MIRACLE#5 Lost School

15 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

Tumingin muna ako kay Mama bago magsalita.

"Papa, kasi po mayroon daw scholarship na in-o-offer ang JRM International Academy. Sinabi ni Ate Lucia sa akin kanina. Wala pa naman po akong final desicion gusto ko lang pong ipa-alam sa inyo." medyo nakatungo ako habang sinasabi ito.

Nahihiya ako kay Papa kasi hindi katulad ni Michelle ay hindi ako close sa kanya. Respeto lang ang ipinapakita ko sa kanya dahil ama ko pa din naman siya. Pero bakit nga ba hindi ko ma-feel ang bond sa pagitan namin? Dahil busy siyang tao?

Hindi ako open sa kanya kasi kahit ama ko siya ay nahihiya talaga ako sa kanya.

"Kung ano man ang maging desisyon mo, sabihin mo agad sa Mama mo para matulungan ka niya dahil wala naman akong alam tungkol diyan." seryoso pa din niyang sabi.

Parang hindi nakikipag-usap sa anak. Pero okay lang. Sanay na ako. Galit siguro siya sa akin. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain.

"Mira sa Monday punta tayo doon huh? Magt-transfer na din kami. I'm so excited. First time kong makakapasok sa school na yon." bulong ni Lycah.

Haha. Takot lang niyan na i-lakas ang sasabihin sa harap ni Papa. Kung sa bagay, nakakatakot talaga ang aura ni Papa.

Nagligpit na ako pagkatapos kumain at umakyat na sa kwarto para magpalit ng damit. Bumaba agad ako pagkatapos at pumunta sa bahay nila Rence.

"Magandang gabi, Mira." bati sa akin ni Manang Ciony, kasambahay nila.

Ngumiti lang ako sa kanya. Dumiretso ako sa kwarto ni Rence. Ang veranda kasi niya ay may hagdan na diretso sa bubong nila. Dito kami madalas tumambay kapag nags-celebrate o kaya naman may kapag magk-kwentuhan. Yun namang veranda ni Lycah ay diretso sa rooftop.

"Mira ang tagal mo!" sigaw sa akin ni Lycah.

Tumawa lang ako. Parang timang, eh.

"Nga pala, guys, bukas daw ay mamimili si Mama ng mga gulay sa palengke. Gusto niyong sumama? Tapos diresto tayo sa Mall?" pagyayaya ko sa kanila.

"Sure, of course."

"Anong oras?"

Tiningnan ko sila bago nag-isip.

"6 am daw kami aalis ni Mama bukas para daw walang traffic."

Sumang-ayon naman sila. Palihim akong tumawa dahil naniwala sila sa akin. Nag-stargaze lang kaming tatlo. Alas-nuebe ng gabi ay umuwi na ako at dumiretso na sa kwarto.

Bago matulog ay nag-check muna ako ng social media accounts ko. Pampaantok. Mayroon na namang private message si Myke sa akin pero hindi ko pinansin. Matutulog na sana ako ng biglang pumasok sa kwarto si Michelle nakatingin lang ako sa kanya pero hindi naman niya ako tinitingnan. Nahiga na ako at tumingin sa bubong.

"Hindi ka bagay doon. Wag mo nang ituloy ang binabalak mo." ito ang huli kong narinig bago tuluyang makatulog.

""""""""""..........

"Tita ipapahatid na po namin kayo sa driver namin. Magpapasundo kami kapag pauwi na po kami." suhestiyon ni Rence.

Nahihiyang sumang-ayon si Mama. Ang dami kasi ng dala-dala niya.

Alas-dos na ng hapon ngayon at tapos na kaming bumili ng mga iluluto ni Mama para sa karendirya bukas. Nang maka-alis si Mama ay isang malakas na hampas ang natanggap ko mula kay Lycah.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon