""""""""""..........
Mira's PoV
Maaga ulit akong gumising ngayong araw. Miyerkules na at kailangan ko na ulit pumunta mamaya sa JRMIA. Nag-bike ako ngayon sa lake-park dahil ayokong sumakit masyado ang mga binti ko. Nakadalawa akong ikot dito at ang saya sa pakiramdam.
Tumulong din ako kay Mama na magluto at bago mag-alas-dies ay pumunta na ako sa school. Isang sakayan lang sa jeep ang distansya pero ang daya ng jeepney driver kasi normal na pamasahe ang siningil sa akin. Gusto ko pa sanang ipagpilitan na estudyante ako kaya lang nakarating na ako sa school at bumaba na.
"Good morning po." bati ko sa guard.
"Miss Reyes, dumiretso na kayo sa loob." tinatakan lang niya ang certificate na ibinigay sa akin kahapon ni Miss Marilou sa room kung saan ako nag-exam.
Pumasok ako sa room at nakita ko si Miss Marilou, as always. Hehehe. Para bang inaabangan niya ako.
"Good morning po. Saan po ba ang daan papasok sa campus? Ayaw pong sabihin nung guard, eh." medyo nahihiya kong sabi.
Natawa lang siya sa akin. Naupo siya sa isang silya at sinabihan akong pumasok na sa pinto. Nagtaka ako sa sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin ay yung pinto na palaging sarado? Napatingin ako sa bintana na katabi ng pintong nakasarado. Puro mga puno ang nakikita ko doon.
"Ahm, doon po ba talaga ako pupunta? Eh, gubat po yata iyon." nagtataka kong sabi.
Tumawa ulit siya at umiling.
"Hindi na kita ihahatid. Hindi ka pa nakakapasok dito dati kaya naman bakit hindi mo subukang pumasok sa loob?" hamon niya.
Tumango lamang ako at ngumiti. Ginawa ko ang sinabi niya. Binuksan ko ang pinto at bahagyang sumilip doon. Nagtaka ako kasi ang bumungad sa akin ay puting hallway. Tumingin ulit ako kay Miss Marilou at sinenyasan lang niya akong tumuloy na.
Na-curious ako sa lugar kaya kahit na medyo natatakot at kinakabahan ako ay tumuloy ako. Malawak itong hallway kasing lawak ng classroom kung nasaan ako kanina. Sumarado ang pinto pagkapasok ko dito at nawala yung pinto.
Anong nangyayari?? Lumakad ako ng lumakad hanggang sa marating ko and dulo nitong pasilyo at may makita akong pinto sa kanan. Kulay itim ito kaya naman pansing-pansin ito.
Binuksan ko ito at pumasok na ako sa...
Saan ito papunta? Bumungad sa akin ang isang gate na malaki at maganda. Mas malaki sa gate sa labas. May nakasulat sa arko na code na katulad ng code sa papel na ibinigay ng guard sa akin nung Lunes.
'IIIIIIIVVVIVIIVIIIIXX.'
Pumasok ako dito kasi walang nagbabantay at doon ko lamang nalaman na ito ang papasok sa campus ng... tenth graders. Kakaiba sa pakiramdam. Entering campus izz zzo eggzoiting!!
Wow!!!
Kung ganoong ang apat na classrooms na nakaharap sa gate sa labas ay papunta sa tig-iisang campus ng bawat year level? Seryoso? Kung ganoong sobrang laki nga ng school na ito!!!
Hinusgahan ko na agad yung pangit na gate sa labas kasi iba ang inaasahan kong hitsura ng pinakamalaki at magandang school na sikat at pangarap ng lahat na mapasukan. Pero ang totoo ay higit pa ito sa inaasahan kong makita. Wow talaga!
May nakita kong isang lalaki na naglalakad. Nginitian niya ako at nilapitan ng makita ang paglilibot ko ng paningin sa paligid.
"First time mo dito?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Fiksi RemajaAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...