""""""""""..........
Mira's PoV
Huwebes na ng hapon ngayon at ako ay na-iinip na. Tiningnan ko ang cellphone ko at 4:00pm pa lang naman. Wala akong magawa ngayon. Masyado na ding hapon kung ngayon pa ako matutulog.
Malapit ng matapos ang Mayo at ibig sabihin ay balik-aral na ulit. Nakaka-miss talagang mag-aral kapag bakasyon.
May kumatok sa pinto kaya naman lumingon ako dito at kusa itong bumukas ng dahan-dahan. Inayos ko muna ang salamin sa aking mata bago lumapit doon. Take note: hindi ako nerd. Malabo lang talaga ang mga mata ko.
Iniluwa nito ang ulo ng isang spoiled na bruha. Psh. Yung kapit-bahay kong spoiled brat.
"Hi, Mira!!! Kamusta ka na?? Ang tagal na nung huli tayong nagkita, 'no?? Lalo ka yatang gumaganda, ah??" dirediretso niyang sabi at naupo sa tabi ko. Ang tagal daw? Naka limang oras na ba?
"Ayaw ko." ito lang ang tanging nasabi ko.
Bigla namang nabago ang expression ng mukha niya. Natawa tuloy ako kahit seryoso ang mukha.
"Mira naman ehhh!!" kinulit niya ako at inuga ang braso ko.
Alam ko naman ang pakay ng pagiging sweet niya kunwari at pagpunta dito. Seryoso akong umiling.
"Mira, ano ka ba? Wag kang kj!! Last game na ni kambal bukas, sumama ka na kasi!!" nangulit na naman siya. Psh.
Si Rence ang tinutukoy niyang kakambal niya na may laro bukas sa liga. Last game na daw ng Cute Scouts na kinabibilangan ni Rence. Isa pang pasaway.
"Busy akong tao. Lalo na bukas." sarkastikong sagot ko.
"Mira naman!! Never ka pang pumunta sa laro ni kambal kahit sa school games o intrams. Please sumama ka na. Kahit bukas lang. Naipagpaalam na din kita kay Tita Mika kaya wala ka ng problema. Sige naaa. Sasama naa yaaann." sabi niya habang sinisundot ang aking tagiliran.
"Lycah, wala akong hilig sa sports, lalo na sa basketball. At isa pa, alam ko namang hindi laro ang ipupunta mo d'on kundi si Motchok, eh!" sinungitan ko na siya.
Natigilan siya sandali at nag iwas ng tingin. Kahit naman kasi alam kong mab-bored lang ako sa bahay, ayaw ko namang magpunta doon sa covered court na sobrang ingay. Tiningnan lang niya ako ng masama.
"Hoy, hoy!! Anong Motchok, huh? Ang sabi ko manonuod tayo ng laro ni kambal. Ikaw ha, napaghahalataan ko na. Crush mo si Motchok, 'no?" asar niya.
Natawa ako. Ang hilig niyang mangbara at mangbaliktad. Ako daw?
"Eh kung crush ko yon malamang naging stalker ulit ako!! Pero may nakita ka ba dito sa kwarto kung may kahit isang picture n'on ang nakalagay dito?"
Bahagya pa siyang lumingon sa kaliwa at kanang bahagi ng buong kwarto.
"Malay ko ba kung itinatago mo yon sa ilalim ng higaan mo? Or nasa drawer mo?" pa-inosente niyang sabi na nakapagpangisi sa akin.
"Pero... kung pupunta tayo ngayon sa kwarto mo, tingin ko mas madami tayong makikita." nakangiti kong sabi at nagtaas-baba ng mga kilay. Hindi ko kaya yung single eyebrow lang, eh.
Namula ang mukha niya at nanlaki ang mga mata na siyang ikinatuwa ko. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Sa tingin ko pupunta siya sa kwarto niya at maglilinis-linis. Takot lang nun sa surprise visit ko sa kwarto niya. Haha.
Unfortunately, magkapit-bahay kami ni Lycah. Pero tuwing magkasama kami, sobrang layo naming dalawa mula pisikal hanggang ugali at sa sobrang dami pang bagay.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
