MIRACLE#60 Self Defense

21 1 0
                                    

""""""""""..........

Mira's PoV.

Bago sila tuluyang makalapit ay narinig kong sinabihan ni pader ang isang kasama niya na mag-video.

Nakayuko lang ako. Hindi na ganoong karami ang mga tao sa paligid. Pero kapansinpansin talaga na nakatingin sila dito. Hinawakan naman ako ng tatlong lalaki na malalaki ang katawan.

"Huy. Bakit ba ang galing mong lumusot? Ngayon wala ka ng kasama..." galit na sabi niya bago humarap sa cellphone ng kasama niyang butihing videographer.

"Hi, guys!! Ngayon ay naka-live tayo para masaksihan natin ang kapanapanabik na eksenang ito. Nasa harap ulit natin si Nerd at continuation pa din ito ng birthday surprise sa akin. Ano kayang magandang gawin sa kanya?"

May lumapit sa amin na isang janitor. Napangiti naman si pader sa kanya.

"Ma'am, Sir. Ano pong nangyayari dito? Bumalik na po kayo sa mga klase ninyo." sita niya sa amin.

Hindi naman natuwa si pader kaya kinuha niya ang basurahan na hawak ng janitor. Anong gagawin niya? Nandidiring hinawakan niya ang plastic ng mga dahon at...

"ANO BA??? BAKIT MO GINAWA 'YON??" galit na sigaw ko.

May topak talaga ang pader na ito Nasisiraan na siya ng bait!! Sinubukan kong alisin ang kamay ng tatlong lalaki sa braso ko pero hindi ko magawa. Gusto kong puntahan ang janitor. Tumawa lang si pader sa ginawa niya.

Ibinuhos kasi ni pader ang mga dahon sa ulo ng janitor. Naawa akong bigla. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Dumami na ang mga estudyante sa paligid. Nagb-video na din yung iba. Puro sila bulungan at tawanan.

"Hahaha. Nagalit si Nerd? Mahina ka pala, eh. Hahaha." asar niya sa akin at humarap ulit sa nagb-video.

"So, nalaman na naman natin ang kahinaan niya. Oh, I knew it! Pareho nga pala silang mahihirap kaya nagkakaintindihan sila. Haha. Mga nakakaawang nilalang--"

Hindi na ako nakatiis. Tama na iyan, pader. Sumobra ka na.

"BITIWAN NIYO NGA AKO, MGA DUWAG!! MGA UTAK LANGGAM!!" sigaw ko sa mga lalaki na nakahawak sa akin.

Humarap si pader dito. Nagtatakang tiningnan niya ako. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at... sinampal na naman niya ako ng malakas.

"Anong sabi mo? Duwag? Utak langgam? Kilala mo ba ako? KILALA MO BA KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO??" nagalit na din siya.

Ngumiti lang ako. Kakaibang ngiti. At swerte dahil nasindak ko siya. Dahil doon ay kinuha ulit niya ang isa pang plastic ng basura at ibinuhos ulit ito sa janitor.

Alam ko namang hindi makakalaban ang janitor dahil trabaho niya ang nakasalalay dito. Manong janitor, huwag kayong mag-alala, ako ang laaban. Ginalit niya ako. Wala na akong pakialam kung anong susunod na mangyari. Basta ang mahalaga ay matulungan ko si Manong janitor.

Kahit itaya ko pa ang pangarap ko para lang matigil na sa kabaliwan si pader.

""""""""""..........

Nielle's PoV

Napatingin ako kay Gel. So si Mira pala ang na-kwento ni Gel sa amin na first love daw niya. Si Mira? Ang alam ko hindi ganoon ang tipo ni Gel, kaya pala palagi siyang nagpapaiyak o nangloloko ng mga babae. Dahil masaktan siya sa ginawa ni Mira sa kanya noon. Feeling ko tuloy mayroon pang feelings si Gel sa kanya dahil sa nalaman niya. Pero may feelings din si Myke sa kanya. Kakaiba na rin ang mga tingin ni Thim kay Mira lately. Hindi ko alam kung kanino ako kakampi kung sakali man na may hindi magandang mangyari. Kay Mira na lang siguro?

I Am MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon