MIRACLE #11 Main Campus

10 0 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV

First day of school... Para akong batang hindi mapakali. Halos wala akong tulog dahil sa kaka-isip na...

'Sa pinkamalaking school dito sa lugar namin ako papasok! Parehas kami ni Michelle ng papasukan!! Dream come true...'

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Michelle. Hindi daw ako bagay doon. Bakit ba? May bakod naman na nakaharang sa bawat year level at 'bihira' o 'imposible' na magkita kami sa loob ng school. Madami din akong nalaman doon.

Katulad nalang ng... ang apat na classrooms na unang makikita pagpasok sa front gate ay ang nagsisilbing organizer ng bawat year level. Hindi naman ganoong karami ang nagaaral doon. Wala pa sigurong isang libo.

Imagine. Fifthy thousand every month ang ordinary tuition fee. Bukod pa ang miscellaneous fees at required fees ng bawat estudyante. Kung ngayong school year lang nagbukas ang scholar department, ibig sabihin ay mayayaman talaga ang nakakapasok dito.

Nagsulat muna ako sa journal//diary notebook ko. Hehe. Pang bata pero masarap sa pakiramdam kapag binabalikan ko yung mga nangyari sa akin noon. Yung mga mahihirap na sitwasyon na napagdaanan ko noon na binabasa ko na lang ngayon.

[16th day of June.
First day of school in JRMIA
What to do, Diary? Kinakabahan talaga ako. Sana maging maganda ang unang araw ko sa paaralan na ito. Ia-update kita mamaya Diary.]

Nagsuot ako ng white shirt, pantalon at rubbershoes. May isa nga lang akong medyo malaking problema. Nakalimutan kong kunin ang schedule ko sa SIO noong Biyernes.

As in, nawala talaga sa isip kong gawin iyon. Ngayon tuloy 6:45 am ay pumunta na ako sa school. May na-abutan akong nakatayo doon sa loob ng apat ng kwarto. Pipila na din sana ako ng pigilan ako ni Miss Marilou na palaging nandito sa kwarto kung saan ako nag-exam.

"Miss Reyes, may I have a word?"

Lumapit ako, ngumiti at bumati. Tipid na ngiti lang ang isinagot niya bago magsalita.

"I'll go straight to the point Miss Reyes. Nagkaroon ng komplikasyon sa mga requirments na ipinasa mo sa akin. Nagawa ko din naman ng paraan pero magkakaroon tayo ng maliit na problema with regards to your school's final and complete info." maliwanag niyang sabi.

Nagtaka ako at hindi naka-imik. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"Mahalaga kasi na ang lahat ng students dito ay may complete information dahil iyon ang palaging ichine-check ng boss namin. Pero yung sa iyo ay baka abutin ng isang linggo bago ko ma-finalize." paliwanang niya.

"Maaapektuhan po ba nito ang pag-aaaral ko?" nag-aalala kong tanong.

"Definitely oo, but all we can do for now is to defend with technology's power. Kasi malaki ang maitutulong nito para malabilis ang process ng info mo."

"Ano pong magiging problema kapag ang estudyante ay hindi kompleto ang info sa school's list?"

"Wag mo nang alalahanin iyon. The difference is just all the students who were not complete in their information to the school's list are entering this front gate. It's better that your academic performances would not be counted to your faults. And also you'll not be recognized as a permament student."

Paliwanag niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Binigyan niya ako ng ID.

Ito daw ang temporary kong ID at bibigyan ako ng official ID kapag nakumpleto na ang info ko. Binigay na din niya sa akin ang original copy ng contract ko sa school. Saka ko na lang siguro ito babasahin, tinatamad ako, for the first time, na magbasa. Lumakad na ako palapit sa pinto at nag-scan ng ID.

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon