MIRACLE#65 I hope

12 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Nilagang itlog at bahaw na kanin. Ito ang agahan ko ngayon. Kailan pa ba ako huling tinamad na magluto ng pagkain? 'Eating is better than cooking.' Iyon ang motto ko kaya masasarap na pagkain ang niluluto ko. Pero ngayon wala na akong pakialam kung masarap ba o hindi ang kinakain o niluluto ko. Mas mahalaga na ako pa din ang nagluto.

Pero simula kahapon, first time kong makatanggap ng rejection. Excited pa naman ako na matikman ng lahat ang adobo ko. Adobo na itinuro sa akin ni Lola noong bata pa ako. Nung mga panahon na close pa kami sa isa't isa. Ito sana ang maipagmamalaki ko sa mga kamag-anak namin sa Cebu. Pero hindi.

Unang beses kong niluto ang adobo na iyon sa isang cookshow. Never kong naisip na hindi nila iyon magugustuhan. Hindi na kaagad pumatok sa mga hurado. Saklap.

Mamayang tanghali ay uuwi na si Lycah. At next week pa siya pwedeng pumasok. Nakakamiss ang kambal na iyon. Maaga pa naman kaya nagbike na lang ako. Mabuti na lang talaga dahil hindi ko na nakalimutan na pahanginan ang gulong ng bisikleta ko kahapon kung hindi ay pasasakayin na naman ako ni Kelly sa motorbike niya. Leche siya!

"Mira, panonoorin ka namin mamaya, ha?"

"Oo nga! We're sure na kasali ka sa highest 8 mamaya."

"Go, Miracle!"

Masayang sabi ng mga kaklase ko. Napangiti lang ako ng pilit sa kanila. Mamaya nga pala ay mayroon pang level battles. Kami lang ni Mikko ang nakapasok sa audition. Mamaya, after lunch, sa quadrangle ay mayroong live na battle. Lahat ng nakapasok sa audition sa grade 10 ay kakanta ng mellow music. Old famous hits. Ang grade VII naman ay kakanta ng disney song, pop naman sa grade VIII at sa grade IX naman ay jazz.

Umupo ako sa dulo. Katabi ni Thim. Kusa kong kinuha ang kamay niya at pinaglaruan iyon. Hindi naman siya nagalit o nagreklamo. Ewan ko ba pero feeling ko bumait bigla sina Gel at Thim sa akin.

"Okay ka lang Mira?" tanong ni Thim.

Pero walang ganang tumango lang ako. Wala ako sa mood na gawin ang mga bagay na dati ko ng ginagawa. Nabigla na lang ako ng biglang hawakan ni Thim ang kamay ko at siya ang nagsulat doon.

Smiling face. Iyon ang isinulat niya. Napangiti naman ako. Parang baliw.

"Good. Huwag kang sumimangot. Lalo kang pumapangit. Hahaha." asar niya sa akin.

"Alam kong pangit ako. Huwag mo ng ipagdiinan pa." nagtatampong sagot ko.

Tumawa siya kaya naman napaharap ako sa kanya. Bigla na lang niyang pinisil ang pisngi ko.

"I'm just kidding. Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda?" nakangiting sabi niya with matching puppy eyes pa!!

"Hahahahahahaha." Ako naman ngayon ang tumawa. Hahaha. Baliw ba si Thim? Napaturo ako sa sarili ko. "Ako? Maganda? Thim, ano ba? Baka malabo na ang mga mata mo? Huwag ka nga'ng magpatawa, hindi ka naman kalbo!Hahahahaha."

Hindi na siya nakapagsalita dahil pumasok na ang teacher namin. Mabuti na lang talaga dahil wala si Michelle ngayon dito sa school. Kasi kung mapapanood niya ako ay kung ano na naman ang sabihin niya sa akin.

Itatanong ko na lang ulit kay Lycah kung anong kakantahin ko mamaya dahil wala pa akong napipiling kanta. Ayos lang yan. For experience, kakanta ako sa harap ng schoolmates ko.

""""""""""..........

Gel's PoV

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon