MIRACLE#40 Protecting Her

10 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Hindi ko pa naman naririnig ang bell kaya hindi pa siguro class hours. Naghilamos muna ako ng mukha. Pinagpagan ko na din ang aking palda para kung magpapalit man ako ng uniform ay yung best lang. Babasain ko na sana ang aking buhok para matanggal ang lagkit ng itlog ng may marinig ako.

"M-may tao ba diyan?" natatakot kong tanong. Malay ko ba!!!? May narinig kasi akong ingay mula sa loob ng banyo. Eh, ako lang ang nandito.

Nakaharap na agad ako sa salamin at hindi na na-check ang cubicle!! Nakakahiya kapag nakilala ako ng tao sa loob. May tumunog kasi na cellphone. Yun yung narinig ko. Wala naman akong dalang cellphone kaya hindi akin ang tumunog.

Ilang sandali pa bago ko marinig ang pag-click ng lock ng cubicle. May tao nga!! Lumabas sa dulong cubicle si Wendy??? Si Wendy!!!

Nakakahiya. Napatungo ako dahil nakita niya ako ng ganito. Nag-aalalang lumapit siya sa akin at bahagyang pinagpaganang balikat ko.

"What happened?? Sinong may gawa nito sayo??"

Bakas sa boses niya ang galit at pag-aalala. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init ang mga mata ko. Para akong bata na nakahanap ng kakampi. Pero syempre pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

Bakit kaya... bakit kaya nung tinanong niya ako ng may pag-aalala ay parang nawala ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kanina?

Wendy...

"Kak-kasi... an-no..." ano bang idadahilan ko?

Wala akong palusot na maisip. Magsasalita pa sana si Wendy ng marinig ko na naman ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako sa... dulong cubicle?? Doon galing si Wendy kanina, ah!!?? Lumabas mula sa doon si...

Nielle???????

Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa nilang dalawa sa loob ng isang cubicle? At bakit nasa cr ng babae si Nielle? Naguguluhan ako. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kahit hindi ko alam kung bakit.

"Mira, I watched the video." galit na sai ni Nielle.

"What video?" tanong naman ni Wendy.

Napatungo ako. Yung video ni pader. Kung ganon marami na kaya ang nakapanood noon? Yung mga kaklase ko? Yung kambal?... si Michelle??

Sandaling nanood si Wendy sa cellphone ni Nielle. Galit na tumingin din sa akin si Wendy.

"Nielle, dito ka lang. Bantayan mo siya. Kukuha lang ako ng uniform sa locker ko." sabi ni Wendy at umalis na.

"Mira, why did you let them do that embarrassment to you? What if sinaktan ka nila?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Biglang tumibok ng sobrang bilis ang leche kong puso. Ang awkward kasi kami lang ang tao dito sa banyo!!! Hindi din naman ako sanay na may kasamang lalaki sa ganitong lugar maliban kay Rence kasi sobrang close na kami. Pero si Nielle? Nag-init na naman tuloy ang mukha ko. Putik naman!

"Pasensiya na. May kapalpakan na naman akong ginawa na magpapahiya sa section niyo. Sorry talaga." naiiyak kong sabi.

Marami nang nagyari sa akin dito sa JRMIA sa halos isang buwan na pagpasok ko dito. Naupo ako sa tabi ng lababo dito sa cr. Nahihiya talaga ako sa kanya.

"It's not your fault. Ganoon kasi talaga si Rexha. Masyadong bully. I'm sorry, too. You're a transferee here and you must be treated well. But... I failed as the owner's son of this school and as the student president."

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon