""""""""""..........
Nielle's PoV
It's Tuesday morning. Hindi kami pumasok ni Wendy. Why would we? Pumayag naman si Ninang Nessa at sinabi pang dadalaw daw siya mamaya. Katatapos ko lang magshower. Si Wendy ay tulog pa sa tabi ni Mir-- ni Jr. I should practice myself calling her that way.
Si Mommy ay mayroong surgery appointment mamaya at hindi daw niya pwedeng ipagpaliban iyon. Pag-aaralan pa daw niya ang gagawin. Kahit ayaw niya ay kami muna ni Wendy ang pinagbantay niya. Pabor naman kami do'n.
Si Dad naman ay aasikasuhin na ang identity documents ni Jr. Kahit wala pang official consent at agreement mula sa adoptive parents ni Jr ay ginawa na ni Dad. Of course, may karapatan naman siyang gawin iyon.
Pwede niya ngang iutos na lang iyon but he wants that thing to be perfectly fine. A man with all the perfections, iyon ang pinangarap kong maging noon pero ngayon?
Gusto ko na lang mabuhay ng maayos kasama si Jr at Gwen. Pati sila Mommy at Daddy.
Naupo ako sa paanan nilang dalawa. Parang gusto ko na namang maiyak. Hindi man ganoon ang gawain ng isang lalake pero wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam sa kahit na anong sabihin ng iba sa akin when it comes to my family.
I am really happy right now. Mabubuo na ulit kami. Ang sarap tingnan ng mga Prinsesa ko na mahimbing na natutulog na parang walang problema. I wish I could do the same.
But no. Hindi ganoon iyon. Alam kong sa likod ng himbing ng kanilang pagtulog ay may mas mahirap silang pinagdadaanan.
Wendy is still suffering from being outcast in our family. Kailangan pa rin niyang harapin ang mga kabayaran at parusa niya sa mga nangyari. Siya ang umaako ng lahat. And there I have this useless brain and body. Wala man lang akong magawa para sa kakambal ko.
Si Jr naman. Mukha lang siyang natutulog pero mayroong nakakabit na oxygen mask sa sa ilong at bibig niya due to some breathing problems. At pagkagising niya, doon kami mas nangangamba. Bago kami tuluyang iwan ni Ninang Celine kagabi ay sinabi niya ulit ang mga posibleng mangyari. Pero...
Ngayon pa ba kami susuko? Ngayon pa't alam namin na buhay siya? Our family's center piece? No way! Not gonna happen. Kung hindi nga lang sana kami nag-give up noon pa lang ay hindi na siguro lalala ang kondisyon at paghihirap ni Jr. And here I am again, useless.
But I do believe and trust in her. She can make it.
Ilang sandali lang akong naupo sa kama kung saan sila nakahiga. Pumunta ako sa living room at doon tuluyang nagpahinga. Pareho kami ni Dad na wala halos tulog dahil binantayan namin si Jr kagabi. Si Wendy naman ay sinamahan si Mom na umuwi sa mansion at doon magpahinga.
Natawa pa ako ng maisip kung bakit parang hindi rin naman natulog sa mansion si Wendy dahil katabi niya si Jr at tulog na tulog. I closed my eyes pero hindi talaga ako makatulog. Pumunta ako sa mini kitchen para kumuha ng makakain ng magring ang cellphone ko.
"Oh?" cold kong sagot sa tumawag.
Well, wala lang talaga ako sa mood.
||boss! May maliit tayong problema.||
Napahinga ako ng malalim. Hindi ako sumagot hoping that he'll continue speaking but he didn't. That stupid! Pinagpatayan ako ng phone.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...