""""""""""..........
Mira's PoV
Pagod.
Pagod na pagod na pagod na ako. Tapos ganito pa ang mangyayari? Ano bang mali? Bakit kailangan pang mangyari ito??? Suko na ako. Ayaw ko na. Nagsasawa na ako...
"Nakakaasarrr!!!" inis na sigaw ko.
Nandito na ako ngayon sa bahay. Mag-isa. Nagagalit. Naiinis. Nab-bwisit. Nasasaktan. Nalulungkot. Natatakot.
Bakit ba nawawala ako sa sarili? Dahil ba sa sobrang daming bagay na ang nangyayaring hindi maganda? Wala na akong magagawa.
Huminga ako ng malalim bago lumakad at lumapit sa flower vase na nakapatong sa lamesita na malapit sa pinto ng kwarto nila Mama at Papa. Kinapa ko doon ang pinaka-manipis na kutsilyo na nakita ko sa buong buhay ko.
Ang sabi ni Mama ay para lang sa emergency ang kutsilyong ito. Dahil daw sa sobrang talas nito ay madali itong makakahiwa. Delikado.
Pero ngayon? Ito na lang ang magagawa ko. Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko. Mababaliw na siguro ako kung hindi pa ito matatapos.
Kung malalaman ni Mama na gagamitin ko ang kutsilyo at itong gagawin ko ay alam kong magagalit siya sa akin pero... ito na lang ang tanging paraan na naiisip ko.
Naglakad ako at pumwesto nang maayos. Isasaksak ko na sana ang kutsilyo nang biglang magring ang cellphone ko sa bulsa.
"Bwusit naman, oh?!" naiinis kong sabi.
Kaasar naman. Tinignan ko kung sino ang tumawag, si Wendy. Bakit kaya?
||Hello, Mira?||
Nawala ang inis ko dahil sa kalmadong boses niya. Masyadong mabait pakinggan.
"Hmm?" hindi ko na nagawang bumati pabalik.
Ano kayang sasabihin niya?
||Uhm... Pupunta ka naman bukas, diba? Sa party sa mansion nila Nielle?|| nag-aalinlangan niyang sabi.
Oo nga pala. Saturday night ang party. Pupunta pa ba ako? Ano naman ang gagawin ko doon? Pero bakit kaya...
Bakit may parte sa utak ko ang nagsasabi na pagsisisihan ko kung hindi ako pupunta? Alam kong pupunta doon ang mga kaibigan nila Nielle at mga mayayamang tao. So ano?
Ipagsisiksikan ko na naman ba ang sarili ko? Mas ipapamukha ko pa sa sarili ko kung gaano kalayo ang agwat ng mga buhay namin?
"Ahh, ano kasi, ano, Wendy, kasi--"
||Mira, please? Sinabi kong pupunta lang ako doon kung kasama kita. Please?|| pakiusap niya.
"Pero kasi..."
||Okay sige, ganito na lang. For my second wish...||
Nakuha ko naman kaagad ang ibig niyang sabihin. Gagamitin talaga niya ang wish niya para lang pumunta ako? Kung sabagay, kapag wala na ako ay baka hindi na niya magamit iyon.
||I wish you to come with me tomorrow night.||sabi niya at ibinaba na ang tawag.
Ano ba yan? Hindi man lang ako nakapagreklamo. Natauhan ako at naalalang mayroon pa nga pala akong dapat gawin...
Huminga ako ng malalim at sinipat nang maayos ang gagawin ko. Kailangan kong ituloy ito. Wala na akong dapat pagsisihan kasi alam kong wala namang makakaalam nitong gagawin kong matinding kalokohan. Dahan-dahan at maingat kong isinaksak ang kutsilyo sa...
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
JugendliteraturAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
