""""""""""..........
Angel's PoV
"Okay I made my new rule. Once I call your name and you will not give me an acceptable answer, your name will be list down on this paper! Kapag may tatlong pangalan niyo ang nabasa ko dito... DROP!!" sigaw niya.
Nakakakilabot ang aura niya. The atmosphere kills my good nerves! Tumawag pa siya ng dalawa. Sina Mikko at Helen. Ang sabi nila ay 20 at 15. Pero mali sila dahil inilista yung mga pangalan... nila!!
Bigla na lang tumingin sa akin yung teacher kaya nanlaki ang mga mata ko. Itinuro niya.......
Si Thim!!! Akala ko ako na!!! Go Thim!!! Mabuti na lang at nagandahan siguro siya sa akin kaya hindi ako tinawag. Nakakakaba. Paano kapag natawag ako???
"Ahhhhhh, 10?" hula niya. Obviously nanghuhula si Thim, kailan ba siya naging interesado sa pag-aaral?
Magsasalita na sana yung teacher ng biglang......
"HAHAHAHAHA!!!"
Napatingin kaming lahat sa tumawa... Si Mira?? Nakalimutan ko. Transferee nga pala siya, hindi niya siguro nararamdaman yung dark aura dito sa likod kasi nasa pinaka-unahan siya.
"And you are??" napatigil si Mira nang tanungin siya ni Maam Dela Monsa.
Doon lang niya siguro nalaman ang ginawa niya. Na'ko Mira!! Gusto ko mang tulungan ka kaya lang wala din akong magawa sa math. Hindi kami close ng Mathematics na iyan!
"Anything funny?" seryosong tanong ng teacher.
Ayan na!! Baka i-instant drop niya si Mira!?!
"Okay. Miss transferee would you answer my question?" doon naman lumapit si Maam.
Napatayo si Mira at walang pagaalinlangang sumagot.
"4."
Sagot niya. Ibinigay ni Maam Dela Monsa yung papel sa kanya.
"Remove any name you're biased to or not." nakangiti niyang sabi.
4?? 4 ang sagot? Ang galing ni Mira!!. Baka nga basic lang talaga iyon. Pero ano nga ulit yung cartecean plane??
"I still have 3 names in my list, since today is first day, do you want me to ask 3 more questions?"
"Ahm, okay lang po." nag-aalangan niyang sabi.
"Pero kapag mali ang sagot mo sa kahit na isang tanong ko... you will drop out to my subject."
Huminga siya ng malalim at tila ba nag-iisip ng itatanong. Kinabahan ako para kay Mira.
"What do you call to the 3 types of Measures of Postion for Ungrouped Data?" hamon ng teacher.
"Measures of Position..."
Napayuko si Mira. Sana masagutan niya. Napatingala naman si Mira at lahat kami ay pinapanood ang mga ginagawa niya. We are all waiting for her answers.
"Ahm, Q-quartiles, Dec-ciles at...ahhhh..."
Napayuko ulit si Mira at maya-maya ay tumingala ulit bago sumagot.
"Quartiles, Deciles, at Percentiles." mas confident niyang sagot.
Napangiti si Miss Dela Monsa kaya lahat kami ay natuwa. Lahat kami ay nagulat. Si Mira alam iyon? Ang talino niya!. Hindi ko alam yung mga sinasabi niya. Wala talaga akong naiintindihan sa Math!! Anything about Mathematics is my enemy.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...