MIRACLE#53 Thursday Tutor

8 0 0
                                    

""""""""""..........

Nielle's PoV

Nandito na kami sa labas ng campus. Kanina pa kaming pinalabas ng mga teacher para umuwi pero hindi namin magawa.

"Nasaan na ba si Mira?" reklamo ni Lycah.

Kanina pa daw siyang nagugugtom at hindi naman daw sila maka-uwi dahil nga kasabay nila si Mira sa sasakyan. Si Angel at Gel naman ay umuwi na dahil daw may gathering pa silang pupuntahan.

Nag-text na ako kay Myke. Wala pa din siya dito eh. Si Thim naman ay palabas na din siguro. Nagpaiwan kasi siya kanina dahil daw dun sa kanyang basurahan--este locker pala.

Laughtrip kami kanina dahil nakita namin ang sandamakmak na basura ang inilalabas niya mula sa locker niya. Paano siya nakapagsneak in ng alak dito?? Magpapahanap na lang siguro ako ng bagong securuty guard. Hindi pwedeng madungisan ang record ng JRMIA dahil sa alak.

Kung si Thim nga ay nakakapagpasok ng ganoon... paano pa kaya yung mga basagulero at mga estudyanteng puro pagbubulakbol ang alam?

Mykee calling...

"Oh, bro?? Nasaan ka na---"

"NIELLE!" Bakit boses babae si Myke?

"Si Mira ba yan??" tanong ni Rence.

Nakaloud speaker na kasi ako dahil malakas ang ulan kaya narinig nila. Oo nga ano? Boses nga iyon ni Mira

"Mira? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Myke? Nasaan ba kayo??" nagtatakang tanong ko.

"Nielle!! Nakulong kasi kami ni Myke sa loob ng---"

Toot.toot.toot.

"What?? Mira!!!"

Naputol na ang tawag. Sinubukan ko pang tawagan ulit si Myke pero hindi ko na siya ma-contact. Tinawagan ko din ang cellphone number ni Mira pero hawak pala iyon ni Lycah. Nag-aalala ako.

Nakulong?? Magkasama silang nakulong?? Saan??

"Oyy mga pare? Bakit hindi pa kayo umuuwi??" biglang sabi ni Thim.

"Thim alam mo ba kung nasaan si Mira?? Nakulong daw kasi siya--"

"Nakulong??" iyon lang ang sinabi ni Thim dahil tumakbo na siya papasok sa campus.

Pinagbawalan pa siya ng guard pero nakapasok pa din kami dahil sa akin. Hindi ko alam kung nasaan sila pero sumunod lang kami kay Thim.

"O my gosh!! Siguradong hindi na mapakali si Mira ngayon kung nakulong nga siya..." nag-aalalang sabi ni Lycah.

Tinanong ko kung bakit pero si Rence na ang sumagot. Dahil daw lockdown na sa boung school kaya paniguradong wala ng kuryente.

"Mira has fear of darkness?" nagtatakang tanong ni Wendy.

We run faster. Nag-aalala na naman ako kay Mira. Bakit ba palagi na lang napapahamak ng babaeng iyon?

Pagkapasok namin sa building ay tinungo namin ang basketball subcourt.

"MMIIIRRRRAAAAAAA!!!!" nakakarinding sigaw ni Lycah.

Bakit nakakabingi ang boses niya? We used our flashlight hanggang sa nakita namin si Myke at Mira sa isang sulok. Binuhat ni Myke si Mira at lumabas na kami doon. I hope she's fine. Bakit kaya palagi na lang lumalakas ang tibok ng puso ko kapag napapahamak siya?

Dinala namin siya sa clinic. Mabuti na lang dahil nandoon pa ang nurse. Tiningnan lang niya ang status ni Mira. Nang sabihin niya na maayos naman daw si Mira ay inutusan niya kaming umuwi na dahil hindi daw pwedeng magtagal sa school dahil il-lock na daw iyon. Hinayaan ko na lang na yung kambal na ang mag-uwi sa kanya. Kahit paano naman ay panatag na ang loob ko.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon