MIRACLE#84 Different Stories

22 0 1
                                        

""""""""""..........

Jr's PoV

"Dad? Kilala mo sila?"

Naramdaman ko kung paano si Mama natigilan at dahan-dahang lumingon kay Daddy. Mas lalong umiyak si Mama ng makita si Daddy. What is happening?

"Ikaw... Ikaw ang ama ni Mira?" hindi makapaniwalang sabi ni Mama at para siyang nakakita ng multo.

Takot, galit, pagkabigla at kalungkutan ang mababakas sa mukha ni Mama. Ano bang nangyayari?

"Opo, Mama... na-naaalala ko na po yung..." hindi ko maituloy.

Hanggang ngayon ay nagtatampo, naiinis at nagagalit pa rin ako dahil nagsinungaling sila sa akin. Muli akong niyakap ni Mama at hinalikan sa noo bago siya magpaalam. Sinabi ni Papa na kakausapin lang daw nila si Daddy. Lumabas sila sa kwarto kasama si Mrs. Davis at iniwan kaming nalilito.

"Ninang Nessa, what is happening? Magkakilala po si Dad at ang tumayong magulang ni Jr?" Wendy curiously asked.

Lahat kami ay hinintay ang isasagot ni Auntie. Obviously, may alam siya. Pinaupo nila ako sa sofa bago magsalita si Aunt Nessa.

"Jr? Wala bang nabanggit ang Mama at Papa mo?" Nanlaki ang mga mata ko ng itanong iyon ni Aunt Nessa sa akin. Ako? I am really clueless. Umiling ako ng dahan-dahan. Nakita ko kung paano siya huminga ng malalim bago yumuko. "Si Robert Reyes... ha! Bakit ba hindi ko kaagad nahalata? Hahaha. Pasensya na..." malungkot na sabi ni Aunt Nessa. Tumingala muna siya at ilang beses kumurap para pigilan ang mga luha niya bago muling tumingin sa amin. Lahat kami ay abang na abang sa sasabihin niya. "Si Robert ang step brother ng Daddy mo. Yung last name na Reyes ay apelyido ng ina ni Robert. Hindi naman sila close na dalawa at hindi talaga tanggap ng Mommy ni Albert na kilalalin bilang Madria si Robert kaya baka hindi nga nila nababanggit. We were high school ang collage friends, kagaya ninyo. Ako, my cousin, Hannah, si Robert at Albert, si Mika, ang parents mo Mykell at parents niyo Nigel ang Angel..." lahat kami ay nagulat. Really?

"My Dad and my stepmom? But how could that be possible!?? They're not on the same age and that time---" sabat ni Myke but Auntie cut him off.

"No, Mykell. I'm talking about your biological parents. Anyway, ang alam namin ay naglayas lang si Mika from Cebu to escape from her duties as the future chef of their family but when she passed the entrance exam in the academy, hindi na siya umalis dito. That time, ang Grandmother ni Hannah ang aming Principal sa Academy. Nagkaroon lang kami ng gap after collage graduation. Wala na kaming balita sa isa't isa. Lalo na kay Robert at Mikaela at syempre lalo na kay... Mhariz."

Eh? What was that? Kung gano'n ay mayroong pamilya si Papa!!? Pero hindi man lang iyon binanggit ni Mama sa akin.

"Eh, bakit po pala nakakapag-aral si Michelle sa JRMI Academy samantalang ako ay hindi? May kinalaman po ba iyon sa inyong lahat?" curious kong tanong kay Auntie.

"Ahh, that one. Of course, mayroon ngang kinalaman doon si Hannah. Close na close sina Hannah at Mika kaya naman bago kami magtapos ng kolehiyo, sinabi ni Hannah na bibigyan niya ng free educational plan ang magiging anak ni Mika sa future. Nakapangalan na iyon kay Michelle dahil gustong-gusto daw talaga ni Mika ang pangalan na iyon at gagawing Mitchelle kung sakaling lalaki ag magiging anak niya. Hindi ka nakapag-aral kaagad sa Academy dahil siguro hindi ka rin gustong i-expose ni Mika at Robert. Or pwede ring hindi ka nila kayang tustusan sa tuition fees and miscellaneous fees para sa'yo. Kaya siya lang ang nag-aaral sa paaralan natin. Sayang naman..."

Oo nga. Nakakapanghinayang. Kung noon pa lang sana ay nakapag-aral na kaagad ako sa JRMIA, baka mas napabilis ang pagbalik ng mga alaala ko.

"What about our parents? How were they in school? You know, Miss Van. We're just, Hehehe, curious about them." pagsingit ni Angel sa usapan.

I Am MiracleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon