" tanong niya. Umiling lang ako at pilit na ngumiti.
"Ahh, yu-yung kaibigan ko po kasi... Na-naaksidente po at nasa ER po ngayon." nakayuko kong sabi.
"Accident? What is the name of your friend? I'll talk to the ER incharged na unahing asikasuhin ang friend mo." nakahawak siya sa balikat ko.
Sinabi ko sa kanya na si Lycah ang naaksidente. Siya na daw ang bahala. Umalis na din siya dahil may appointment pa daw siya. Lumapit ako sa nurse pero napatingin ako sa lalaking pulis na nasa tabi ko.
"Uh, excuse me? Kilala mo ba si Lycah Deñasa? I talked to her parents already. Uuwi daw sila agad dito." sabi nung pulis.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Atleast hindi ko na kailangang mag-explain sa kanila. Sinabi ng pulis sa akin na hit and run daw ang nangyari sa kaso. Mayroon din daw matandang babae ang namatay dahil nabundol daw nung driver ng truck na nakabangga din sa sasakyan nila Lycah. Hindi pa daw naa-identify ang suspect pero meron na daw silang lead sa kaso.
Nagpasalamat na ako sa pulis at bumalik na sa pwesto namin ni Rence. Nandito ngayon sila Nielle. Bigla namang lumabas ang doktor mula sa ER kung nasaan si Lycah.
"Family of Lycah Deñasa?" tawag niya sa amin.
"I am her brother. Is she okay? Okay lang siya diba? Wala namang nangyaring masama diba?" sunod-sunod niyang tanong.
"Rence." sinenyasan ko siya na pagsalitain muna ang doktor.
Naintindihan niya iyon kaya ngumiti na ang doktor sa amin.
"The patient is now in good condition. Stable na ang lagay niya but still unconcious. Mayroon lang siyang maliit na minor head injury at injury sa kaliwang braso. Within this day inaasahan nating magigising siya. If the patient won't have any signs of waking within five hours of maximum. Kailangan pa niya ng mas maraming tests." sabi ng doktor.
Nakahinga ako ng maluwag. Nakahiga kaming lahat ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor. May ilan pa siyang ibinilin sa amin at tawagin daw aiya kung magising si Lycah. Pwede na din daw siyang ilipat sa private room para sa mga casualties.
Napayakap sa akin si Rence. May ibinulong pa siya pero hindi ko maintindihan. Kahit gano'n ay may kung ano pa ring mabigat sa puso ko.
Pagkalipat ni Lycah sa private room ay pumasok kami sa loob. Malawak ang kwartong ito kumpara sa ibang kwarto na napuntahan ko sa hospital. Mayroong tatlong sofa dito at tv sa pader.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...