""""""""""..........
Mira's PoV
Sabado na ulit ngayon. So bilis-bilis. Tanghali pa lang ngayon pero tapos na akong maglaba. Kahapon kasi ay may dumating na delivery ng automatic washing machine. Oh, diba sosyal? Binili daw ito ni Mama para hindi ako mahirapan maglaba. Hindi ko kasi pinaglalaba si Mama para hindi na siya mapagod. Alam ko naman na pagod siya sa karinderya.
Kaya ito ako ngayon ginagamit ang bago kong cellphone. Nahihiya talaga ako. Ayaw ko naman talagang tanggapin, kaya lang tinatakot ako ni Nielle. Kaasar siya!!
Kumpleto na sa accessories yung cellphone ko!! Bibili na lang ako keychain para mas maganda tingnan. Hindi ko na din sinabi kay Mama ang tungkol dito sa cellphone dahil sigurado akong ipapabalik ni Mama ito kay Nielle. Mayroon na din akong planned load at nasave na din ang number ng mga kaibigan at kaklase.
To: bruhanglycah
||alis!||
12:59
||ka||
12:59
||dito||
1:00
"Bano ka ba!??" sabi ni Lycah.
Magkatabi lang kami pero natutuwa talaga ako dahil mayroon na akong load. Kanina ko pa siyang binibigyan ng text messages. Nagpalipas lang kami ng oras dito hanggang sa kumain kami sa kwarto niya.
Para naman daw maiba eh, dito naman daw ako sa kanila makikain. Siya pa ang nagluto ng hotdog na kalahating hilaw at kalahating sunog. Inagaw ko din naman sa kanya ang pwesto sa pagluluto ng muntik pang magkasunog dito sa bahay nila dahil sa pathholder na naiglaglag niya sa nakabukas pa palang gas stove. Hindi kasi kami maalam magbukas ng electric stove, wala naman daw siyang pake sa stove, eh. Pero gusto ko din ng electric stove sa bahay namin!
Wala pa si Rence dahil may group project daw sila sa Drafting. Mayroong nagpop-up sa cellphone ko kaya napatingin ako doon.
Groupchat ng Felixians. Nakita ko si Lycah na tiningnan din ang cellphone niya.
-7 pm in my mansion. All of you. Birthday party.-
Yun lang ang message ni Myke. Birthday party? Birthday ni Myke?
"Hala! Birthday nga pala ni Myke! Bakit nakalimutan ko?" sabi ni Lycah habang kumakain kami ng hotdog sandwich.
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.
Kailan pa sila naging close? At... MANSION??? Gaano kayang kalaki ang bahay kapag tinawag na mansion. Yung bahay na nga lang nila Angel at nila Lycah eh, hindi ko na halos masaulo kapag nilalakad ko... Ano pa kaya kapag mansion na?
"Ah, no'n kasing nagplano kami para isurprise ka, nagkakwentuhan lang kami ng mga kaklase natin doon sa bahay nila Angel. Kaya alam ko." paliwanag niya.
"Ahh. Kaya pala. Sige na, Lycah uuwi na ako. Hindi na lang ako sasama. Enjoy, ha?" paalam ko.
Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin niya. Dumiretso na ako sa apartment ni Kelly. Naabutan ko naman siya na nakahiga sa sofa niya sa harap ng tv.
"Huy, Kelly!!" tawag ko sa atensyon niya.
Tulog ba siya? Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nakamulat ang mata niya, eh. Medyo nagulat pa siya pero inirapan din ako ng baklang ito.
"Huy, Kelly tulungan mo ako!!!" pangungulit ko.
Naupo ako sa single sofa niya pero hindi man lang ako pinansin. Nung isang araw pa siyang ganyan. Ang sabi niya ay hindi ko daw kasi inubos ang pinakain niyang pizza sa akin. Psh.
"Kelly, pag hindi mo ako pinansin, isusumbong kita sa crush mo!!" banta ko sa kanya.
Ang sabi kasi niya ay nasa kwarto daw niya yung pictures ng crush niya. Nadulas siya at nasabi sa akin ang pangalan ng babae kaya ayun!! Huleee!!
"Ano ba? Anong tulong?? Aamin ka na sa akin na gusto mo ako?"
Napatawa lang ako sa kanya. Palagi niyang sinasabi na may gusto daw ako sa kanya. Confidence level ay nasa maximun na! Hahahaha.
"Hindi 'no!!?! Diba, sabi ko sayo, may gusto ako pero hindi ikaw 'yon? Hahaha. Feeler ka din, eh? Anyway, kasi yung classmate ko--yung hindi ko pinapangalanan? Birthday kasi niya at ngayon ko lang nalaman. Ano bang regalo ang magandang ibigay doon?" tanong ko.
"Psh. Bakit mo reregaluhan? Diba naiinis ka doon?" tanong din niya.
"Oo nga 'no? Bakit ko nga ba reregaluhan yun eh, inaaway lang naman ako nun?" takang sabi ko sa sarili.
Hindi nga kami close non, eh. At ayaw ko ding pumunta sa party niya. Pero kasi...
"Yun naman pala, eh!"
"Eh, kahit na!! Feeling ko kasi galit sa akin yun, gusto ko lang naman makipag-ayos. At isa pa, classmate ko pa din si Myke. Pero hindi naman ako pupunta." bawi ko agad.
"Sabi ko na, eh. Myke Smith? 'Yon pala ang nang aaway sa iyo. Sikat iyon, diba? Kasi ang gwapo no'n."
Napailing na lang ako. Nabading na naman siya. Narinig ko pang bumulong siya ng 'ang gulo mo naman.' Natawa na lang ako. Hindi ko din alam, eh. Sandali lang akong naupo doon sa sofa niya.
"Oh, saan ka pupunta?" takang tanong niya.
"Pupunta na ako kahit walang regalo. Gusto mo bang sumama? Ayaw mo naman magbigay ng idea, eh."naiinis na namang sabi ko.
Wala akong napala sa kanya. Hindi naman sumasagot eh. Pero kung sabagay, baka mamahalin ang i-suggest niyang regalo.
"Magregalo ka nang kahit na anong bagay na maisip mo. Yung regalo na hindi niya malilimutan basta-basta hindi lang dahil sa mamahalin iyon kung hindi dahil sa sentimental values. Tsh! Dapat hindi niya mabilis papalitan ang anumang nanggaling sayo. Hindi naman dahil sa mayaman yung reregaluhan mo eh, magugustuhan niya agad yung regalong maganda o mamahalin." sabi lang niya.
"Gano'n?? Haaayyyy!!! Ang hirap naman!! Mababaliw na ako kaiisip. Sige na nga, aalis na ako." paalam ko sa kanya.
Wala talaga akong napala. Umuwi na ako sa bahay. Hindi na nga lang ako pupunta.
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Dla nastolatkówAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...