""""""""""..........
Mira's PoV
Friday na ngayon at nakasakay na ako sa jeep. Nakatulala lang ako dito sa loob ng jeep at nakatingin sa bintana. Nawala na naman ako sa sarili. Biyernes na at 7:30 am na pero wala pa ako sa school. Hindi din ako nag-aalala kung mal-late ako ngayon dahil naka-maternity leave ang homeroom teacher namin. Mayroon siyang kapalit na magtuturo sa amin pero sa Lunes pa daw ang dating.
"MIIISSSS! Kanto na ng JRMIA!!"
Natauhan ako dahil sa sigaw ng tsuper. Nakatingin na pala sa akin ang lahat ng mga pasahero sa loob ng jeep. Kanina pa daw akong pinabababa.
Sornaman!! Dahil siguro sa ID ko kaya nalaman nila, bumaba na ako at nagsorry muna bago ako pausukan nung jeep. Hmp! Pumasok ako sa school at dumiretso sa cr pagkatapos kong magbihis ng school uniform ko.
Napatingin ako sa salamin naalala ko ang pinag-usapan namin ni Wendy kanina sa hospital.
""""""""""Flashback..........
Pumara kaagad ako ng jeep sa highway. Kailangan kong dumiretso sa hospital kung saan naka-confine si Wendy. Nawala ako sa sarili kahapon kaya naman wala akong masyadong maalala sa mga nangyari matapos ang gulo. Pero isa lang ang alam ko...
Ako ang may kasalanan. Kung hindi sana ako pumunta doon, kung hindi sana ako sumali, kaya naman iyon ni Wendy mag-isa. Minsan lang ako magsisi sa mga bagay na mali kong ginawa at ito ang bagay na pinakapinagsisisihan ko.
Bumaba ako kaagad ng jeep. Dumiretso ako sa private room kung saan ko iniwan kagabi si Wendy. Room 1139. 9th floor sa JRMIH. Ang hospital na pag-aari ng ina ni Nielle. Naisip ko tuloy, may relasyon naman silang dalawa kaya sigurado ako na malaking discount ang ibibigay ni Miss Hannah sa girlfriend ng anak niya. Pero hindi talaga iyon ang naf-feel ko sa dalawang iyon.
Huminga ako ng malalim at tuluyang pumasok sa loob. Sobrang malawak na kwarto ang makikita sa loob. Mas malawak pa ito sa kwarto kung saan na-confine si Lycah. Kulay puti ang buong paligid at mas malaki ang dining at living area. Mayroong mini kitchen at mas malaki ang hospital bed kaysa sa normal size nito. Feeling ko nga, wala ako sa hospital kapag nasa loob ako ng kwartong ito. Ang special room na ito siguro ang nirequest ni Nielle sa Mommy niya para ipagamit sa girlfriend niya.
Naabutan ko si Wendy na nakaupo sa hospital bed at ginagamit ang laptop niya.
Ngayon pa lang ay nahihirapan na akong huminga at kahit nakasalamin ako ay nanlalabo na ang mga mata ko. Ang sabi kagabi ni Lycah ay inoperahan daw si Wendy pero gising na siya ngayon at parang normal lang ang lahat. Walang kahit anong iniinda.
Bahagya akong kumatok sa pinto kaya naman napatingin siya sa akin. Ngumiti naman siya. Isang pamilyar na ngiti.
"W-wendy? Kamusta ka na? Pasensya na wala akong dalang prutas o--"
"Ayos lang! Mira, maupo ka." nakangiti niyang sabi.
Mas lalo akong nakokonsensya sa ipinapakita niya sa akin. Bakit ba niya ipinapakita na parang okay lang sa kanya na iharang ang katawan niya para lang saluhin ang kutsilyo na dapat ay para sa akin?
Syempre ayaw ko din naman na masaksak, pero ibang usapan na ito kung kaibigan ko na ang nadamay. Dahil sa akin...
Nakayukong umupo ako sa isang silya sa tabi niya. "A-ahh, Wendy? Sor-ry..."
Putik!! Naiiyak na naman ako. Ano bang problema ng mata kong ito? Masyadong iyakin. Naramdaman ko ang kamay ni Wendy sa balikat ko kaya naman napaangat ang tingin ko doon.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...