Prologue---------•

1.7K 12 5
                                    

The lover, The fighter


Pating's POV~°•°

[Note: I made an edit either small or noticeable in this season. Yet this part (specifically, Clumsy's love letter) remained this way. As this is how she totally wrote it in a paper. And will not edit it for the sake of proper technicality. Thank you for your understanding! Gotta leave Clumsy like that.♡ ]







<3 Ang crush kong si Kuya Pating, (*yuko)

JOKE! XD Akala mo magtutula ako noh?! Magnonobela lang ako!^^ Mahabang-mahabang kwento! Basahin mo to Kuya Pating hanggang dulo!^•^ Kasi basta sinisipag ako eh! xD Aaaaaahmmmm!~~

MALIGAYANG BATA ay BATI!↖(^▽^)↗ <3 Hala! Wala akong pambura ng bolpen. ^~^ Hayaan mo na lang nga. Basta sana maintindihan mo to Kuya Pating. Happy Birthday kahit sa 25 pa birthday mo! Sinulat ko na to agad kasi alam ko namang pagkatapos ng araw na to maliligtas natin sila Paping tapos party-party na!^^ Kaya baka hindi na kita magawan at mabusy tayo. Ang aga ko nagising para rito! Eeeiiih hehehe! XD Wala kasi akong pambili ng regalo sayo. Saka hindi ko alam ang gusto mo (^⌓^) Ngayon ko lang naintindihan, ang tagal na natin magkasama pero parang hindi parin kita kilala? HAHAHAH!xD Hayaan mo na! Ang mahalaga masaya ako. At! Kahit hindi ka mukhang masaya, sasaya ka parin! Marami kaming inisip na joke ni Adrian. XD Meron sa Mental Hospital, meron sa iskol at meron sa palengke. Basta! ^•^ Saka ko na sasabihin sayo. Gustong! Gusto! Kitang mapatawa. :D Kasi eh, para kang laging galit odikaya ay malungkot. (′⌒')

Alam mo kuya Pating? Ahm teka nakalimutan ko sasabihin ko. ?_? Gumalaw ka kasi sa higaan! Nasa tabi mo lang ako nagsusulat. Akala ko nagising ka hahaha! '^,^ Ang gwapo mo pagtulog! Pakiss nga!! Karot! Teka ano ba yong sasabihin ko... Aahy! Yung malungkot. Kuya Pating, hindi kasi ako tulad ni Ulan o nila maam Glen na kapag kinuwentuhan mo ng problema eh merong payo na mabibigay. Wala kang makukuha sa akin HAHAHAHA! XD Pero pwede ka rin magkwento sa akin. Pramis! Susubukan kong intindihin. ^,^ (Kahit nakakatamad-huwag tularan) Ayokong may malungkot sa paligid ko e. Ayokong may umiiyak o may nasasaktan. Kasi naniniwala ako sa mundo na masaya lang! ^^ Oo pwedeng magkaproblema. Pero hindi mo dapat iiwan ang sarili mo sa mundo ng problema. Kapag may problema may dalawa kang pwedeng gawin, ang mamoblema sa problema o ang tawanan ang problema. Magtiwala ka lang! Tawanan mo yan! XD Kasi walang problema na binigay si papa God na hindi natin kayang solusyunan ayon kay Ulan. At totoo yon! Kasi kahit ako na nagsosolve sa math namin yung tatistic ba yon basta yung may mga bell graph. Eh nasosolve ko naman! ;D Huwag mo ng tanungin kung paano. Ang mahalaga masaya akong nasosolve yon at! Wala akong record sa guidance. ;) Kasi kuya Pating, hindi dapat tayo nagpapatalo sa problema! Labanan! ^.^ Teka parang wala ng kwenta mga pinagsusulat ko. Ay meron pa naman hehehe! ^^

Kuya Pating, maging masaya ka lagi ha! : ) Kasi sa buhay ng tao, ang pinakamahalaga ay kung paano mo dadalhin ang buhay mo. Kung paano ka mag-iisip. Kung paano ka kikilos. Kung puro lungkot at simangot at walang gana yang mundo mo, ano nalang mangyayari sa buhay mo? Huwag kang masanay sa puro lungkot, huwag mong gawing mundo ang kalungkutan. Kasi pagkatapos ng lahat, magsisisi ka lang din na hindi mo napahalagahan at hindi mo nagawang masaya ang buhay na meron ka. Napakaraming paraan para maging masaya! XD At gusto kong sabay tayong maging masaya. : )

Aah sorry pala Kuya Pating... Kasi sinigawan kita kanina sa ospital. :'( Pasensiya ka na ha! Kasi ang sakit ng puso ko na makita si Ulan na nahihirapan. Parang dinudurog yung puso ko. Tapos pinapalayo ka ni Ulan kaya pinaalis kita. Di ka pa sumunod tinitigan mo pa ko. Kaya sumigaw na ako. Kulit mo eh.xD Pero sana mapatawad mo ko. Bati na tayo ha? Iligtas natin sila ate Maecy at Paping. Ikaw pa ba!? Kapag kasama kita lagi akong safe!!^^ Salamat! Saka salamat din kasi, lagi kang anjan. Hindi nga kita kilala pero hindi mo ko iniiwan. Minsan naisip ko... MAY GUSTO KA SA AKIN NOH?! AYYIIIEEE! <3 <3  <3  INLABABO SI KUYA PATING! •^,^• Huwag ka mag-alala kuya Pating kasi totoo yung nasa taas.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now