MIRACLE#23 Fighting Spirit

6 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Napatingin sa akin ang buong team. Pito na ang pares na nakikita ko. Ang wala lang dito ay si Helen, at si Myke. Puntahan ko kaya si Helen sa room?

"Mira. Pupuntahan ko si Myke. I'll tell him to play with you." suhestyon ni Nielle.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Whhuut? Obsessed ba siya sa para manalo kami o talagang ipinu-push niya ang pagiging leader?

"Ahh, wag na!! Kayo na lang ang maglaro. Manonood ako at magch-cheer. Galingan ninyo ha?" nakangiti kong sabi.

Ayokong kapartner si Myke. Sigurado akong sisigawan lang ako noon. Kinumbinsi pa ako nila Angel. Kailangan ko daw sumali para makapag-enjoy daw ako.

"Ganoon ba? Tatawagin ko na lang si Helen para maglaro---"

"Oh, nandito na pala si Myke, eh!" pagputol ni Aira sa sinasabi ko.

Napatingin siya sa akin. Lumapit siya kay Nielle at itinanong kung ano ang nangyayari.

"Okay. Wala namang problema kung maglalaro ako." bored niyang sabi.

Pumayag siyang makapartner ako??? Sana hindi na lang. Mainit ang dugo sa akin ng isang iyan. Ilang minuto kaming pinaghanda ng teachers. Nandoon daw sa labas ang obstacle course. Ang sampung partner daw na mananalo sa race na ito ay maglalaro ng 'three legged race'.

Puro karera. Pero syempre, flag ulit. Kung naisasangla sana ang flag na iyon , marami na akong pera. Hehe.

"Hoy, transferee, listen. Susundin mo ang mga sasabihin ko for 'me' to win this race. Don't you think that I'm in favored with this idea of having you as my partner." seryoso niyang sabi.

At talagang ipinagdiinan pa niya ang 'me' niya, gago! Hindi na lang ako nagsalita. Ang arte naman. Susundin ko na lang din siya para wala nang gulo.

Lumabas na by team ang magkakapartner. Sa gilid ng soccer field ay ipinaliwanag ni Miss Van ang gagawin namin.

Una daw ay kailangan naming dumaan ay twelve pairs ng mga gulong na nandoon sa harapan, mayroong limang hilera ng malalaking gulong doon. Mayroon daw mga teachers na assigned para bantayan kung sinong pair ang hindi dadaan ng maayos doon. Sunod daw ay aakyat sa mga net na yari sa lubid para lumampas sa putik. Kukuha daw ng isang flag sa tuktok, ang mandaya daw at kumuha ng dalawa o higit pang flag ay tanggal na din. Doon din bababa sa lubid sa kabila. Tatawid din kami sa mahabang monkey bar para malampasan ang mga uod, bulate at kung anu-ano pang mga maliliit na hayop at insekto na nasa loob ng mahabang railways. Sunod naman ay gagapang sa ilalim ng mga nakahilerang mahahabang lamesa na napapalibutan ng kawad na tinik. Nandoon din sa ilalim ng lamesa ang putik na gagapangan namin. Pagkadaan daw doon ay pupunta sa mga nakasabit na gulong para gawin itong tulay papunta sa lamesa na mayroong plato sa ibabaw. May iba't ibang pagkain daw ang ilalagay ng mga guro doon.

Pagkaubos ng pagkain ay sisigaw ng 'I AM A LEADER' at dadaan sa mga traffic hat habang sinisipa ang soccerball. Didiretso daw sa rubberpool na puno ng maliliit na bola at hahanap ng kahit anong ibang bagay maliban sa bola. Ibibigay ang bagay na nahanap sa partner at yung partner ang tatakbo pabalik sa gilid ng soccer field para isulat sa white board na katabi ng teacher kung ano ang message na nakasulat sa bagay na nakuha.

Nag-alala ako dahil ang nasa isip ko ay madami kami at hindi pwedeng sabay-sabay na tumakbo sa obstacle course pero natawa nalang ako ng makitang sobrang daming pares ang nagback-out sa laro. Wala pa sigurong twentypairs ang nananatili dito sa gilid ng field. Haha.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon