MIRACLE#76 Broken Miracle

18 0 0
                                        

""""""""""..........

Myke's PoV

Ang pinakaikinatuwa ko talaga ay noong pumunta siya sa apartment ko para itanong kung ano ang magandang iregalo sa akin.

Hindi ko alam ang gusto kong regalo. But one thing's for sure. Whatever gift it is, as long as it's from her, that would be special. That's what I thought that time.

And since si Mira iyon, I expected it to be fashionless and cheap. Noted. Given.

Noong gabi na nakita ko siyang nag-iisa sa garden ay ibinigay niya sa akin ang regalong binili niya. Keychain iyon. Iyon na yata ang pinakacheap na bagay na natanggap ko yet pinakana-appreciate ko.

Parang lahat ng bagay ay nagslow motion ng maliwanagan ang mukha niya ng fireworks sa taas. Mas nakita ko kung gaano siya kaganda sa malapitan.

Noong gabing iyon din nangyari na...

Hinalikan ako ni Alexha Vhit. Lasing siya that time and I must understand her pero pakiramdam ko nung mga oras na iyon ay pinagtaksilan ko si Mira.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko. Para lang huwag sabihin sa kanya. Kasi ang totoo ay natatakot ako. Ayaw kong magalit siya sa akin. Noong una ay intensyon ko na lokohin siya pero ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi ko na alam kung paano lumabas sa mind maze na ginawa ko.

Hanggang sa dumating ang araw na nakita ni Michelle ang ginawa ko. Nakatingin pala siya sa kotse ko at nakita niyang lumabas ako bilang si Kelly at doon siya nagalit sa akin.

Ang akala ko pa naman ay wala siyang pakialam kay Mira. Mali pala ako. Masyadong concern si Michelle sa kapatid niya pero hindi siya nagpapahalata. Pinakiusapan ko siyang huwag sasabihin kay Mira ang nalaman niya. Kasi gusto kong ako mismo ang umamin.

Ayaw ko ng patagalin pa ang nangyayaring ito pero wala akong mahanap na tamang oras para umamin.

Nakumpirma ng nararamdaman ko ang kalokohang ginagawa ko noong gabing nahalikan ko siya. I swear!

Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko noon.

Doon ako natauhan at sinimulang pagplanuhan ang gagawin kong pag-amin sa kanya. Hindi ko kayang magalit siya sa akin.

Pero kagaya ng plano kong i-bully siya, palpak ang mga naiisip kong pagkakataon.

Ilang araw ang lumipas na hindi ko siya nakikita dahil bumalik ako sa Japan. Pero bumalik din ako kaagad dahil namiss ko agad siya. Bumalik kami sa dati.

Isasali ko pa nga dapat siya sa JRMIA singing contest dahil gusto kong marecognize siya ng buong campus pero may nauna na sa aking gumawa no'n dahil aware naman ako na wala siyang balak na sumali kaya alam kong may ibang gumawa no'n para sa kanya.

Ilang araw makalipas ang audition ay nakatambay ulit kami sa resthouse ni Gel na malapit sa dagat. He really likes sea views. Tumawag si Wendy kay Nielle.

Doon kami nag-alalang lahat dahil boses ni Mira ang kumausap sa amin. Umiiyak siya. Sa huli ay si Wendy pa rin ang nagsalita. Dahil sa pag-aalala sa isinugod kaagad namin si Wendy sa hospital nila nang malaman namin na nasaksak siya.

Ilang araw ang nakalipas ay napagpasyahan kong tumambay sa coffeeshop na malapit sa school para makapag-isip. Sa coffee shop kung saan ko unang nakita si Kate and there she is, nagt-trabho kasi si Kate dito. Hindi ko alam kung kaano-ano niya ang owner but because I stalked her before, alam kong  mayaman sila kaya hindi na niya kailangang magtrabaho dito.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon