MIRACLE#31 Swim Race

8 1 0
                                    

""""""""""..........

Angel's PoV

Pagbalik namin sa classroom ay naghanda na kami para sa susunod naming subject. P.E. Kasama ko si Mira at Wendy dito sa locker room at kumukuha ng swim wears. Ibinigay lang ang bagong pares ng uniform na ito noong Biyernes kaya ngayon pa lang kami makakapag swimming kasi kahapon ay running ang aming ginawa.

"Oy, Angel. Kailangan ba talagang magswimming??" kinakabahang sabi ni Mira.

Natawa naman ako at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit hindi ka pa ba maalam lumangoy?" pang-aasar ko sa kanya.

Tumawa lang ako ng umiling siya.

"Ngayon pa lang maghanda ka na ng grade na bagsak. Hahaha."

I suddenly felt guilt ng makita ang sobrang pag-aalala at lungkot ni Mira. Lumapit ako sa kanya. Grade concious nga pala siya dahil kahit isang marka lang ang bumagsak sa kanya ay mawawala na instantly ang scholarship niya.

"Huy, joke lang. Pwede ka namang doon lang sa tabi. Sabihin mo na lang kay Maam para hindi ka mapagalitan. Ha?"

Tumango lang si Mira. Nagpalit kami ng longsleeves at short na swimwear na kulay black. Fit na fit!! Hindi ako masyadong makahinga. Tumataba na siguro ako. Sabay-sabay kaming pumunta sa pool court at doon kami binigyan ng goggles at headcups.

Kinausap muna ni Mira ang teacher namin bago siya naupo lang sa bench. Napatingin naman ako sa mga lalaki!!! Ang s-sexy ng mga kaklase ko!! Yung shapes ng katawan ng mga babae at yung mga abs ng mga lalaki!! Grabeeh! Binanas akong bigla.

Napatingin ako sa swimming pool. It is 20 meters wide and 60 meters long. As far as I can remember, it is 9 or 10 feet deep. Dito ako natutong maglangoy noong bata pa kami. Hindi kasi ako sanay maglangoy, though we have our own pool in our backyards.

Swim race naman daw ang gagawin. Lahat ng babae ang maglalaban at lahat din ng lalaki. Then limang babae at limang lalaki ang final swimmer competitors. Nakita ko na lumapit sila kuya kay Mira kaya lumapit din ako.

"Aren't you feeling good, Mira??"

"Let's go there. Magsisimula na ang swim race, Maria."

"Hoy sirena, anong problema? Diba dito ka magaling? Sample-an mo naman kami!"

Sabi nila kay Mira. I was about to speak but then Mira replied.

"Ahh, medyo masakit kasi ang paa ko, eh. Hehehe. Hindi ako makakasali, k-kayo na lang." naiilang niyang sabi.

Bakit kaya nagsinungaling siya?? Nagsimula na din naman kami. Ang ayoko sa karerang ganito ay hindi ako sanay sa malamig na tubig.

I step on the diving board and I just put my goggles properly. Siyam na babae ang nakapwesto na para mag-langayon. We just waited for the whistle signal of instructor.

Naghiyawan ang mga lalaki ng magsimula na kami. At syempre dahil iyon sa akin. Ako kasi ang fastest swimmer sa section namin. Hehehe. Joke lang.

Nagtrain talaga ako para maging mabilis na swimmer kaya nga lamang ay...

"Congrats, Wendy. You're still the fastest. Angel you're getting better. Good for you." sabi ni Maam.

Si Wendy, ako, Alexha, AB at Helen. Kami ang lalaban mamaya sa boys. Nakita ko si Mira na nakatayo malapit sa pool at natutuwang pinanonood kami.

"Ang galing ninyo!!" salubong niya sa amin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Wala na yata akong maidadaldal pa sa kanya. Hehe. In-abot-an kami ng helper ng mga tuwalya at naupo lang kami sa bench katabi ni Mira. Yung mga lalaki naman ang magr-race.

Nakita pa namin na lumapit si Alexha kay Myke at nag-usap sila. I don't really know why but sometimes, I don't like that girl. Sabagay, ayaw ko naman talaga sa kanilang magkapatid noon pa man.

"Ang hot talaga ng Felixians."

"Sana magkagusto sa akin ang kahit na isa lang sa kanila."

"What the, abs!!"

"My precious eyes."

"I'm innocent and virgin! Hate you guys!"

Natawa kami ni Mira sa sari-saring komento ng mga kaklase namin. Well ganoon din naman ako dati... kay Nielle!! Pero ngayon...ewan ko.?

Nagsimula na din silang magswimming dahil sa whistle signal. Unfair kung lalaki at babae ang maglalaban mamaya. Mas bibilisan ko na lang. Gusto ko kasing ma-challenge na matalo si Wendy sa swim race...kahit isang beses lang.

Ang mga makakalaban namin ay sina Nielle, Myke, kuya, Thim at Zey. Mga lalaking uh-lala ang katawan. Hahaha.

Napatingin naman ako kay Mira. Nanlaki ang mga mata ko ng... wala man lang siyang reaksyon ng pagnanasa sa mga lalaki. Ano ba yan??!!Tomboy kaya si Mira?? Ganoon din si Wendy, hindi ko din siya kinakikitaan ng mga reaksyon. As always.

"Get a 5 minutes rest, guys. We'll start later." sabi ni Maam na tuwang-tuwang panoorin ang mga lalaki. Argh!

Lumabas siya sandali para daw kumuha ng timer. Naiwan daw kasi niya iyon. Ang ginawa lamang niyang basehan ay ang mga mauuna. Shushunga-shunga. Hehe. Ang dala lang niya ay ang paper board niya kung saan inir-record ang pagkakasunod-sunod ng mga nauuna sa race. Pwede din daw kasi niyang matrain ang iba sa amin para sa sports fest.

Nakita kong tumayo si Mira at lumapit sa pool. Pinagmasdan ko na lang siya dahil nagpapahinga pa ako. Kailangan maganda ang kondisyon ng paghinga ko mamaya.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa divers area.

"Hindi ba talaga maalam magswimming ang mga mahihirap?" biglang sabi ni Thim.

Siraulong ito!! Siniko ni Nielle ang tiyan niya. Buti nga. Napakamapanglait. Napatingin ulit ako kay Mira. Bigla siyang tumigil. Narinig kaya niya si Thim? Pagnagkataon, baka ma-offend siya.

Hindi na gumalaw pa si Mira doon sa kinatatayuan niya.

Hay buhay... parang si Mira. Tumitigil kapag pagod na. Hehehe

""""""""""..........

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon