""""""""""..........
Niell's PoV
It's Monday morning at katatapos ko lang magshower dito sa condo unit ni Wendy. I saw the table with sliced breads, bacon, hotdogs and eggs as our breakfast. Again.
"Kailan ka ba magsasawa sa breakfast natin?" nagsasawang tanong ko. Kung hindi siya nagsasawa, pwes ako oo, matagal na! Hindi niya ako pinansin. "Bakit may sugat ka sa kamay ha?"
"Kung ayaw mo ng breakfast dito huwag kang kumain. Doon ka na sa inyo tumira para masasarap na pagkain ang kinakain mo hindi yung ganito." reklamo niya sa akin.
As always... ano pa bang aasahan kong sagot mula sa babaeng iyan? Pero sa sitwasyon ko ay dapat pa akong magpasalamat dahil sumasagot pa siya.
"Oh? I love you too."kumain na ako at hindi na siya tiningnan. Baka mamaya niyan, eh, palayasin pa niya ako.
Sabay kaming pumasok sa school kagaya ng dati. Wala pa si Mira dito. Gusto ko kasi sanang magpasalamat sa kanya. Maybe she's in the library with Lycah. As always. Naupo lang ako sa favorite spot ko dito sa likurang banda ng room. Nandito na din si Myke na natutulog pa.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa birthday party niya last Saturday. That was the most perfect night for me.
""""""""""Flashback...........
"Ladies and gentlemen I would like you all to enjoy the food and in any moment, we will set the fireworks display." sabi ni Tita Chenylle, Myke's stepmom.
"Fireworks display na? Nasaan na ba si Mira?" tanong ni Lycah.
Sinabi niya na mahilig daw si Mira sa fireworks display kaya niya hinahanap ito. Hindi din naman ako mahilig sa fireworks because of my bad memories on that. Nanood lang kami hanggang sa matapos ang ilang minutong display but it ended without any signs of Mira's presence.
"Sayang, wala si Mira. Bahala nga siya!" nagtatampong sabi ni Lycah.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakita namin na lumabas si Mira at Myke mula backdoor. Bakit magkasama sila? Bumalik lang si Myke doon sa stage habang si Mira naman ay lumakad na papunta sa table namin. But something bad-- really bad happened.
Mira suddenly bumped with Aunt Chenylle. With Aunt's dress, white dress na ngayon ay natapunan ng red wine. Lumapit kami sa kanila. This is not good. Ang alam ko ay mayroong moody side si Tita and I guess hindi niya palalampasin ang nagawa ni Mira.
"Who are you?" kalmado niyang sabi pero dahil nga sa matagal ko na siyang kilala ay alam kong nagpipigil lang siya ng galit dahil sa guests.
Para namang natauhan ulit si Mira ng marinig ang boses ni Tita. Natatarantang humingi agad ng paumanhin si Mira.
"Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Ako po si Mira Rey--"
Gel suddenly cut her off. Which I know will lead into something worse.
"She's the daughter of one of the famous entreprenuer leader with a high company position overseas. Hehe." palusot niya.
Alam na naming magbabarkada na masyadong mataas ang standard ni Tita pagdating sa mga kaibigan o nakakasalamuha ni Myke.
Hindi ko naman siya kinakitaan ng kahit na anong reaction of satisfaction. Great Gel!! That was really great!!
"Sorry po talaga." nakatungong sabi ni Mira.
Wala namang alam si Tita sa business world kaya naman walang masyadong dapat ipagalala sa sinabi ni Gel ang kaso...
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
TeenfikceAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...