""""""""""..........
Mira's PoV
Mayroon ng team ang nauna sa amin at kami ang pangalawang dumating. May hawak ding flag ang kabilang team.
"Buti naman may hawak na tayong flag kahit isa, ano?"
"Yeah right. Yung iba kayang team may nakuha nang flag??"
"Ang hirap naman hanapin sa pinagtaguan nila ng flag"
"Kung hindi pa tayo nagkaroon ng clue na nasa clinic, wala pa tayong flag hanggang ngayon."
Ito ang narinig kong usapan ng kabilang team.
Dumating na si Miss Van sa harapan namin.
"Congratulations to both of team Roque and team Felix. Mamayang 2 pm, bumalik kayo dito para sa iba pa nating laro."
""""""""""..........
Angel's PoV
Nakakaasar talaga si kuya. He's always making fun of me. Kanina pa niya akong inaasar. Mabuti na lang at dumating na sina Mira.
"Kamusta ang laro?? You all look so tired."
Ngumiti lang si Mira sa akin. Dito kami naupo sa mga upuan namin every class hours.
"May nakita ulit kaming flag. Tapos mamaya, may mga laro ulit." sabi niya.
Nagkwento na lang ako sa kanya. Madami na kaming nakuhang flags.
Nagpahinga lang sandali si Mira tapos itinanong niya sa mga kaklase namin kung ano ang gusto nilang kainin. Ang sabi naman nila ay si Mira na ang bahala doon. Sumama na ako ngayon kay Mira sa HC para magdala ng mga ingredients sa cafeteria.
"Mira anong lulutuin mo? Yung kinain ulit natin kanina ha? Ang sarap non, eh." sabi ko kay Mira habang kumukuha ako ng dalawang garlic and onions sa basket.
"Hindi na ako makakaluto noon dahil wala nang labanos. Ang lulutuin ko naman ngayon ay secret ulit. Hahaha."
Parang baliw. Nandoon siya sa utensil setion tapos lumipat naman siya sa vegetable section. Honestly, I'm not into ordinary foods. Gusto ko pang sosyal at may class na pagkaing niluto ng mga professional chef. But what Mira cooked for our breakfast made me interested into every foods. Hmmm. Yummy foods.
"Let's go."
Lumipat kami sa cafeteria. Wala ngang tao dito at hindi ako sanay na kahit mga assistant lang ay wala dito. Mabilis kumilos si Mira. Nagsalita pa siya mag-isa na parang nagpapaalam dun sa may-ari ng apron at hairnet na hihiramin niya muna ito. Psh.
Kahit madami siyang binalatan na mga gulay ay hindi siya natigil kahit pagod na siya. Obvious naman kasi hindi naman siya mataba at hindi din sobrang payat. Napagod siguro talaga siya sa laro kanina.
May iba't ibang gulay ang pinaghalo-halo niya at ang masasabi ko lang ay... ang bango!! Mukhang masarap. Hindi ko din alam kung anong luto ng pagkain ang ginawa niya but still I'm impressed.
"Luto na!!! Tara dalhin na natin ito sa kanila." nakangiti niyang sabi.
Ang bango talaga. Nakakagutom tingnan at amoyin. Ipinatong ko ang kalderong may laman na maraming kanin katabi ng ulam sa push-tray racks na dala ni Mira kanina. Siya naman ang kumuha ng mga gagamiting plates, spoons and forks. Dinala namin ito sa room namin.
Parang mga baliw na naglokohan ang classmates ko. Nasarapan sila sa niluto ni Mira. Ang dami din nilang nakakain. Lalo na si Kuya at si Thim. Naging super patay gutom sila.!!!!
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...