""""""""""..........
Mira's PoV
Yung feeling na nagutom ka habang pagod tapos bibiglain yung maraming kain?? Ang hirap. Sinikmura tuloy ako kaninang lunch. Kaya ito ako ngayon sa mall at kumakain ng doughnut. Dapat nga hindi nalang ako kumain. Masama pa talaga ang pakiramdam ko kaya wala akong ganang kumain
Mabuti na lang dahil tumayo na si Lycah at sumunod kami dahil naglalaro pala kami ng 'follow the leader.' Feeling boss si Lycah, ah? Naghiwa-hiwalay kami sa loob ng book store. Wala talaga ako sa mood. May nakita akong colorful na folder kaya hinawakan ko ito. Wala lang, na-cute-an lang ako. Ibabalik ko na sana ito ng mabitawan ko. Ano ba iyan??
Hinawakan ko ang folder na nasa sahig ng may nakita akong kamay na hinawakan din ito. Nag-angat ako ng tingin...
"MIRAA!"
Kung hindi pa siguro sumigaw si Lycah gamit ang nakakarindi niyang boses ay hindi pa ako matatauhan. Tumayo ako ng maayos.
"Hey, kamusta na? JM?" nakangiting bati ko kay... JM. John Myke Dela Cruz, ang taong hinding-hindi malilimutan ng puso ko. First love never dies nga, diba?
Magsasalita pa sana siya ng biglang hawakan ni Lycah ang braso ko.
"Umalis na tayo, Mira." nanggigigil niyang sabi.
"Teka, sandali!! Cai, gusto ko lang kausapin si Racle. Kak-kahit saglit lang..." paki-usap niya.
Doon ko na-realize na nakapalibot na ang mga kasama ko sa amin. Napatingin ako kay JM. Nagpapaawa ba siya?
"Lycah, mag-uusap lang--"
"Mira, no!!! Let's go." sabi niya at hinila na naman ako.
"Racle!! Please? Kahit sandali lang... please?" nagpapaawa nga.
"Lycah sige na. Ayos lang. Mag-uusap lang naman daw, eh." paki-usap ko sa kanya dahil mukhang iiyak na itong si JM.
"Pero kasi naman Mira!! Ano bang pag-uusap---"
"Let's go Lycah! Mira, uuna na kami sa Cyberzone. Sunod ka na lang, ha?" sabi ni Nielle sabay hila kay Lycah.
Yiieeh!! Si Nielle, ang bait! Buti pa siya ang sweet at maunawain. Lumabas na kami doon at nagdecide na magkita na lang ulit mamaya. Sumunod na lang daw ako pagkatapos naming mag-usap.
Pumunta lang kami sa harap ng book store kasi hindi naman daw talaga siya magtatagal. Ang laki na ng ipinagbago ng hitsura niya. Mas tumangkad siya at mas lumaki ang katawan. Pinaninindigan talaga niya ang gym, eh? Hindi na din isang dangkal ang haba ng buhok niya ngayon.
"Racle... ang tagal na nung huli tayong nagkita, ano? Kamusta ka na??" nahihiya niya sabi.
"Ayos lang. Ang dami nang nagbago ano?" makahulugang sabi ko.
"Ganoon ba?" nahihiya pa ding sabi niya.
"Ano ka ba naman, JM? Bakit para namang wala tayong pinagsamahan kung kausapin mo ako?" nakangiti kong asar sa kanya.
Tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa kung ano mang bagay. Eh? Si JM talaga. Tsk, tsk, tsk.
"Ku--kung ganon ba Racle, ibig sabihin, nakamove on ka na?" parang hindi makapaniwala niyang sabi.
Ngumiti lang ako, yung totoong ngiti at tumango. Para namang nagliwanag ang mukha niya at nakahinga ng maluwag.
"Mabuti naman. Ang akala ko kasi hanggang ngayon ay patay na patay ka pa din sa akin."
Sabay naming tinawanan ang kahibangan niya. Na-miss ko si JM.
"Teka lang, may bago na ano? Kung hindi ako ibigsabihin ay may bago ka na... Eeehhh!! Sino yun ha? Yung naka-poloshirt na blue?" pang-aasar niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya naman tinawanan niya ako. Hindi kaya!! Dahil sa inis ko ay hinampas ko siya at tumawa na din.
"Natutuwa talaga ako na masaya ka na ngayon sa buhay mo. Sorry talaga dun sa break-up natin. Hindi naman kasi talaga dapat ganoon ang mangyayari eh!" reklamo niya.
Pero tumawa pa din kami. Habang nakatingin ako kay JM ay may napansin ako. Nakakapagtaka lang na...
"Ikaw? Kamusta ka na??" nang-iintriga kong tanong.
Para namang nakahalata siya at napahawak pa sa batok niya. Ang cute naman ng first and ex boyfriend ko.
"Ahh, kasi Mira... naaalala mo yung sinabi ko sayo dati? Yung babae sa facebook ko?"
Pareho sila ni Lycah. Magaling mangstalk sa fb.
Inalala ko yung tinutukoy niya. Yung babaeng ka-chat niya bago niya ako nakilala? Hindi man ako sigurado ay tumango pa din ako.
"Kasi... ano... ka-kami na..."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Anong klaseng confession ba ang sinabi niya? Bakit parang nahihiya siya?
"Talaga?? Congrats!!" bati ko.
Baka ang iniisip niya ay hindi ako matutuwa dahil nga limang buwan pa lang simula nung magbreak kami at wala pang matinong usap na kagaya nito.
Napatingin siya sa akin at ngumiti din.
"Ang akala ko magagalit ka sa akin. Hahaha."
"Bakit naman ako magagalit?" nagtatakang tanong ko.
Umiling lang siya sa akin. Napatingin ako ng bahagya doon sa babaeng medyo malayo sa amin na nasa likod ni JM. Pinapanood niya lang kami.
"Yun ba yung babae sa likod? Maganda naman siya, ah?? Bakit parang ikinahihiya mo?"
"Hindi ah!! Proud lang ako sa ating dalawa dahil hindi ko naman na imagine na magiging ganito pa din tayo kalapit sa isa't isa." masayang sabi niya.
"Hoy basta ikaw ha? Huwag mong lolokohin yun!!" bilin ko sa kanya na para bang ako ang nanay niya.
Sabay kaming tumawa at tumango lang siya.
"Sana Racle, maging masaya ka din sa lalaking gusto mo. Pagpinaiyak ka non, sabihin mo sa akin, ha? Reresbak kami. Haha."
Gagi!! Hiyang-hiya naman ako nung siya ang nagpa-iyak sa akin. Hehehe.
"Sige na, naiinip na yung kasama mo. Bye, JM. Hanggang sa susunod na resbakan na lang ulit." nakangiti kong sabi.
"Racle kapag may kailangan ka, alam mo kung saan ako hahanapin, huh? Pwede bang... pwede ba kitang yakapin sa huling pagkakataon, Racle?"
Nakangiting tumango lang ako. Masaya akong magkaroon ng kaibigan na gaya ni JM. Habang nakayakap ako kay JM ay kinawayan ko yung girlfriend niya.
"Ahh, sandali lang pala JM. Pwede ko bang hingin yung number mo? Gusto ko lang asarin si Lycah. Hahahaha."
Natawa siya sa sinabi ko. Nagbigay siya sa akin ng calling card. Yung pinunit lang na papel na may nakasulat talagang number niya na ginawa namin dati. Dala-dala pa din naman niya ngayon.
"Basta kapag sinugod ako ni Cai, kakampihan mo ako ha?" biro pa niya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Pumunta lang ako sa cyberzone at nakita ko sila sa isang phone case booth.
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Fiksi RemajaAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...