""""""""""..........
Mira's PoV
"WHAT THE HELL!!!" malakas na sigaw nung nabangga kong babae.
Sa isang kurap lang ng mga mata ko ay nagkaroon na kaagad ng mga tao na pumalibot sa amin. Parang nawala ako sandali sa sarili. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Nako--sorry! Hindi ko sinasadya. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya hindi kita napansin..." kinakabahang sabi ko.
Mukhang sa hitsura niya ay walang pumapasok na explanation sa tainga niya. Nabitawan niya ang hawak na cup ng juice at susugod na sana sa akin ng may nagsalita.
"What's happening here?" kalmadong sabi ng boses ng isang babae.
"Ito kasi!!!! Binuhusan niya ako ng juice!!" galit niyang sabi.
Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Binuhusan ko daw siya ng juice??? Eh nagkabanggaan kami!! Hindi ko naman sinasadya iyon.
"Hoy Miss Vhit, wag mo akong pinapatawa. Nakita at narinig ko ang nangyari sa inyong dalawa. And I know you're lying!" singit naman ng isa pang babae na kasama niya.
"I'm not lying!! Dapat maparusahan yan!!" reklamo niya.
Magsasalita na sana ako pero naunahan ako nung babaeng kalmado lang.
"Today is the school's first day. Kaya palampasin mo na ito. Kami na ang bahala dito Miss Vhit. Change your clothes kung ayaw mong ma- feature ka sa newspaper." pagpapaalala nung babaeng kalmado lang.
Gigil na umalis yung Miss Vhit na iyon. Buti naman. Humarap ako sa dalawang babae na tumulong sa akin. Doon ko lang sila mas nakita ng ma-ayos.
Isang all-black-lady at yung isa naman ay ang colorful ang suot.
"Salamat sa inyo. Pasensya na sa abala ha? Thank you po talaga. Next time mag-iingat na ako." nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba? Ayos lang iyon! Actually kung hindi ka namin nakita at natulungan ay baka kung ano na ang ginawa ng babaeng iyon sa'yo." nakangiti sabi ng babae na nakapink dress na may lampas sa balikat na buhok.
Muli akong nag-pasalamat sa kanila at nagpaalam na aalis na.
"Saan ka ba pupunta? Sa cafeteria? Sabay na tayo! Baka balikan ka nung bully na iyon." sabi ulit nung babaeng napaka- kulay ng hitsura.
"Anyways my name is Angel. The Angel of your life. Yyiiieeehh!!"
Natawa ako ng magpakilala siya sa akin, para pala siyang si Lycah. Kung anu-ano ang sinasabi. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Ito naman si Wendy ang pipi nating kasama--aray ko naman!!" isang malakas na hampas ang ibinigay sa kanya ni Wendy. Natawa lang ako sa kanila.
"Ako si Miracle. Mira na lang." naka-ngiti kong pakilala sa kanila.
Pumayag na akong sumabay sa kanila. Ang daldal ni Angel, parang wala na akong pwedeng sabihin sa kanya kasi hindi ako maka-singit.
Napatigil naman ako sandali sa paglalakad ng may marinig akong bulungan. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
'Sino yan?'
'Why is she walking with Angel and the blacklady?'
'What now? May sisikat na naman dito dahil isasama sa grupo ng babies ko?'
'Not gonna happen!'
Kami ang--- ako ang tinutukoy nung mga nagsasalita. Matatawa na sana ako dahil sa sinabi nung isa na 'blacklady' pero nainis ako bigla sa mga sunod nilang sinabi.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...