""""""""""..........
Mira's PoV
Ipinatong ko na lang ulit ang ulo ko sa lamesa. Naging malapit na kami ni Myke sa isa't isa simula nung nalaman ko na mas matanda ako sa kanya. Hahaha.
Ang kaso ay ayaw niya talaga akong tawaging ate. Naalala ko na naman ang nangyari sa party niya. Mabuti na lang talaga dahil mayroong piano sa bahay nila Rence kaya paminsan-minsan ay tumutugtog ako doon. Mayroon ding stationary piano sa kung saan dito sa buong school. Hindi nga lang magaganda ang play ko pero atleast hindi na din masama.
"Bakit ba kasi masama ang pakiramdam mo? Why? Did you wet yourself with rain?" sabi niya habang nagbabasa ng history book.
"Oo!! Yung kaibigan ko kasi hinila ako--arrggh! Bading talaga ang isang 'yon!! Pag nakita ko talaga iyon mamaya, kakalbuhin ko siya!" naiinis na sabi ko.
Tinawanan niya lang ako. Hinila kasi ako kahapon ni Kelly sa ulanan. Para siyang bata. Gusto daw kasi talaga niyang masubukan ang mag-paulan. Ang lokong iyon, dinamay pa ako!! Sinubukan kong makatulog pero hindi ko magawa dahil sa ingay niya. Pero ilang sandali lang din naman ay dumilim na ang paligid.
""""""""""..........
"Hey, princess! Would you like to have another tea party?" tanong ng isang batang babae.
"Yeah, sure! Kung hindi lang ginulo ng kakambal mong iyon ang party natin kanina, wala naman sanang problema." sagot ng isa pang batang babae.
Nakaupo sila sa harap ng isang round table. Magkaharap ang dalawang batang babae at mayroon silang mga katabing laruan. Naglaro sila at nagkunwaring umiinom ng tea gamit ang mga laruan nila. Nasaan ba ako?
"Dapat talaga ay tawagin mo akong ate! I'm older than you, right?" sabi ulit ng babae pero silang dalawa ay tumawa lang.
Hindi na naka-imik ang isang batang babae--na ka-mukha ko--dahil dumilim ang paligid. Napunta ako sa ibang lugar. Gubat. Bawat kaluskos ay naririnig ko pa!
"Let's go!! Baka maiwan tayo ng school bus!! It's getting dark!!" sigaw ng isang batang lalaki.
Sa akin? Nakita ko na naman ang batang ako. Pero sino yung lalaki? At nasaan kami?
"Rere! Hindi ko makita ang kwintas ko!!! Tulungan mo ako please?" umiiyak na sabi ng bata na kamukha ko.
"Pero gumagabi na! Aalis na ang bus dahil tapos na ang camping hours! Huwag mo ng intindihin iyon. Tara na!!" natatarantang sabi ng lalaki.
Walang nagawa ang batang babae kung hindi ang sumama na. Para namang umikot ang paligid at napunta ako sa ibang lugar.
May... mayroong lalaki sa harapan ko. Sa akin mismo... sa madilim na lugar na kinaroroonan namin ay tinutukan niya ako ng baril!! Nakarinig akong ng malakas na ingay na nanggaling sa baril niya. Umalingawngaw ang nakakabinging tunog na iyon sa aking utak.
""""""""""..........
"Mira! Huy Mira! Did you sleep? Sino 'to, ha?? Babe? May boyfriend ka na??" sunod-sunod na tanong ni Myke.
Nang marinig ko ang boses niya ay nag-angat ako ng tingin. Nagulat naman ako dahil nasa harap ko siya. Ano bang nangyari? Magkaharap lang kami at... sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Napaatras naman ako bigla. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanya... bakit nasa kanya ang cellphone ko?? Hinablot ko ang cellphone ko mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...
