MIRACLE#37 Future Baby

10 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Pagkalabas namin ng cafeteria ay dumiretso kami sa library. Hindi pa naman oras ng klase at ayaw muna daw makita ni Lycah si Angel.

"Ang ganda ng library!!!!!! Dreams come true, Mira!!!" malakas na sabi ni Lycah ng makapasok kami.

Sinita ni Rence si Lycah dahil napatingin sa amin yung librarian. Pero sa halip na pagalitan kami ay nginitian niya kami.

"Good afternoon sa inyo." masayang bati sa amin ng librarian.

Naupo kami sa isang bakanteng lamesa dito sa second floor. Well, lahat naman ay bakante. Haha. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Yung Mommy ni Nielle sobrang mabait tingnan pero... nakakatakot. Kinabahan tuloy ako.

Paano kapag bumalik yun dito at makita niya ulit ako? Baka nga patalsikin na niya ako sa school 'niya' eh. Anong gagawin ko?

"Hey. What's wrong?" nag-aalalang sabi ni Rence.

Si Lycah kasi ay nakatingin pa sa bookshelves at pumipili ng libro. Napatingin ako kay Rence. Sinabi ko na naman sa kanila kanina yung nangyari kahapon habang naglalakad kami sa mga court.

"Eh kasi... paano kapag bumalik dito yung nanay ni Nielle, yung may-ari ng school? Baka bawal na ako dito? Or baka paalisin niya na ako dito sa school niya?" nag-aalala kong tanong.

Ngumiti si Rence. Ang palaging ngiti na binibigay niya sa akin tuwing nag-aalangan ako o may iniisip. Hinawakan niya ang kamay ko katulad ng palagi niyang ginagawa.

"Mira, kung hindi ka na pwedeng bumalik dito sa library... edi sana pinaalis ka nung librarian. But did you see her? Mukha siyang nag-aalala sa iyo at nginitian ka pa."

Medyo gumaan ang loob ko. Hindi ko na inalala ang nanay ni Nielle. Nagpalipas lang kami ng oras dito at nagpasyang bumalik na sa room bago magsimula ang oras ng klase.

Bago pa kami makababa sa hagdan dito sa loob ng library ay kakaibang kaba ang naramdaman ko. Yung... yung nanay ni Nielle!! Si Miss Hannah. Nandito siya! Anong gagawin ko??

Napatingin siya sa akin kaya naman napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko.

"May I have a word with you Miss Reyes?" sabi niya sa akin.

Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko dahil sa boses niya. Hindi kagaya kahapon na galit siya o nangigigil, ngayon ay napakakalmado na ng boses niya. Hindi ko na din nararamdaman ang nakakatakot na aura niya na kapareho nung kay Nielle.

Ipinatong ni Rence ang kamay niya sa balikat ko at nginitian ako na parang sinasabing 'ayos lang yan,' sana nga.

Pagkababa nung kambal ay nakatungo lang ako. Ilang sandali lang ang lumipas at...Putik!

Tumutugtog ng piano si Lycah sa baba!! Hindi naman gano'n kabastos si Rence para lagyan pa ng background music ang eksenang ito. Sa sobrang tahimik dito sa loob ay rinig na rinig namin ang mabagal at malungkot na tinutugtog nung bruhang 'yon mula sa baba.

Sandali akong nag-angat ng tingin kay Miss Hannah. Hindi naman siya nagsasalita kaya naman nilakasan ko na ang loob ko.

"Ahh, M-miss Ha- Hannah. Sor-ry po sa nang-yar-ri kahap-pon---" pinutol niya ang nauutal kong speech.

Nakakahiya talaga. Malma naman!! Sobrang kabado talaga ako. Putik, sumabay pa yung panunuyo ng lalamunan ko!

"Hey, look at me, Miss Reyes." sabi niya at ipinatong ang mga kamay niya sa mga balikat ko.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon