Action 134: Sorry, Earth!

52 2 0
                                    


Jai's POV

Hinawakan ni Adrian ang kamay ko saka niya pinihit ang doorknob papasok sa kwarto ni Earth, kung nasaan si Em.

Hindi kami dapat matakot, kasi si Earth ang pinunta namin dito. Pero dahil andito si Em, at alam namin kung gaano siya kagalit kay Adrian. Hindi namin maiwasang kabahan at mag-alala. Alam kong kahit ipilit kong ako lang ang may kasalanan, pareho parin kaming nakakaramdam ng guilty.

Agad napalingon si Em sa amin pagpasok namin. Nakaupo siya sa silya sa tabi ng kama ni Earth, hawak niya ang kamay ni Earth. He looks happy but when he look at us, his happiness flew away.

Sinara ni Adrian ang pinto. Binitawan ko siya at nauna akong naglakad, ignoring Em. Tiningnan ko si Earth. Mahimbing siyang natutulog at parang may binubulong o baka imahinasyon ko lang yon. Miss na miss ko lang siguro talaga si Earth.

'Gising na dyan, Earth. Itutuloy parin natin ang shop diba? Ang mga nagtratrabaho doon nalukungkot na kasi on and off ang trabaho nila.'

Napangiti ako sa pangkokonsensiya ng isip ko kay Earth.

"Earthlings, gising na," bulong ni Adrian na nasa tabi ko na.

Nag-iwas naman ng tingin si Em sa amin. Hindi niya binitawan ang kamay ni Earth.

"Kaya nga Earth." Nakangiti kong dagdag kay Adrian.

"Ipagtatanggol mo pa ako kay Pating, pag-aayusin mo pa kami." Malungkot na sabi ni Adrian na akala mo sure na sure sa sinasabi. Napatingin ako sa kanya. Malungkot siyang nakangiti kay Earth.

Nilingon ko si Em. Nakatingin siya kay Earth.

Nabigla ako ng lumapit si Adrian kay Em. Tinapik niya ito sa balikat. Masama naman ang tingin ni Em sa kamay ni Adrian, agad din iyong binawi ni Adrian. Nang tingnan kami ni Em, saka nagsalita si Adrian.

"I am sorry."

Mabilis akong napakunot noo at hinila ko si Adrian palayo kay Em. Tumayo si Em mula sa pagkakaupo.

Tiningnan ako ni Adrian, "Hindi ka dapat nagsorry."

"Jai, please. Huwag ka na munang magsalita. I should say it."

"Anong huwag magsalita? Nag-usap na tayo Adrian," nanggigigil kong sabi sa kanya. "Ako ang dapat magsorry. Pero hindi kay Em. Kay Earth! Hindi si Em ang nabaril!"

"Tss. Are you really going to fight in front of me and Clumsy? Kung 'yan ang pinunta niyo rito, better get out of here! Run your asses out! Hindi kailangan ni Clumsy ang pagsisigawan niyo!"

Sa pagtaas ng boses ni Em mas nag-igting ang tainga ko. Nanliit ang mga mata ko habang hinaharap si Em. Hinawakan ni Adrian ang kamay ko pero hinawi ko siya.

"Tahimik kaming pumunta rito para kay Earth. At hindi ikaw ang kausap ko. I am trying to calm my voice, pero ikaw ang sumigaw. Kung makapagsalita ka akala mo alam kung sino ka. Pinapaalis mo kami? Anong karapatan mo? Bodyguard ka lang naman ni Earth 'di ba? Ikaw nga dapat ang umalis at lumabas. Doon ka sa tapat ng pinto at tumayo roon."

"Jai?!"

"Huwag mo kong sigawan, Adrian." Galit kong nilingon si Adrian. "Magkaibigan kayo 'di ba?" Binalik ko ang tingin kay Em. "Pero kung masapak ka ng lalaking to akala mo magkaaway kayo simula't-sapol. Bakit!? Akala mo kasi alam mo na lahat. Okay! May alam ka sa gangs, doon lang. Pero kami, Em. Si Earth... Hindi mo naman kami kilala! Alam mo masaya akong may first kiss na si Earth. Pero tuwing iisipin kong ikaw 'yon? Naiinis ako."

"Hah! Watch your mouth Miss Jai. Kilalanin mo ang binabangga mo." Walang gana niyang sagot.

"Jai, tumigil ka na." Hinawakan ako ni Adrian pero hindi ko siya pinansin.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now