""""""""""..........
Mira's PoV
"Here they are, finally!" biglang sabi ni Angel.
Napatingin ako sa pintuan ng cafeteria. May mga lalaking pumasok doon. Ang tatangkad nila at mukhang mga foreigner. Apat na lalaking mukhang kadadating lang. Syempre, kung kanina pa sila dito, edi sana kanina pa ganito kaingay ang paligid. Hahahaha.
"Uyy, Angel sino sila??" curious na tanong ko.
Hindi agad nagsalita si Angel kaya naman humarap ako kay Wendy. Umiling lang siya sa akin. Katabi ko kasi si Angel at nasa harap naman niya si Wendy.
"Sila ang most famous and rich out of the richest here in school. 'The ultimate heartbreakers of every women.' Like--hello? Spell, perfect? Sila iyon!! Saang school ka ba nanggaling? Ang alam ko kasi ay famous ang mga iyan kahit saang school, eh. Sila din ang mga pasaway at boss dito..." napatingin ulit ako dun sa apat na lalaki.
"...si Thim, yung pinaka-bully. Kahit mga babae, lalaki, bata o matanda, walang pinapalampas. Walang preno ang bibig at pinakabasagulero sa kanilang lahat..."
Napatingin ako dun sa itinuro niyang lalaki na nakaitim na polo-shirt. Mukha ngang maangas tingnan. Gangster, parang gano'n. Ang daming hikaw sa tainga.
"...si Gel na engot yung pinaka-sweet sa girls, chickboy, babaero, cassanova parang ganun. Playboy and inshort, pakboy. Hihihi. Siya ang pinakakinaiinisan ng karamihan sa mga lalaki dahil halos araw-araw na lang na may mga babaeng umiiyak. Senior o junior high school, ang alam ko may flirting session ang ungas na iyon..."
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na nakita ko na siya!! Si Gelo Davis! Yung crush ni Lycah!! Matutuwa iyon kapag pumasok na siya dito! Hahaha.
Medyo natawa ako dahil sobra ang pagkakunot ng noo ni Angel. Tapos ay napairap pa siya. Napatingin ako dun sa lalaking kulay brown ang buhok na medyo kulot. Siya yung kanina pang kumakaway sa mga babaeng nagtitilian at nagbubulungan.
"...si Myke, yung pinaka-masungit. Masyadong maarte at madaming demand sa buhay. Ang balita ko ay siya ang kadalasang hindi nakakasundo ng maraming tao. Ayaw sa personalities niya pero sobrang daming babae naman ang nagkakandarapa makalapit lang sa kanya..."
Bakit narinig ko na naman ang pangalan na iyon? Natigilan ako at nailang bigla. Iniwas ko ang paningin ko dun sa lalaking magulo ang buhok at seryosong nakatingin sa daan.
"...At yung liderrr nilang si Nielle Madria, yung pinaka cold at sobrang nakakatakot pero super caring niya. Siya yung taong wala halos nakakaalam kung ano ang mga happenings sa buhay niya. You know naman, hindi mabubuhay ang tao kung wala silang nasasagap ng balita na pwedeng ikalat o ipanira sa buhay ng mga kagaya ni Nielle. But sad to say, he's to private and over guarded..."
Tinuro niya sa akin yung lalaking parang walang pakialam sa paligid. Yung tipo ng tao na ngayon ko lang nakita dahil parang walang kwenta ang senses niya. Nakakahawa ang aura niyang iyon. At nakakatakot nga.
Napatingin ako kay Angel na nakapout. Bakit ang cute niya sa state na iyon? Natawa na lang ako sa sinabi ni Angel. Parang ewan na nagk-kwento lang.
"I admit, ang hot at napaka-charming nilang apat..."
"Bakit naman parang may galit ka dun sa... Gel ba iyon? Bakit siya lang ang engot?" natatawa kong sabi.
Napatingin ako sa apat. Tatlo nalang silang naglakad papunta sa table... namin? Naguguluhang napatingin ako kay Angel.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Teen FictionAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...