""""""""""...........
Mira's PoV
Yesss!!! Sabado na at walang pasok!!!! Hehehe. Makakapag-pahinga sana ako kaya lang laba-laba day nga pala ngayon.
Bumangon ako ng maaga at nagjogging muna sa lake-park. Nagsuot ulit ako ng nag-iisa kong jacket sa cabinet ko. Kinuha ko lang ang cellphone at earphones bago ako lumabas.
'How can I just let you walk away?
To leave without a trace...'Naupo muna ako sa isang bench dito at tumambay.
'So take alook at me now
Cause there's just an empty space...'Napakaganda ng umaga... kasing ganda ko----muntik ko ng masampal ang sarili ko dahil sa pag-aassume. Hindi ako si Lycah. Bakit ba ako nagd-day dream?
Tumayo na ako pagkatapos kong kumanta. Pagdating ko doon ay nakita ko na naman si kabute.2.
Mahilig din siyang sumulpot katulad ni Rence kung saan.
"Good morning, Miss." bati niya.
Miss daw?? Ano, hindi niya ako kakilala?? Hindi ko siya pinansin, sahalip ay napatuloy lang ako sa pagj-jogging. Ang aga-aga, iniinis niya ako.
Naramdaman ko naman na tumakbo din siya papalapit sa akin. Wala na ang kanta na nagp-play sa cellphone ko. Props lang. Hehehe.
"Hey, Miss Beautiful. Can I have your number??" pangungulit ni Kelly sa akin na siyang ikinatawa ko.
Tumigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanya. Nakangiti siya na parang bakla. Feeling ko tuloy bakla nga ang isang ito.
"Palagi mo na akong isasama sa mga raket mo, ha??" nakangiti pa rin niyang sabi.
Kagabi kasi sa debut party na pinuntahan namin ay tumugtog siya ng gitara habang kumakanta ako. Nabigyan din tuloy siya ng tip. Tapos yung debutant eh, mukhang nagkagusto pa sa kabute.2 na ito dahil pinilit siyang makipagsayaw para sa 18 roses. Eh, mukha namang tuko yung babaeng iyon!! Nakakasuka, hehehehe. Biro lang.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay tumakbo ulit. Halos araw-araw kaming sabay na nagj-jogging dito at talagang nasanay na ako sa presensiya niya.
"Mira, gala tayo mamaya?? Samahan mo naman akong bumili ng materials para sa first project namin sa History." sabi niya.
Oo nga pala!!! Nakalimutan ko iyon. Gagawa daw kami ng scrapbook tungkol sa history ng mga sampung bansa. Sa Martes pa naman ang pasahan noon pero maganda na ding magawa namin ng maaga.
"Busy ako ngayon. Bukas na lang." pagtanggi ko.
Kinulit pa ako ni Kelly hanggang sa umuwi kami. Sinabi ko na lang na aalis kami. Kung pwede ba daw siyang sumama, syempre tumanggi ako. Alangan namang isama ko siya papuntang labahan.
"Told yah, you don't belong there." sabi ng butihin kong kapatid.
Napapadalas talaga ang page-english niya. Pag-ako nag- english, talo yan!! Hahaha.
Hindi ko siya pinansin. Mang-aasar na naman siya. Hindi ko din alam kung papaano niya nalalaman ang ginagawa sa akin ni pader. Magkatabi ang campus namin pero nasa pagitan namin ang napakataas at makapal na pader--- yung literal at totoong pader. Nakakapagtaka talaga kasi hindi naman siya nakakapunta sa campus namin para lang tingnan kung may ginawa na ba si pader sa akin o wala.
Ang galing, updated si Michelle. Sana all updated diba? Para sosyal.
Naglaba na ako hanggang hapon. Medyo madami din ang damit namin na isang linggong hindi nilabhan. Maliban lang sa uniform namin. Aba! Kanya-kanyang laba na iyon pero dahil tatlong pares lamang ng uniform ang nasa akin, araw-araw akong naglalaba. Hindi katulad ni Michelle na limang pares ng school uniform at limang P.E. uniforms ang nasa kanya. Hindi naman siya scholar ng bayan katulad ko kaya hindi siya tinitipid.
![](https://img.wattpad.com/cover/213748262-288-k307064.jpg)
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...