""""""""""..........
Mira's PoV
Naka-upo ako ngayon dito sa table malapit sa librarian's desk. Gusto kong matulog dahil napuyat ako kagabi. May over-night swimming party yung isang kapit-bahay namin at guest na naman ako para kumanta. Pinaki-usapan ko na nga lang na hindi na ako magpapa-abot ng alastres dahil may pasok pa ako. Kaya sobrang inaantok pa talaga ako. Kasama ko ulit si Kelly kagabi at sinabi niyang hindi daw siya papasok ngayon dahil nga puyat din siya. Sana kasi hindi na lang ako scholar student para pwede akong um-absent ngayon ng walang rason. Pero scholar nga ba talaga ang isang 'yon?
"Inaantok talaga ako..." sumbong ko kay Rence.
Pinipilit nila akong maggawa ng project na ipapasa namin bukas. Contemplate. Ipinatong ko ang ulo ko sa table. Inaantok talaga ako. Malapit na silang matapos kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang magsimula na din.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi?" sabi ni Lycah.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nang-aasar. Hindi na lang ako sumagot sa halip ay ipinatong ulit ang ulo ko sa lamesa. Gusto kong matulog.
Wala pa sigurong tatlong oras ang tulog ko kanina dahil binulabog ni Michelle ang umaga ko kanina. Pagbintangan ba naman akong kumuha ng researched assignment niya?! Malay ko d'on?
Pinagbintangan din niya yung kambal. Mabuti na lang at nakapasok kami ng maaga.
"Hindi tulugan ang library. Baka gusto mong isumbong kita sa principal?" masungit na sabi ni Myke.
Wala akong nagawa kung hindi ang umupo ng maayos at nakangusong ginawa ang contemplate ko. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa building namin pero nagpaalam muna ako na may dadaanan lang.
Hindi na nila ako sinamahan dahil ang sabi ko ay mabilis lang ako. Gusto kong magpunta sa clinic para ma-excuse sa klase kaya lang ay wala naman akong sakit. Dumiretso ako cr na malapit sa mapuno o gubatang bahagi ng school. Magandang tumambay dito. Si Angel ang nagturo nito sa akin eh. Secret garden daw. At mas malawak ito sa green house sa parking lot. Naghugas lang ako ng mga kamay ko.
Biglang namatay ang ilaw kaya naman natigilan ako. Nagpanic ako dahil sa biglaang pagdilim ng paligid. Wala kasing masyadong tao ang nagpupunta sa cr dito. At mas nabigla ako ng may magtakip ng bibig ko. Anong nangyayari??
"Shhh. Wag kang maingay kasi surprise ito."
Sabi sa akin nung babaeng nagtakip ng bibig ko. Dinala niya--nila ako sa mga puno at halamanang lugar dito sa secret garden. Akala ko ba secret ito? Eh, bakit may ibang nakakaalam?
Itinulak ako ng babae ng makarating kami sa harapan ng babaeng nakatalikod. Apat. Apat silang lahat.
Yung babaeng nakatalikod, dalawang nagdala sa akin dito at yung isa na nagv-video. Anong meron?
Humarap ang isang babae sa akin at hindi na ako masyadong nagulat. Si Miss Vhit. Rexha Vhit.
"Anong kailangan niyo?" matapang na sabi ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
"What a surprise, girls? Ito na siguro ang magiging pinakamagandang regalong matatanggap ko. Thanks." maarteng sabi niya.
Regalo? Birthday niya? Eh, bakit naman ako nandito? Mayroon akong narinig na mga yabag at mga dahon na lumilikha ng crack sounds at tumingin doon ang apat na babaeng may pakana nito.
"There you are!! Bakit ang tagal mo naman dumating? Naiinip na yung regalo niyo sa akin, eh." sabi ni pader sa bagong dating.
"Sorry, Rexha. Nahirapan akong lumabas para bumili nito kaya pumunta na lang ako sa bakery kitchen. Haha. Happy birthday, girl!"
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...