MIRACLE#69 Special Twist

12 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Yung pinsan ni JM. Yung lalaking may sayad na kapatid ni Ate Lucia. Not totally may sayad. Mukha lang talaga siyang lasenggo sa kanto, tapos ano? Makikita ko siya sa JRMIA bilang teacher?

Nag-self intruduce siya. Pero ngayon, buong class hour ay puro kami tawa. Masyado siyang masaya sa buhay. Sana oil.

Bata pa kasi at para lang daw sa experience ang ginagawa niya. Nakakarelate din siya sa amin dahil fresh grad lang daw at kagagaling lang sa mahaba-habang pag-aaral.

Ang saya niya kausap kaya lang tuwing mapapatingin siya sa akin ay sinasamaan niya ako ng tingin. Close kasi sila ni JM kaya alam niya ang tungkol sa past namin.

Emme' si kuya oh?

Pake ba nito sa akin? As if naman magkaaway kami ni JM or sinaktan ko ang pinsan niya ng sagad sa bones kung manlisik ang mga mata niya. Eh, samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Napalingon ako kay Lycah at nakita kong inirapan pa niya si Sir Lucio Lee. Ohkey?

""""""""""..........

Nielle's PoV

It's lunch time already. We're heading the library. Kagagaling lang namin sa cafeteria at bumili ng pagkain. Doon kami kakain sa teritoryo namin, as usual. Tahimik lang akong naglalakad sa likod nila.

Mamaya nga pala ay magp-perform si Mira para sa special part ng singing contest ng JRMI Academy. I'm sure na mananalo naman si Mira. She's the best for me, for us.

Nang makarating kami ay nagulat pa ako dahil nandoon si Mommy. She's talking to the librarian. Alam naman ni Mom na dito kami nagl-lunch sa loob at sinabihan na niya yung librarian na huwag kaming sawayin o paalisin.

Anyway, hindi naman talaga iyon gagawin ng librarian sa amin. Haha. Kahit makikain pa siya.

"Son, this coming Wendesday she'll be back. Hindi ko siya masusundo dahil mayroon akong surgery sched para sa isang importanteng pasyente. Ikaw nalang ang sumundo sa kanya sa airport, okay?" sabi ni Mom.

Nasa Canada kasi si Wendy para kausapin si Lolo. Nagkausap na kami kasama si Mom kahapon. Sinabi nila na dahil daw kay Mira ay natauhan sila at narealize ang tamang gawin. I just hope na maging maayos ang agenda niya doon.

Tumango lang ako at sumunod na sa taas kung nasaan ang mga kasama ko. Naabutan ko silang nagtatawanan doon. So noisy.

Umupo ako sa tabi ni Myke which happened to be in front of Lycah. Nang napatingin siya sa akin ay nag-iwas kaagad siya ng tingin. Lihim akong napatawa.

"Ay oo nga pala Lycah, may sasabihin ako!" parang batang sabi ni Angel sa katabi niyang si Lycah. Ngumuya lang si Lycah bago tumingin kay Angel at hinintay kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Na-curious naman ako. "Yung nakwento ko sayo dati!? Yung mermaid friend ni Kuya sa Cebu!?"

Wala naman si Gel dito kaya malakas ang loob ni Angel na magsalita. Haha. But I'm sure hindi nila mapag-uusapan iyon kung nandito si Gel. Magkakasama sila Gel, Thim na nagpaiwan sa cr kanina.

"Hm? Anong meron sa mermaid na iyon? Naging totoong tao na ba siya?" biro ni Lycah.

Nanlaki naman ang mga mata ni Angel na parang nagulat. She always act as if she's a kid. Namataan ko sila Gel na paakyat na sa hagdanan. Nakatalikod sila Angel at Lycah dun sa dalawang parating kaya patuloy lang sila sa pag-uusap.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon