""""""""""..........
Mira's PoV
Sa halip na ngayong Martes ay na-adjust ang championship night bukas. Pumasok ako sa classroom na humihikab pa. Napuyat na naman ako kagabi. Si Kuya Bim kasi ay inimbitahan akong kumanta sa gig nila kagabi. Eto ang drama ko. Puyat.
At isa pang hindi nakapagpatulog sa akin kaninang madaling araw ay ang pagtawag ni Wendy. Napaisip pa nga ako kung paano niya nalaman ang number ko, nakalimutan ko kasing si Nielle nga pala ang nagbigay ng cellphone ko.
Malamang ay ibibigay ni Nielle sa girlfriend niya ang cellphone number ko. Psh. Sila na may jowa. Haha.
Naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Wendy.
""""""""""Flashback..........
Humikab ako at pabagsak na humiga sa kama. Alas tres na ng madaling araw at kauuwi ko lang galing sa guesting show ko sa gig ng kapatid ni babe. Masaya naman kanina. Maraming nanood sa amin.
Kinausap pa nga ako ng manager nila na magpart time daw ako doon bilang singer sa restobar nila. Magandang offer yun.
Nasa kalagitnaan na ako ng awake state at sleeping state ng may tumawag sa cellphone ko. Ano ba yaaaann??
"Bbaaakkkeeetttt?" inaantok na sabi ko. Napatawa naman ang boses ng babae sa kabilang linya. Tinginan ko pa ang pangalan ng tumawag pero unregistered ito sa phonebook ko. "Sino 'to?" nagtatakang tanong ko.
Medyo matagal bago sumagot ang kausap ko.
||It's me, Mira. I just want to wish. Still exist?||
Napaupo ako dahil sa narinig ko. Si Wendy!!
"Wendy? Kamusta ka na? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka! Ayos ka lang ba?" sunod sunod kong sabi na nagpatawa sa kanya.
||I am fine. Thanks for your concern. So? About our deal? Do you still remember that?||
"Syempre naman. Ano bang hihilingin ng Master ko? Ako muna ang magsisilbing genie mo ngayon. Haha."
Napatawa din siya. Sinabi niya sa akin kung ano ang kauna-unahang niyang hiling. Nagulat ako sa sinabi niya.
Hindi ko in-expect na paninindigan pala niya ang sinabi niyang pagiging selfish daw ng hihilingin niya pero...
||Okay lang ba iyon sa'yo? Pasensya ka na ha? Selfish pakinggan.|| paumanhin niya.
Napangiti naman ako. Ang totoo ay ayos lang naman sa akin.
"Syempre ayos lang. Originally ay wala naman talaga dapat ako doon diba? Kaya okay lang. Yung reason ay kapag nagawa ko na, hindi ba?" pag-uulit ko.
||Oo, Mira. Salamat.||
Ibinaba na niya ang tawag. Kung iyon ang unang paraan para makabawi at makapagpasalamat ako sa pagligtas niya sa akin. Gagawin ko...
Hhaaaaayyyy.
Dahil sa pag-uusap namin ay hindi na ako nakatulog. Kailangan kong pag-isipan kung ano ang gagawin ko. Naligo lang ako at nagluto ng pagkain ko.
Hindi ko pa naman kinain iyon dahil nag-jogging muna ako sa lake park. Nakakastress. Medyo maliwanag na din naman kaya sandali akong naupo sa ilalim ng puno. Dito ako gumawa ng activity nung weekend. Ang kasama ko lang ay si Kelly. Iyon yung special project na ipinagawa ni Miss Van sa amin bilang transferee.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Roman pour AdolescentsAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...