MIRACLE#41 Be Awaken

10 1 0
                                    

""""""""""..........

Lycah's PoV

Pagkapasok namin sa room ay nagtaka kami ni kambal dahil lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa cellphone nila. Nanggaling pa kasi kami sa cafeteria para bumili ng snack na makakain kapag wala pa ang teacher. Request ko 'yon, hehehehe.

"Nakita niyo na ba yung nangyari kay Mira?"

"Malamang hindi pa, edi sana wala sila dito ngayon kung napanood na nila iyon."

"Kawawa naman si Mira."

"Nasaan na ba siya ngayon?"

"Anong nangyari kay Mira?" tanong ni Angel pagkalapit niya kay Helen.

Yung katabi ni Mira noon. Ilang sandali lang ay pumasok sa loob si Myke at Nielle.

Napatingin ako kay AB. Siya yung pinakamalapit sa amin. She handed me her phone. Nagplay ang isang video. Si... Si Mira???

Agad nag-init ang ulo ko pagkatapos kong mapanood ang video...

"Kambal... diba-- si Ara y-yung kasama dito sa video?" seryoso kong tanong pero nangangatal na ako sa galit.

Makakalbo ko yung blonde na babaeng ginawang pastry activity si Mira!!!! Isa pa si Ara! Dito pala nagtago ang anak ni Hudas na iyon! Tumango lang si kambal. Hindi talaga siya nagsasalita tuwing nag-aalala siya kay Mira. Pero kapag naman ako ang napahamak, sisishin pa niya ako na kesyo daw kasalanan ko iyon.

Walang ibang tumatakbo sa isip ngayon kung hindi ang galit. At kung paano ako makakaganti doon sa babae sa video.

Ilang minuto lang akong nakatayo dito at nag-iisip. Feeling ko tuloy ay handa na ako... handang pumatay ng tao!! Nangingilid ang mga luha ko dahil sa galit. Nayukom ko ang mga kamao ko at nararamdaman ko ang panginginig ng mga iyon.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Wendy... kasunod si Mira.

"Uyy, Lycah. Guys? Bakit nakatayo kayo diyan?? Wala pa ba ang teacher natin?" nakangiti niyang sabi.

Ganyan magsalita si Mira tuwing may masamang nangyari na ayaw niyang ipaalam. Halata naman na nagbabait- baitan siya sa mga oras na ito.

Maayos na ang hitsura niya ngayon kumpara sa hitsura niya sa video. Bakit ba nagagawa pa niyang ngumiti? Mas lalong nag-init ang ulo ko.

Naupo siya sa kanyang upuan na parang wala lang. Sobra na. Sumusobra ka na Mira.

"MIRA, ANO KA BA???" galit kong sigaw.

Nahalata ko naman na nagulat siya sa ginawa ko pero hindi niya ako pinansin. Nakatungo lang si Mira.

"Sa tingin mo ba titigilan ka ng babaeng yon? Sira ba ang ulo mo? Alam kong sa ating dalawa ikaw ang mas matalino pero bakit hindi ka man lang lumaban? Bakit ha? Nag-eenjoy ka ba na nakikita yung mukha mo sa internet? Na kung sino-sino nalang ang nanglalait sa iyo dahil sabi nila nagpapapansin ka??!!!! Masaya ka ba sa ganoon??"
galit kong sigaw.

"Lycah!! Enough." saway sa akin ni kambal pero hindi ko siya pinansin.

Mira needs to wake up! She must be awaken. And I am willing to slap the truth to her baby face.

"Hindi eh! Hindi ka ba nakokontento na inaaway ka ng kapatid mo? Gusto mo pa talagang sumikat sa internet at makilala ng maraming tao? Hindi ka talaga lumaban para mas matuwa pa sila sayo? Gusto mong ipakita sa lahat ng tao ang mukha mo at kung anong kahihiyan ang kayang gawin sa iyo ng iba? Nag-iisip ka pa ba? HA? MIRA??"

Lahat ng mga kaklase namin ay tahimik kaya naman rinig na rinig sa buong room ang boses ko. Minsan lang talaga ako dapuan ng hiya kaya naman ngayon ay ayoko ng magpigil.

Bigla akong nakonsensya at napagtanto ang mali kong sinabi ng mag-angat ng ulo si Mira at tumingin sa akin. Tumayo siya at humarap sa akin. Yung mga mata niya ay pulang pula na pati na din ang mukha niya dahil sa pagpipigil ng iyak. Mira, sorry...

"Alam mong hindi totoo yan. Higit sa kahit na sinong tao dito sa room, Lycah, ikaw ang pinaka-inaasahan kong makakaintindi sa akin. Alam niyong dalawa ni Rence na kung gusto ko-- kung ginusto ay kayang-kaya ko silang labanan pero ano? Hindi ko ginawa. Kasi ayaw ko ng gulo. LYCAH NAMAN?!!! Alam mong matagal ko ng pinangarap na makapasok sa DREAM SCHOOL ko na ito, tapos ano?? Sisirain ko lang dahil sa babaeng iyon? Hindi ako mayaman kagaya mo--kagaya niyong lahat pero hinding hindi ko ibababa ang sarili sa mga taong katulad niya na sumasaya lang para makapagpapansin sa lahat at manakit o gumanti sa iba." kitang-kita ko ang panginginig ng panga niya habang nagsasalita.

Ganito siya, eh. Ako lang ang kayang sagutin. Ayaw niyang lumalaban sa iba dahil sinasanay niya ang sarili niya kaysa makipag-away. Ganiyan siyang ka-bayani.

Sa akin lang niya ipinapaintindi ang dahilan kung bakit hindi siya gumaganti. Alam na naman kasi niya na nauunawaan siya ni kambal. Na hindi ko kayang gawin dahil tama siya, war freak ako.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumulo na ng tuluyan ang mga luha niya. Tama siya. Parang sa halip na siya...ako ang nagising... Hinusgahan ko si Mira, ang bestfriend ko na para bang wala kaming pinagsamahan. Na para bang hindi ko siya kilala.

"Mira, I'm so---"

Lumabas siya. Iniwan niya kaming lahat dito sa loob. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko. Wala sa sariling napaupo ako at pumikit ng mariin.

Ngayon ko lang nakita na nagcut si Mira ng klase. Noong grade VII kami. Nung naaksidente ang Papa niya, hindi niya ginawa. Nung grade VIII, nasunugan sila ng bahay at halos wala nang matira, hindi niya ginawa. Last year, nagbreak sila ng boyfriend niya, hindi niya ginawa pero ngayon...

Mababaw ang mga ganoong rason para sa kanya. Ang palagi kasing niyang sinasabi ay...

'Okay lang ako'

'Magiging ayos din ako'

'Kaya ko ito'

'Kakayanin ko'

"Lycah. Sumobra ka na. Alam mo namang ayaw ni Mira na minamaliit siya at pinangungunahan." sabi ni kambal bago humabol kay Mira.

Anong gagawin ko??

""""""""""..........

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon