""""""""""..........
Lycah's PoV
Nakakaasar si kambal! Ayaw talaga niyang magsalita. Well, I am aware na hindi niya ipinapaalam sa akin ang chismis na walang kwenta or sensitive. Kaya hindi ko talaga siya mapipilit. But just like Mira, I am curious! Unlike Mira, parang lahat siguro ng mga bagay ay buhay na buhay ang curiousity senses niya, ako naman ay minsan lang. Pero dahil minsan lang iyon ay aalamin ko talaga ito no matter what.
Pagkababa ko sa kotse ay iniwan ko na si kambal. Mas binilisan ko ang paglalakad at hindi siya pinansin. Alam kong mapipilitan siyang sabihin iyon sa akin dahil sa cute ko ba namang ito eh, hindi niya ako mar-resist.
Pumasok ako sa campus at nakita ko si Mira. Medyo malayo siya mula sa akin at may kasama siyang lalaki.
Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa locker room. Magpapalit pa kasi si Mira ng uniform. Bakit ba naman kasi ikinakahiya pa ng JRMI Acad na nagbibigay sila ng scholarship? Ayaw nilang ipaalam sa maraming tao na may mga mahihirap na tao silang pinapapasok sa school nila. Kasiraan daw kasi sa 'image' ng school pero ginagawa naman nila. Amp!
Hindi ko na itinuloy ang pagsunod ko sa kanila.
Pake ko? Lumakad na lang ako sa hallway papunta sa classroom namin. Nakasabay ko pa si Myke at Nielle pero hindi ko sila pinapansin.
Hanggang sa makapasok kami sa classroom. Nakita ko si kambal na nakaupo at tulala sa table niya. Ano kaya yung ayaw niyang sabihin? Kung pwede ko lang kasing itanong sa mga maid namin. Ang kaso ay baka naharang na ni kambal ang lahat ng katulong namin. Psh.
Paano na ako makakasagap ng chismis?
Kaasar!!!
Ilang minuto lang ang lumipas at pumasok na ang first period teacher namin. As usual, iba na naman ang schedule namin ngayon. P. E. class.
Tumayo ang teacher namin sa unahan at nag-iisip isip. Parang nag-aalangan siya sa sasabihin niya. Psh. Arte.
"Okay Felixians, I have an announcement." nat-tense niyang sabi.
Lahat naman kami sa classroom ay nag-abang sa kung ano man ang sasabihin niya. Pabitin pa!! Iba't ibang komento naman ang narinig ko sa mga kaklase ko pero dahil nasa unahan naman ako ay mas maririnig ko ang sasabihin niya. Yung class president naman namin ang nagpatahimik sa classmates ko.
"Kasi... nagkaroon kami ng pustahan. Well, that was just a game. But I badly need your help..."
Huh? Yung teacher pumupusta? Patawa siya! Nagpapatawa, eh, hindi naman kalbo!?
'Ma'am sabihin niyo na!'
'Straight to the point, please.'
'Sana good news.'
'Ano bang kinalaman natin sa bet nila?'
"Listen first, okay?" naiinis na sita ng chismosa naming president.
"Kasi ang faculty ng PE subject ay nagkaroon nga ng pustahan, just like what I've said, ang bawat section ay magkakaroon ng dance performance-jdkxbxidbxjaoq..."
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi. Kanya-kanya kasing kwento at kumento ang mga kaklase ko!!
WELL!!! Of course, I am interested and favored with that bet no matter what it was. Dancer ako, eh. Hehe.
"Listen!! Hindi ito basta-bastang sayaw lang. You, together with the other section will take this dance as a 'contest' so I really need your help, guys." nakikiusap niyang sabi.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Roman pour AdolescentsAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...