""""""""""..........
Mira's PoV
Pagpasok ko sa room ay nakita ko agad si Angel na pabida doon sa likod. Naupo lang ako sa pwesto ko dito sa unahan at nagsound trip. Inaantok ako.
Mabuti din na pinapayagan kami ng lahat ng teachers namin na maupo kahit saang pwesto. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya umayos ako ng upo. Akala ko naman ay teacher, si Myke at Alexha lang pala. Ang pogi talaga niya, kung hindi lang siya demonyito ay mukha na siyang perpekto. But nobody's perfect. Lalo na ang flirt na kagaya niya!! Psh!
Pake ko ba? Wala dapat akong pake sa kanya, hindi naman siya si JM.
Wait--ano bang pakialam ko sa ex ko?
Hinintay ko ang teacher hanggang sa tumunog ang speakers. Announcements na naman??
'Good morning to all of the students of JRMIA. I would like to inform you that there would be an urgent teacher's meeting. All of you would have vacant hours. But before that, I would also like to say that the school owner would visit us later. So please students make yourselves presentable and cooperate with us. Thankyou.'
Ang hilig ni Miss Van sa speaker announcement. Bano ba siya?? Hahaha.
Yung broadcast studio siguro ang tambayan niya?
Napatingin ako sa pwesto nila Angel. Tamang tama lang dahil sinenyasan niya ako na maupo doon sa tabi nila.
Wala namang teachers eh. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Wendy.
"Hoy sirena! Bakit kayo tumakas kahapon ha?? Igawa ninyo din kami ng scrap book.!!" maangas na angal ni Gel.
Akala ko ba sweet siya?? Hindi naman, eh. Pero natawa ako sa kanya.
"Kayo nalang tatlo ni Thim at Myke ang wala pang project sa atin. Tamad kasi kayo." sabi ni Angel.
"Sinong nag-sabi na wala pa akong project? I already have mine." sabi ni Myke.
"Ano??? Ang daya mo naman, Myke!!! Bakit hindi mo ako ipinaggawa???" reklamo ni Gel.
Natawa kami ng batukan siya ni Angel. Ang sweet nila. Naiinggit talaga ako sa mga babaeng may kuya. Pangarap ko iyon, eh. Magkaroon ng kuya, hindi ng demonyitang kapatid. Haaayyy!
Nagkwentuhan at asaran lang silang lahat. Syempre hindi ako makasali, pinag-uusapan nila ay business ng family nila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng vest ko ng maramdaman ko ang buzzer nito.
From: (unknown)
||Hello. Goodmorning, Miss!||
8:32 am
Ha?? Si Kelly ba ito? Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Miss, eh!!
"Hoy, Mira!!! Sinong nginingitian mo dyan?? Yung boyfriend mong nang-iwan sa iyo??" mataray na sabi ni Angel.
Nawala ang ngiti ko. Napaharap lang ako sa kanya at agad natauhan ng makitang bigla niyang kinuha ang cellphone ko at malakas na binasa ang message sa akin.
"From:Unknown!!! Hello daw miss. Sino tooo haa??" pangungulit niyang sabi.
Itinago ko ang cellphone ko pero inilabas ulit ito ng magramdaman ulit ang buzzer.
From:bruhanglycah
||Mmmiiirrrraaaaaa!!! We missed you!!!!||
8:35
From: mycutie
||we finally get our phone back!!!||
8:35
Phone back? Bakit, nasnatchan ba sila?? Wala akong load nagyon kaya hindi ako nakapagreply. Pero masaya naman ako na nagtext na ulit sila. Itinago ko na agad ang cellphone dahil baka mangasar na naman si Angel.
"Guys, you know what?? Ngayon pa lang naeexcite na ako sa filed trip natin sa Christmas..." sabi ni Angel.
"Fieldtrip agad? Haha. Kakasimula pa nga lang ng school year classes, field trip na iniisip mo." sabi ni Wendy.
Ano daw? Tuwing christmas nila ginagawa ang fieldtrip nila?? Parang ang saya noon!
"Ahh, guys kailangan ko palang umalis. Hehe. May pupuntahan lang ako." paalam ko sa kanila.
Gusto daw sumama ni Angel kaya lang ay pinigilan siya ni Gel dahil daw igagawa daw ni Angel ang kapatid niya ng scrapbook. Ang tamad niya. Hehe.
Nagpunta ako sa library. Bumati ako sa librarian at kumuha ng libro. Ang sabi niya ay wag daw muna akong magpabalik-balik sa campus dahil nandito ang owner ng school. Mapapagalitan daw ako ng principal at delikado daw dahil scholar student ako.
Kumuha ako ng math na libro. Pagkatapos ng meeting ay mathematics na ang subject namin. Ewan ko ba kung bakit pero pabago-bago ang schedule namin sa mga subjects araw-araw. Nalalaman ko lang dahil sa group chat ng X- Felix. Isinali ako ni Angel doon nung nakaraang Linggo.
"Miracle, tulungan mo naman muna akong maglinis ng bookshelf 1. Wala kasi yung assigned helper dito ngayon, eh." sabi ng librarian.
"Okay lang po, kahit naman po anong oras ay dapat akong tumulong kapag vacant. Mabuti po at sinabi ninyo." nakangiti kong sabi.
Ang mga bookshelves kasi ay by section. Mayroong 39 na bookshelves sa first at second floor ng library. Ang pinagkaiba lamang ay sa baba mas maraming extra book shelf sa pader na hindi na kabilang sa sections. Dalawang bookshelves lang ang nalilinis araw-araw pero hindi naman ganoong kadumi dahil sa aircon sa loob.
Binigyan niya ako ng chicken feathers at sa kanya naman ang basahan. Pupunasan niya ang libro at ako naman ang maglilinis ng bookshelf. Mayroon lang namang anim na patungan sa isang bookshelf kaya lang ay one and half feet yata ito kaya gumagamit kami ng hagdanan para makapagsimula sa pinakataas.
Medyo matagal din bago kami matapos sa unang bookshelf at lumipat sa katapat nitong lalagyan. Nakakapagod.
"Mabuti naman po dahil nakakayanan ninyong tumagal sa library kahit sobrang tahimik."
Masyado kasi kaming tahimik at seryoso.
"Oo nga. Ilang taon na din akong walang katulong dito dahil ang helpers lang naman ay kagaya mong scholar. Pero alam mo ba, tuwing nab-bored ako dito sumasayaw at kumakanta ako mag-isa?? Hindi na ako nahihiyang may makakita sa akin kasi ang pumapasok na lamang dito ay mga helpers na isang oras kada araw maliban sayo at dun sa lalaking hindi ko alam ang pangalan." kwento niya.
Napangiti ako. Minsan ay naisama ko si Kelly dito at dito kami kumain ng lunch kasama ang librarian.
Natuwa pa siya dahil may isinama daw ako. Nag-usap pa kami ng nag-usap dahil nakakapanis talaga ng laway ang pagtahimik.
Bago magsimula ang klase ay bumalik na ako sa room. Math na naman!! Kahit ayaw ko ay minsan napapakopya ko sina Angel ng sagot sa assignments ko kasi nagpapaawa sila sa akin.
Bahala na nga.
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
JugendliteraturAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
