MIRACLE#45 Welcome Party

8 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's Pov

Miyerkules na ng umaga ngayon. Bakit kaya hindi ako ginising ni Mama? 7:30 na akong nakaalis. Halos pwede na akong sumali sa bike race dahil sa bilis ng pagpidal ko. Hindi din ako dinaanan nung kambal. At kahit si Kelly ay wala na din sa apartment niya!!! Nang-iiwan kayong lahat!!??!.

Ang sama-sama nila!! Naghahanda na ako ng speech ko para ipaliwanag kung bakit ako late. Dali-dali na akong nagpalit ng uniform at tumakbo sa hallway para makarating kaagad sa room. Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng classroom namin at nakatungong pumasok.

Ayoko nang ipahiya pa ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim.

"And why are you late, Miss Reyes?? Would you like to give me an appropriate and acceptable reason?" galit na sabi ni Miss Kyla.

Ngayon ko na nga lang narinig na galit siya... sa akin pa.

"Ahh, Ma'am kasi po..."

Anong sasabihin ko?? Na alasdose ng hating gabi na akong nakatulog at medyo puyat pa? Bakit nga ba ako nagpuyat kagabi?? Nag-eemo kasi ako kagabi. Hindi man lang ako pinansin nung dalawa??

"Don't tell me gusto mong makarating kaagad sa guidance office ang dropping slip mo?"banta niya sa akin.

Napakagat ako ng labi. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya para maki-usap na huwag niya iyong gawin pero...

"SURPRISE!!!!" In chorus. Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ko. Na-shock talaga ako--ano ba ito???? Lahat ng aming mga upuan ay nasa kanang bahagi ng classroom. Nasa gitna naman ang lamesa na mayroong pagkain at mayroon pang cake!! Sa kaliwa naman ay naroroon yung mga kaklase ko. May balloons pa sa sahig at kung anu-anong decorations.

"Miss Reyes you're still late!" seryosong sabi ni Ma'am.

Natauhan naman ako ng magsalita siya. Ano bang nangyayari??

"Kung maaga ka sanang pumasok ay may ilang minuto pa tayo para magcelebrate at magklase pero dahil late ka... hindi na ako makakapagklase. And that's because of you." nakangiti niyang sabi.

'Sana nagklase na lang kayo Miss Kyla.'

"Sorry na Mira ha??" sabi ni Lycah pagkalapit ko sa kanila sabay yakap sa akin.

Nagsorry din ang iba sa kanila. Bakit ba?? Ang sabi nila ay dapat daw ito ang 'welcome party' nila sa akin. Pero ngayon lang daw natuloy. Ipapagamit daw ni Miss Kyla ang isa't kalahating oras ng period niya para sa aming section. Pero siguraduhin daw namin na malinis na ang classroom bago magsecond period ngayong umaga para daw hindi siya mapagalitan.

Lahat sila ay binigyan ako ng mga cards. Basahin ko daw iyon kung wala akong magawa. Nakasulat daw sa cards ang mga message nila sa akin.

Nakaka-overwhelm naman sila. Lahat ng pagkaing kinain namin ay nakakabusog, mabuti na lang dahil hindi din naman ako nakakain kanina sa bahay.

Kalahating oras nalang ang natitira ng magsimula na kaming malinis. Ang dami nilang kalat eh.

"Hey guys!!! Felixians!! Bago daw matapos ang period na ito ay gusto ng marami sa atin na marinig ang speech ni Mira, hindi ba??" sabi ni class president.

Ano daw?? Hinila ako ni Alexha sa gitna. Tapos na naman kaming maglinis eh. Ia-arrange na lang yung mga upuan at desks namin.

"Ahh, ano bang sasabihin ko??" tanong ko sa kanila.

Tinawanan nila ako. Sinabi ni Mikko na magpasalamat muna daw ako then magsorry then magpromise, then mag-group hug daw kami , then mag-class picture then maglinis na ng room. Haha.

"Ahh, okay. Salamat sa inyong lahat sa pagtanggap sa akin. Sobrang naappreciate ko ito. Thank you sa mga naglakasloob na samahan ako at pakitunguhan ng maayos. Salamat talaga ng marami sa inyong lahat...well!! Except syempre kay Thim na bully, Myke na masungit at kay Wendy na palagi akong tinatakot..."

Nagtawanan naman sila. Totoo naman, eh. Nagreklamo pa si Thim at Wendy. Syempre ano pa bang aasahan kay Myke? Tanggap na yata niya ang totoo. Hahaha.

"Okay sige na nga, Maria!! Hindi na ako magiging bully sayo. Minsan na lang. Hahaha." baliw si Thim.

"Okay! Hahaha. So, sorry kasi favorite ako ng mathematics teacher natin!! Hahahahaha."

"Madaya ka!!"

"Dapat walang favoritism!"

"Kung pwede lang bayaran si Miss Dela Monsa!!"

"Magpromise ka na lang!!" asar na sabi ni Flaura.

Natawa lang kami sa reactions nila. Ano ba yan?? Nakakatuwa talaga sila.

"Hahaha. Hindi ako nagp-promise, eh. GROUP HUG!!!" sigaw ko.

Automatic naman silang lumapit. Nagpicture lang kami at nag-ayos na ng upuan bago dumating ang teacher.

Sobrang napamahal na nga ako sa kanilang lahat. Na parang pamilya ko...

""""""""""..........

Lycah's PoV

It's 4:30 pm already. Nandito pa din kami sa harap ng mall at naghihintay. Napag-usapan kasi namin nila Angel na dito kami maghihintayan para sabay-sabay na kaming bumili ng materials na gagamitin namin para sa special research-report. Naalala ko tuloy yung surpise namin kanina para kay Mira.

It is good that she liked it. My plan worked. Hehehe. Ang sabi kasi dati ni Mira ay wala daw siyang hilig sa party. Pero kanina ay nagkaayos na kami.

"Nandiyan na sila!!" nakangiting sabi ni Mira habang tinitingnan sila blacklady.

Bakit naglalakad sila? Dapat kasi sa parking lot na lang kami nagkita-kita. Whatever!! Pumasok na kami at kumain muna sa Merili's Foodcourt. Ice cream at Fries ang kinakain ko. Si Mira naman ay doughnut--ang forever niyang favorite.

"Guys, saan tayo susunod na pupunta??" tanong ni Gel.

Si Gel na palagi akong kinikindatan!!! Buwisit yung mata niya!! Sundutin ko kaya at isawsaw sa suka?? Yuckkk. Kailan pa ako naging brutal.?

"Sa cinema!!!" nakangiting sabi ni Thim.

"Gusto kong pumunta sa cyberzone. Papalitan ko na yung cellphone ko." reklamo naman ni Nielle. Ang arte talaga niya!!

"Mga gago!! Sa Book Store tayo!" sabi ni Myke.

Kailan pa siya naging madaldal sa harapan ko? Binilisan ko ng kumain para makasabay kay Mira. Isang doughnut lang ang kinakain niya eh, samantalang kami ay halos mapuno na itong lamesa.

"Hoy Mira, ano bang iniisip mo diyan??" tanong ni Wendy.

Isa pa yung black lady na iyon!! Ang alam ko ay tahimik lang din daw siya. Ano bang nakain nila??

"Ahh, wala! Parang... parang may nakita lang akong multo." nakatungo niyang sabi.

Multo? Wala naman siyang third eye... hindi kaya ang multo ay yung ex niya?? Nangigigil na naman ako.

"Tara na nga, bumili na lang tayo ng materials. Para makauwi na tayo." masungit na sabi ko.

Kung nandito man yun, ayoko siyang makita. Tumayo na ako at wala silang nagawa kung hindi ang sundan ako! Hahaha. Feeling boss??

Pumasok na kami sa loob ng bookstore. Naghiwa-hiwalay kami kasi syempre yung iba sa amin ay hindi naman talaga gustong bumili ng materials. Napadaan ako sa book-sections.

Ihhh! Ayoko naman sanang bumili ng libro kasi marami pa akong hindi nababasa sa kwarto ko pero... nangangati ang kamay ko sa pagbili ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.

Lumipat ako ng section pagkatapos kong makakuha ng limang libro. Art sections. Mga coloring materials. May dalawa akong kinuhang oil pastel. Tig-isa kami ni Mira. Hinanap ko kung nasaan si Mira para itanong sana kung alin dito ang gusto niya pero...

"MIRAA!"

""""""""""..........

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon