Clumsy's POV
Napakuripas ako ng takbo kasunod ko si Ate Sandra, mula sa kusina papunta sa pintuan na bumukas. Nakahinga agad ako ng maluwag ng makita si Pating na pumasok, kasunod si Iangot, Jai, Ate Maecy at Kuya Daniel. Saka si Tito Golib, Kuya Art at Ate Kurd. Sunod na pumasok si Kuya Judeya at Kuyang malaki na umaalalay kay Ateng. Sa likuran nila si Lolo Le at Tito Frieg.
Ngumiti si Pating sa akin. Pero gusto ko siyang pagalitan. Tingnan na ang hitsura niya. Para siyang nasagasaan ng kung ano. May dugo ang mukha at pawisan! Nakakainis! Hindi ko gustong makita siyang ganyan!
Pero naagaw ang atensyon ko ni Ateng. Ay pusa! Magkapareha sila ni Pating. Ang mas nakakainis doon, si Ateng babae! Si Pating lalaki!
"C-clums—."
"Ateng!" tawag ko kay Ateng sabay takbo at yakap. Narinig ko si Pating na tinawag ako pero binalewala ko na. Hindi niya ako kailangan, si Ateng ang may kailangan sa akin. "Ateng halika upo ka. Gagamutin ka namin."
Nilingon ko si Ate Sandra at agad siyang tumakbo sa kusina. Umalalay din ako kay Ateng kasama nila Kuya Judeya. Wala akong ibang nasa isip kung hindi si Ateng. Ang pakiramdam niya at ang kalagayan niya.
Nakita ko kung paano sumuntok si Pating, at kung iyon ngang hintuturo niya sa noo ko eh mabigat na paano pa ang suntok niya? Pareho kaming babae ni Ateng kahit pa mas malaki si Ateng sa akin at mas maganda, dapat nirerespeto parin siya ni Pating. Mali si Pating. Mali!
Hawak namin ni Kuya Judeya si Ateng at paliko na kami papunta sa isang mahabang sofa ng biglang bumigat si Ateng. "Ares! Ares! Shit!" Napasigaw si Kuya Judeya kaya nagpanik din ako.
"Ateng! Ateng! Hala! Gising!" Naiiyak kong tinapik ang pisnge niya habang dumadausdos siya kay kuya Judeya. Walang malay, nakapikit, may dugo ang mukha. Hindi ko gusto ang hitsura niya! "Waaaah! Mama! Dalhin natin siya sa hospital!"
"Ares!" tinawag siya ni Kuyang malaki na halatang nag-aalala. Ganoon din sila Lolo Le. Biglang tumakbo si Pating sa harap ni Ateng. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Pating.
"Ares! Giant, wake up!" sigaw ni Pating habang niyuyugyog si Ateng. Ta mo to sinisigawan pa!
"Ano ba Pating! Buhatin mo na siya! Dalhin natin siya sa hospital!" sigaw ko kay Pating na hindi ako pinakinggan.
"No." Sekondemosyon ni Kuya Judeya. "Da-dalhin mo na lang siya sa isa sa mga kwarto dito. Tatawag ako ng doktor." Seryosong sabi niya kay Pating.
Hindi na nagsalita si Pating at binuhat agad si Ateng papasok sa kwarto ni Iangot. Napahawak ako sa ulo ko. Naiinis ako na nag-aalala. Tumakbo sa labas si Kuya Judeya. Si kuyang malaki kasama sila Lolo Le ay sumunod kay Pating. Si Ate Sandra rin ay sumunod doon.
Samantalang ito sila Iangot dito sa sala umupo. Nagtataka silang lahat at hindi rin maganda ang mga ekspresyon sa mukha. Nilapitan ako ni Iangot.
"Earth... Ayos ka lang?"
"Iangot naman, dapat pinigilan mo si Pating! Tito Golib, Ate Kurd, Kuya Art..." Nilingon ko sila. Hindi ko napigilang mas umiyak pa. "Nakakasakit si Pating eh. Hindi naman tama yon. Paano kung may mangyaring masama kay Ateng?"
"Earth, alam ni Em ang ginagawa niya." Mahinahong paliwanag ni Kuya Art.
"Miss Delvalde tama si Art." Dagdag ni Tito Golib.
"Earth, magiging ayos din iyong babae na 'yon," sabi pa ni Ate Maecy.
"Huwag ka ng umiyak, Earth... Ayos lang ang lahat." Pagpapagaan ni ate Kurd sa loob ko. Si Ian naman hinimas ang likod ko. Si Jai nag-iwas ng tingin. Nakatingin lang sa akin si Kuya Daniel.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...