""""""""""..........
Lycah's PoV
2 days.
Dalawang araw na hindi gumigising si Sleeping Beauty. Sabagay, hindi naman talaga dalawang araw lang natulog yung totoong sleeping beauty. Ang sabi ni Miss Hannah ay na-coma si Mira dahil sa lakas ng pagkakabagsak ng ulo at katawan niya nung bumagsak siya. Sabi din niya na dehydrated si Mira at maraming dugo din ang nawala kaya ayos lang na makapagpahinga muna siya.
Mayroong benda ang ulo ni Mira. Marami ding galos at sugat ang mga braso niya at binti.
Tinawagan na namin si Tita Mika pero sinabi niyang hindi pa sila makakauwi dahil namatay pala si Lola Almira.
Kawawa naman si Mira. Hindi ko man lang alam ang tungkol do'n dahil naging nakasarili ako at inisip na ang paghihiwalay ng mga magulang ko ang pinakamahirap na sitwasyon na pwedeng mangyari sa buhay ng isang tao-- sa buhay ko. Pero mali ako.
Ang pinakamahirap na mangyayari sa buhay natin ay ang mawala ang mga taong mahal natin na hindi man lang natin nakasama sa mga mahahalagang panahon o okasyon. Mga taong nawala na hindi man lang natin nakikita bago sila bawian ng buhay. Ang sakit no'n para kay Mira. Or pareho lang?
Ang totoo niyan, napakinggan ko ang voice record ni Mira nung gabi na nandoon siya sa kwarto ko at ako naman ay na-confine sa hospital.
Hapon na ngayon at nandito kami sa private room kung saan naconfine si Mira. Pinilit ko nga kanina si Miss Hannah para um-absent ako at mabantayan siya. Pero hindi siya pumayag. Nag-assign siya ng private nurse para bantayan si Mira. Kaya lahat kami ay pumasok sa school pero hindi din naman doon nakafocus ang mga isip namin.
"Hoy, Mira!! Ano ba? Gising na diyan! Aba! Scholar ka kaya! Gusto mong bumaba ang grades mo?"
Iyon ang sabi ni Miss Hannah. Hindi yung asarin siya, ha? Kundi ang kausapin daw namin si Mira kasi makakatulong iyon sa isip ng pasyente para makarecover. Naririnig daw ng tainga niya iyon para magfunction ang natutulog niyang isip. Natutulog ba ang isip?
"Hoy, Lycah. Would you please shut up?" saway sa akin ni epal.
Emme 'to si Nielle! Nakakaasar siya! Nag-aalala ako kay Mira kaya gusto kong magising na siya, pero itong si lecheng epal naman kj! Mommy na nga niya ang nagsabing kausapin tapos eepal siya?
Like, duhh!! Pasalamat siya dahil nalaman kong kapatid niya si Wendy kung hindi ay ipag-uuntugan ko silang dalawa.
"Ikaw ang magsitahimik diyan, hindi naman ikaw ang kausap ko kaya huwag kang epal diyan. Kung ayaw mong naririnig ang boses ko, edi lumabas ka!"
Psh. Ka-lalaking tao, madaldal! Sinaway naman ako ni kambal kaya tumahimik na lang ako. Nakita kong tumayo si Wendy at umupo sa paanan ni Mira.
"My 3rd and last wish is ready, Mira. I'll be waiting." sabi ni Wendy at tumayo na.
Nakatingin lang ako kay Mira at nanlaki ang mga mga mata ko ng makitang gumalaw ang dalawang daliri niya.
"Mira? Miraaa!!!" lumapit ako sa kanya.
Naagaw ko ang atensyon nila kaya tumingin at lumapit din sila sa kay Mira. Nakita ko na biglang pagpaling ng ulo ni Mira sa kanan niya. Huh?
"Mira?"
Napaawang ang bibig niya at humarap na naman sa kabila ang kanyang ulo. Matapos no'n ay bigla siyang nahirapang huminga kaya lumabas si Thim at tatawag daw siya ng doktor. Nagpaulit-ulit si Mira sa pagharap sa kaliwa at kanan. Pinagpapawisan din siya at kahit natutulog ay parang hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...