MIRACLE#81 Little Jr

17 2 1
                                    

""""""""""..........

Lycah's PoV

Nakakaasar!!

Ang panyo ko ay basang-basa na at hindi na mapunasan ng maayos ang mga luha at sipon ko. It's been few minutes since Wendy and Nielle left. I don't care!! Kay Mira ako dapat magfocus pero lihim kong iniiyakan ang puso kong sawi.

Bakit ba naman kasi kailangan pa ni Nielle na magpanggap na nag-aalala siya at may malasakit sa akin kung si Mira naman pala ang gusto niya? Leche'ng playboy 'yon! Pasalamat siya dahil sobrang ganda ng mukha niya, kung hindi, eh, baka nagkakilala na sila ng mga kamao ko!

Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon. Akala ko si Wendy at si epal na pero hindi. Mayroong limang nurse na pumasok at lumapit sa hospital bed ni sleeping beauty part 2. Mayroon silang itinutulak na strecher papasok sa loob.

"Hey, what's goin' on?" Gel asked one of them.

Nakamask kasi at gloves ang mga nurse. Hindi namin sila kilala.

Kagaya ng  mga napapanood kong drama, kikidnapin nila si Mira!!!

Humarang ako sa bed ni Mira at sinamaan ng tingin ang mga nurse. Napansin ko naman na napatawa yung isa sa kanila.

Ayaw pa kasing sumagot! Tinanggal nung isang lalaki ang mask niya and I swear to my left foot!!! Destiny kami!!!

Nginitian niya ako at para naman akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Shemay magsitigil nga siya!! Kinikilig na ako dito!!!

"Nagbigay po ng order si Doc Hannah. The patient, 112C, Miracle J. Reyes, will be taken to the special floor in our hospital. She will be confined on the JR Madria International Hospital Penthouse floor."

Magsitigil siya!!! Bakit kailangan niya akong bigyan ng ganitong pakiramdam sa buong katawan.

"Sure! Take her anywhere you---" sinamaan ko ng tingin si Angel na katulad ko, parang hihimatayin na din.

Paano ba naman kasi nagkaroon ng ganitong nilalang sa hospital na ito? Bakit hindi ko nakita ang isang 'to nung naconfine ako dito para naman nagkaroon man lang ako ng rason para mabuhay sa lugar na ito?

"Shut up. Take her but we'll come to make sure you won't do anything stupid." putol ni Myke, the traitor, sa pagpapantasya ni Angel.

Mayroon silang ginawa sa bed ni Mira. Mayroon silang mga bagay na tinanggal bago ilipat si Mira sa dala nilang strecher.

Dinala ni kambal at Gel yung dalawang bag na naglalaman ng mga gamit ni Mira. Si Thim naman ay inalalayan yung mga nurse. Kagaya ng sinabi ni Myke, the traitor, sinundan namin sila hanggang sa makarating sila sa medyo malawak na elevator. Pumasok kaming lahat doon at hindi ko alam kung saang floor kami pupunta pero habang nasa loob ay libang na libang akong pagmasdan ang repleksyon nung poging nurse sa harap ko.

Hindi na kasi niya isinuot ulit yung mask niya, eh. Lantad tuloy ang destiny feels.

Wala pang isang minuto ang lumipas ng bumukas ang pinto ng elavtor. Lumabas kami at mas namangha ako sa ganda ng floor na pinuntahan namin. Napatingin ako sa isang cardboard na nakasabit sa taas.

'Penthouse 3939'

Pent... house?

The heck?

Kelan pa nagkaroon ng penthouse sa hospital?

Katapat lang ng elevator ang automatic sliding glass door. Pumasok kami doon at lumiko sa isang pasilyo at bumungad sa amin ang dalawang guard sa magkabilang tabi ng double door na kulay puti.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon