""""""""""..........
Mira's Pov
Nagjogging ulit ako sa lake. Sobrang aga ko kasing nagising at hindi na ako nakatulog pagkatapos ng naalala ko. Three am thingy. Ewan ko ba. Kinilabutan ako.
Nagpasikat lang ako ng araw dito sa tabi ng lawa. Ngayon ay mayroon na akong dalang tubig at ear phones para mag-sound trip.
Maganda talaga sa pakiramdam kapag nahanginan na galing sa anyong tubig. Ang balita ko ay baka ilang buwang ipasara ang lake-park sa mga susunod na linggo dahil ipapagawa ni Kapitan ang mga street vendors ng building kung saan sila pwedeng mag-stay.
Ngayon ay wala halos tigil na pagj-jogging ang ginawa ko para mas pagpawisan ako. Naalala ko tuloy yung kambal. Ang tagal naman pala nila doon? Ano kaya ang ginagawa nila sa kompanya ni Tito Hans?
Bumalik na ako sa bahay pagkatapos kong magpahinga mula sa pagtakbo. Umakyat agad ako sa kwarto para makapaligo na. Pagkatapos ay tumulong ulit ako kay Mama sa pagluluto.
"Mira, anak, ano nga pala ang nangyari sa JRMIA?" pag-uusisa sa akin ni Mama.
Napatingin lang ako sa kanya. Malungkot akong tumingin. Naintindihan na agad ni Mama ang gusto kong sabihin kahit wala akong sinasabi at dinaan ko lang sa tingin. Ano ba iyan?
"Ayos lang yan, anak. May next time pa, ha? Wag kang mawawalan ng pag-asa sa bu---" hindi ko na pinatapos si Mama sa pagsasalita.
Pangunahan daw ba naman ang pinaka matalino niyang anak? Hahahaha.
"Mama, ano ka ba? Nakapasa kaya ako!!" nakangiti kong anunsyo.
See? Hindi man lang niya ako pinagkatiwalaan sa bagay na ito at hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko.
Natigilan sandali si Mama sa sinabi ko. Akala ko naman nainis siya dahil hindi ko agad sinabi. Natuwa siya sa akin at malakas na hinampas ang braso ko.
"Ikaw talaga anak! Proud si Mama sayo, ha?" nakangiti niyang sabi.
Sana nga maramdaman ko iyon... Ngumiti pa din ako at pilit na itinago ang kalungkutan ko. Haayy! Sige na nga. Maniniwala na ako. Siya na nga lang ang nagsasabi sa akin no'n, hindi ko pa ba tatanggapin?
"Pwede naman pong vocal nalang, bakit may hampas pa?" reklamo ko.
Tumawa lang siya. Ipinagpatuloy namin ang ginagawa. Pagkatapos kong maghatid ng mga ulam kay Mama ay umuwi ako at naligo ulit para makapaghanda sa pagpunta ko ngayon sa JRMI.
"Good morning po Miss Reyes." bati sa akin ng guard.
Ang galing kilala na agad niya ako!! Nginitian ko siya at binati. Pagkatapos ay dumiretso na ulit ako sa classroom na pinuntahan ko kahapon. June 2 na ngayon at next next week na agad magsisimula ang pasok ko dito.
Nag-exam lang ako kagaya ng kahapon pero ngayon ay 100 items na ang exam. Special nga. Karamihan na dito ay academics. Math, grammar types, at trivia tungkol dito sa school. Ganoon? Anong alam ko dito sa school? Mga enumirations at puro mga puzzles.
May nabasa pa ako na tanong kung sino daw ang may-ari ng school. Wala tuloy akong naisagot doon.
Ibinigay ko na kay Miss Marilou ang answer sheet ko.
"Okay. Mayroon kang mga blanko and there are 3 in total na walang sagot. Well anyways, kahit naman maka-half score ka dito ay makukuha mo na ang benefits ng scholarship mo." paalala niya sa akin.
Nag-check na siya ng papel ko. Habang ginagawa niya iyon ay nakatayo ako at naglilibot ng tingin sa buong kwarto. Mayroon ditong dalawang pinto. Isa, yung pinasukan ko at ang isa ay hindi ko alam. Ayokong tingnan. Naghintay lang ako ng ilang sandali bago niya muling tawagin ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Novela JuvenilAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...