""""""""""..........
Someone's PoV
Yuck!
Nakakadiring tingnan. Mykell the great? Nagustuhan ang tulad nung baduy na nerd sa school? Seriously? Tumalikod na ako matapos muntik makita ang nakakadiring ganap na iyon. Naglakad ako pababa sa fire exit at dumiretso sa floor niya. Sa penthouse ng hospital na ito.
As expected walang tao dito, nando'n sa rooftop si Miracle Reyes, eh, malamang. Nagkalkal ako sa loob ng walk-in closet niya. Baka mayroon akong mapapakinabangan dito sa loob ng napakagandang penthouse niya? Kaya lang...
Wala.
Walang kwentang kwarto, bahay, lugar dahil bukod sa ref sa kitchen ay wala nang kapaki-pakinabang dito sa loob. Napalingon ako sa side table kung saan nakapatong ang isang picture frame. Kinuha ko iyon at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tubok ng puso ko.
Si Miracle Reyes ay nakasuot ng napakagandang bestidang puti at sobrang ganda ng ayos niya...
Ang ganda pala niya? Ngayon na lang ulit ako humanga sa kagandahan ng isang babae. Kasama niya dito sa litrato ang isa pang babae at lalaki. Saan kaya ito? Sa Madria Mansion? Alam ko yung background na grand fountain sa driveway, eh.
"Hijo? Nandito ka na pala."
Napalingon ako sa likod. Ibinaba ko ang frame at lumapit sa kanya.
"Good morning, Mrs. Madria. Kadarating ko lang po kaya lang... wala po 'siya' dito."
Bumaba kami at pinaupo niya ako sa sofa. Naupo din siya sa harap ko. Her smile is always reminding me of someone...
"I see, baka naglalakad-lakad na naman ang batang iyon. Pinaasikaso ko na ang papers and documents mo. Maybe next week or the remaining days of August, you can start studying in JRMI Academy."
Natuwa naman ako. Matagal ko ng pinangarap na makapasok do'n and luckily, do'n pa ako makakapag-aral.
"Maraming maraming salamat po talaga, Mrs. Madria. Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ng maayos ang napagkasunduan natin. Hindi ko po kayo bibiguin."
Syempre naman, lahat ng bagay may kapalit. Hindi basta-bastang libre ang pagpasok ko sa academy na iyon. Babayaran ko iyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagiging masipag at syempre...
Ang koneksyon ko sa babaeng iyon...
Kay Miracle Reyes.
O tawagin na lang nating...
Jr Madria.
Pero bagay talaga sa kanyaa ang Sachi, eh. Anyways,...
Me? Wait for me to sign in.
""""""""""..........
Lycah's PoV
It's almost 8:00 in the morning.
Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ni Lolo at Lola. Ibinaba ko ang dala kong bulaklak at nagsindi ng kandila. It's their 8th death anniversary today. They were involved in a car accident way back then and I missed them so much.
Mamaya daw bibisita si kambal dahil hindi siya um-absent ngayong Biyernes. May practice din kasi sila ng basketball. Sa Monday na kasi magsisimula ang sports fest at makakalaban ng school namin ang iba't ibang school representatives ngayong taon. Naupo ako dito sa bench sa loob ng memorial house kung saan nakalibing ang mga kamag-anak ko.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...