MIRACLE#82 Strange Expression

17 0 0
                                    

""""""""""..........

Lycah's PoV

Sinenyasan naman niya kaming pagsalitain muna siya. Hininaan lang niya ang boses niya dahil si Mira naman ay abala sa pagkain sa kama niya ng dinalang take-out dinner ni Mr. Madria.

"Siya ay nasa kondisyon kung saan naaalala lang niya ay ang mga bagay na nangyari noon bago siya magkaroon ng amnesia. You..." nakatingin siya sa akin kaya naman umayos ako ng  upo. "Since when did you know Jr?" malumanay niyang tanong.

Sandali akong napaisip. "7 years na po kaming magkapit-bahay."

Sa totoo lang ay hindi ko pa din alam kung totoo ba ang conclusions ko sa mga nangyayaring ito.

Na hindi anak nila Tita Mika si Mira. Hindi sila magkapatid nung bruha niyang kapatid. Na...

Ampon siya? Pero bakit naman siya ipaampon ng mga magulang niya na saksakan ng yaman? Hindi kaya kinidnap siya nila Tita? Pero imposible! Masyado silang mabait, except sa bruha nilang anak, sa lahat.

"I see. Bago kayo magkakilala, did you notice something weird with regards her attitudes or mannerisms? Like, tahimik siya, or hindi nakakapagsalita ng tuwid?"

Napalingon ako kay kambal. Wala akong  maalala.

"Kambal may ganoon ba? Ang naalala ko po kasi noon ay ang unang pag-uusap namin ni Mira ay sinungitan na agad niya ako. Kahit wala naman akong ginagawa--"

Mr. Madria, Nielle and Miss Hannah cut me off. Tumawa kasi sila kaya paano ko itutuloy ang sasabihin ko?

"Iyon talaga ang reaksyon ni Jr sa mga batang kaedad niya. Nagsusungit. Hahaha." kahit tumatawa ay mababakas ang lungkot sa mga mata nila. Sinabihan nila akong magpatuloy na.

"Wala din naman po akong napapansin na kakaiba kay Mira. Close pa nga sila ng kapatid niya kahit na madalas silang mag-away. Yun namang nagkita si Gel at Mira sa Cebu ay nangyari na hindi pa kami close noon. Madalas kasing  mabully si Mira dahil kulot--pfft. Sorry po. Hehehe. Tapos mas naging tahimik lang siya nung nanggaling na sila sa Cebu. Ahh! Naalala ko na po!! Weird para sa akin na isang taon tumigil si Mira sa pag-aaral. Ang alam ko po, sinabi nung mga kapitbahay namin noon na natrauma daw si Mira dahil nasunog daw yung unang tinirahan nilang bahay. Kaya pinatigil muna siya sa pag-aaral at itinuloy nung nakalipat na sila sa baranggay namin. Psh! Pero pwede po bang sabihin niyo muna kung anong nangyayari?"

Seriously? Hindi ko pa rin gets!

"Si 'Mira' ang anak namin..." panimula ni Miss Hannah. Pero si Tita Mika nga ang nanay niya!! Eh? "...walong taon ang nakakaraan ng may insidenteng nangyari and we all thought that--she died..." nagsimula na namang umiyak si Miss Hannah. Pinakalma naman siya ni Mr. Madria sa tabi niya bago siya muling magsalita. "I don't know what happened and we don't know why she was on her poster parents. Kung alam lang namin na buhay siya, hindi sana kami nahihirapan ng ganito..."

Pinilit niyang umiyak ng tahimik pero trinaydor siya ng emosyon niya na nakahawa sa aming lahat. Ilang sandali ang lumipas ang katahimikan hanggang sa binasag iyon ng doktora.

"Let's go. We need to do something  for her to bring  her memories back to its normal. But the thing is..." she is hesitating to tell us something.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon