***
Hindi alintana ni Mandy ang malakas na buhos ng ulan habang nakaharap sa lalaking minahal niya mula pa noon. Sa naging dahilan ng pagkasira ng kanyang pagkatao at naging dahilan upang mawala ang lahat lahat sa kana. Habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan ay patuloy rin na bumubuhos ang mga luha. Malalim na ang gabi at ramdam na ramdam niya ang sakit na pumipiga sa kanyang puso.
"Ang daling sabihin para sayo na kalimutan ang lahat ng sakit na dinulot mo sa akin. Ang daling sabihin para sayo na tapusin ang lahat lahat sa atin. Hindi ikaw ako Marko. Hindi ikaw ang nakakaramdam ng sakit na ito." Puno ng pighati ang lumalabas sa kanyang bibig.
Hindi niya makalimutan ang narinig niya kanina mula kay Marko. Magpa file na ito ng annulment para makasama na ang mag-ina nito. Ang sakit lang isipin na pinaasa lang pala siya para sa wala.
"Tell me, Marko. D-do I d-deserve your wrath? D-do I deserve this kind of p-pain? Do I deserve all of this shits? Tell me please." Patuloy nitong sabi habang may pagmamakaawa sa boses nito.
Si Marko naman na nakatayo sa harap niya habang pinagmamasdan siya at sunod sunod ang naging iling nito.
"No! You deserve to be hap--"
"Then why?" Hindi na niya ito pinatapos magsalita.
Kung talagang deserve niya ang maging masaya bakit patuloy siya nitong sinasaktan. Bakit patuloy nitong pinaparamdam sa kanya ang galit nito na hindi niya malaman kung saan nanggagaling.
"Kung deserve ko talaga ang sinabi mong kaligayahan bakit patuloy mo akong sinasaktan? Ano bang kasalanan ko sayo? Minahal lang naman kita tulad ng dinidikta nitong puso ko. Pero bakit? Bakit kailangang ako ang magbayad sa kasalanang hindi ko ginawa?" Ito ang palagi niyang tanong kay Marko na hanggang ngayon hindi nito masagot kung bakit. Tumingala siya sa langit upang pigilan ang hilong nararamdaman. Hindi na rin niya kayang makita ang mukha ng asawa niya. Lalo lang siyang nasasaktan.
Pinunasan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na basang basa na ng ulan at luha galing sa kanyang mga mata. Kahit na alam niyang walang silbi yun dahil sa lakas ng ulan. Ginawa lang niya yun upang luminaw ang paningin niya dahil unti unti na itong nanlalabo.
"Ang sakit ng ginawa mo sa akin Marko. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang umasa sa wala. Ang s-sama s-sama mo. Ganun ba katindi ang galit mo sa akin? Huh?" Balak na sana siyang lapitan ni Marko pero umatras siya habang umiiling. "Wag kang lalapit sa akin!" Dahil sa sigaw nito ay napatigil si Marko sa paglapit sa kanya.
"Hindi ganun Mandy. Mali ang pagkakaitindi mo. Just let me explain please." Gustong gusto na nitong lumapit sa kanya pero hindi niya hinayaan.
"Anong mali? Mali na pinaasa mo ko o mali na pinakasalan mo ko. Alin dun ang mali Marko?.. Pero alam mo kung ano ang mali na nagawa ko sa buhay ko? Huh?" Pinunasan ulit nito ang luha niya na patuloy paring bumabagsak.
"I-isang malaking pagkakamali na minahal kita! Isang malaking katangan ang magmahal ng kagaya mo! You know what?" Ngumiti ito ng mapakla bago magsalita. " I love you, Marko but.. Being your wife is a real suicide!" Pagkatapos nitong sabihin ang matagal na niyang nararamdaman mula ng makasal sila ay tinalikuran na niya ito at naglakad paalis patungo sa kawalan.
NAIWAN lang si Marko na nakatayo sa kalsada at pinoproseso ang sinabi ni Mandy sa kanya. Ganun na pala kasakit ang nagawa niya para masabi nito ang ganung salita.
Ang tanga tanga niya. Hindi lang tanga, napakagago pa niya para saktan ang babaeng walang ginawa kundi iparamdam ang pagmamahal nito sa kanya. Puro sakit na lang ang idinulot niya sa asawa niya. Do he really deserve to be happy after what he did to his wife? Will the answer is a big big NO. He don't deserve it. Never!
****
_ Leydeereyhn

BINABASA MO ANG
Mandy The Unmarried Woman (Complete)
Romance"Kahit mahal ko siya, hindi ko sila hahayaan na tapaktapakan ang dignidad at pagkatao ko. Ako parin ang legal na asawa." Ano ang kaya mong gawin para sa taong ni minsan hindi ka binigyan ng halaga? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig na n...