""""""""""..........
Rence's PoV
Nanghihinayang na nagpahatid kami sa driver namin papunta sa JRMI Academy. Ang sabi ni Tita Mika ay may kasabay daw si Mira na pumasok? Lalaki daw? Bakit? Ipinagpalit na ba ako ni Mira??
"Kambal!! Wag ka ngang malungkot dyan!! Hindi ka naman ipagpapalit ni Mira. Ikaw lang naman ang man of her dreams!" asar niya sa akin.
Sinabayan pa niya iyon ng malutong na tawa. Na-voice out ko ba ang hindi dapat? O naiisip lang niya ang naiisip ko? Akala ba talaga niya gusto ko pa din si Mira as my crush or more?? Tinawanan ko siya at ginulo ang buhok niya. Ang cute talaga ng mga babae. Sometimes they're so cute as dogs are.
Nakarating kami sa school pero hindi ko naman akalaing may magaganap palang alay-lakad dito. Nasaan ba kami? Sobrang lawak ng campus nila pero... wala man lang kaming makitang tao kahit isa!!
Teachers or students, or even helpers, wala!! Parang kami lang ni Lycah ang tao dito sa buong campus. May pasok ba ngayon?
"Kambal. Baka maligaw tayo, ang lawak dito sa loob ng campus at ang creepy dahil walang tao." reklamo ni Lycah.
Nagpatuloy lang kaming maglakad sa mga hallways. Dumadaan din kami sa malalawak na fields papunta sa kabilang bahagi ng campus... pero wala talagang tao!! Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nakakapawis naman.
Reklamo-lakad. Yan ang ginagawa ni Lycah hanggang sa makakita kami ng nurse. Sa wakas! Itinuro niya sa amin ang principal's office. Pagkapasok namin ay natigilan agad ako sa nakita ko.
Mira... nag-aalala na naman ako. May nakasalo sa kanya na lalaki. Siya kaya ang kasabay ni Mira pagpasok? Uupakan ko na ba?
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang magpaalam at lumabas para hanapin yung nurse na napagtanungan namin kanina ni Lycah. Ang lakas din ng tibok ng puso ko dahil kay Mira. Lakad-takbo na ang ginawa ko.
Kahit pagod ay naglibot pa din ako sa pagbabakasakaling makita ulit yung nurse pero kalahating oras na akong naglalakad, hindi ko na nakita yung nurse. Saan ko hahanapin iyon?
I was about to go back to the office when I realized that I don't know the way back there. Mayroong mga estudyante ang naglalakad sa malayo. Tumakbo ako para makalapit sa kanila ng biglang...
"Ouch!!" rekalmo ng isang babae.
May nabunggo akong babae. I helped her to stand.
"I'm sorry hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako. Sorry talag--"
I stopped when I saw who I'm bumped onto. Si...
Si Ara. Everything went on slow motion. Ilang segundo akong nakatitig sa kanya at ganoon din siya sa akin bago magsalita.
"Rence?"
"Ara?"
Si... si Ara nga! Bumagal ang paggalaw ng paligid. Parang lahat ng pag-aalala ko kay Mira kanina ay nawala. Nothing's good but one thing's for sure...
I want to talk to her. I need to.
Hay buhay... ng makita ko ang isang dating kaibigan ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. I... I missed her.
""""""""""..........
Mira's PoV
Napamulat ako dahil sa napakaliwanag na sikat ng araw na tumama sa aking mga mata. Tumagilid ako ng higa at niyakap si Kaccha. Yung malaking stufftoy na aso na ibinigay sa akin ni Lycah noon. Naramdaman ko naman ang paglubog ng isang bahagi ng kama kaya napatingin ako doon. Si Mama.
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...