""""""""""..........
Rence's PoV
Naka-rating kami sa London ng hindi ko halos naalala ang nangyari. Sobrang aga naming gumising para makarating kaagad sa hotel na tutuluyan namin. Wala kaming masyadong dala dahil hindi naman sinabi ni Dad kung gaano kami katagal o kabilis na mananatili dito.
"Kambbbaaaalllll!! Baka magalit si Mira!! Hindi tayo nagpaalam sa kanya." sabi ni Lycah habang nakahiga sa king size bed ko.
"Ikaw kasi. Sumobra ang daldal mo." sabi ko habang inaayos ang aking gamit sa cabinet.
"Paano na yan? Walang sasama sa kanya na magtransfer sa JRM International Academy? Kawawa naman siya." malungkot niyang sabi.
Sinabihan ko siya na magsh-shower lang ako para makatulog na ng maayos. Pagkalabas ko ay wala na siya doon sa kama ko.
Naka-usap na namin si Lycah si Dad kanina sa flight namin na lilipat na kami sa JRMIA. Ipapaasikaso na daw niya ang mga requirements namin ni Lycah dahil malapit na din ang pasukan.
Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Kung paano ako nagka-crush kay Mira ng palihim dahil sa pagligtas niya sa akin. Sobrang thankful talaga ako dahil nakilala ko siya. Kaya nga humahanga ako dahil lumaki kami pareho na hindi na mataba at siya naman ay hindi na kulot. Sobrang layo ng hitsura niya kung iisipin ko at ikukumpara ngayon.
Pero siguro ay na-cover na ng pagmamahal ko sa kanya as her bestfriend ang pagka-crush ko sa kanya. Sinabi namin sa naging pangalawang nanay namin ang nangyari at pinilit siyang i-transfer kami sa school nila Mira dahil gusto ko talaga siyang makasama. Hindi pa nga sila minsan magkasundo ng kakambal ko. I can't be bias to anyone. Hanggang sa natagalan nilang pareho ang ugali ng isa't isa at naging magkakaibigan na nga kami.
Lahat ng problema namin sa aming pamilya ay alam niya at alam din namin ni Lycah ang biglaang pagbabago ng ugali ni Michelle noon. Dati kasi ay nakikisali pa si Michelle sa aming mga laro at hindi din humihiwalay sa amin pero nagbago siya... hindi dahan-dahan which is maiintindihan naman sana namin, kaya nga lamang ay bigla na lang siyang naging masungit at ilag sa aming tatlo.
Kaya nga noong tumungtong kami ng junior high school ay nagbago si Mira dahil sa isang hindi magandang pangyayari. Ang dating jolly at super postive na si Mira ay nagbago dahil sa isang gago. Whatever.
Nahiga na ako at pumikit dahil na din sa pagod. I am in the middle of being concious to falling asleep ng marinig ko ang malakas na pagbuzz ng doorbell.
"Ano ba naman yan?" reklamo ko.
I know that's not my sister because there's no use of doorbell or knocking to her. Sumilip ako sa peephole bago buksan ang pinto.
Nakakatakot ang hitsura niya, just like my teacher on Elementary--- bakit ba ang daming nakakatakot noon para sa akin?
"Good morning Sir. I am your Dad's secretary. My name is Mab Ahou and I am here to guide you and your sister. In five minutes, prepare yourself, we will go to your Dad's company." sabi niya at tumalikod na.
Isinarado ko ang pinto at saka tumawa. What's with her name? Mabaho ba yung narinig kong pangalan niya?
Nawala yung antok ko. I wear my semi formal suit. Wala pang limang minuto ay lumabas na ako. Nakita ko si mabaho sa tapat ng pinto ni Lycah. Habang naghihintay sa kapatid kong ikakasal na yata sa tagal, nagcellphone na lang ako. I was about to send message to Mira when Lycah, finally come out.
Sumakay kami sa convertible car na padala ni Dad. Nasa likod kami ni Lycah habang yung mabaho at yung driver sa unahan. Nang makarating kami sa lobby ng company building ay sinalubong kami ng mga crew at staff dito.
Dumiretso agad kami sa isang meeting at inutusan kami ni mabaho na magjet down notes para sa hihingin niyang summary reports. Napansin ko naman na hindi nakikinig si Lycah at nags-cellphone lang kasi hindi naman nakatingin yung mabaho.
Paulit-ulit na gano'n ang nangyari sa mga lumipas na tatlong araw.
Hayy... buhay!! Parang life. Mamaya daw sasabihin ni Daddy kung ano ang mga gagawin namin dito sa London. Miss ko na yung cute na si Mira na gumaganda kapag nakasimangot at nagagalit. Ang ganda ng natural pierce niya. Hehehe.
Pero ang hindi ko inaasahan ay... we'll be stucked in London.
""""""""""..........
BINABASA MO ANG
I Am Miracle
Ficção AdolescenteAng kontentong buhay ng isang Miracle J. Reyes ay nagbago ng iniwan siya ng isang tao na minsan na niyang natawag na 'kanya' kahit na lihim niya iyon sa lahat. Gano'n pa man ay patuloy lang siyang nangarap hanggang sa mabigyan ng pagkakataon na maka...