Pating's POV
"Ian. Sali na ako. Ian! Iangoooooot!" Hindi naalis ang tingin ko kay Clumsy habang hinihila niya ang braso ni Ian at pinipilit itong pasalihin siya sa nagaganap na ensayo nila ngayong hapon. Si Ian naman sa akin nakatingin na para bang nanghihingi ng permiso. At nang saglit kong tingnan si Ian pinandilatan niya ako ng mga mata at senenyas si Clumsy.
Nang balikan ko ng tingin si Clumsy nag-iwas siya ng tingin sa akin sabay bulong kay Ian. 'Aaargghhh!'
That girl frustrates the hell out of me!
Tiim bagang akong nag-iwas ng tingin sa kanila. I heard Ian talk to her. "'Di ba may English lesson kayo ni Em?"
"Huh? Lah. Hindi ko kilala 'yon. Tara na kasi!"
Hindi ko na sila nilingon. Mukhang kinaladkad na ni Clumsy si Ian palabas ng mansyon. They starting their stretching. At wala akong pakealam. Nang maramdaman kong wala ng tao saka ko sinilip si Clumsy sa labas.
"Iangot sali ako! Push-up push-up lang naman 'yan oh! Kaya ko 'yan! Hindi naman hahawak ng baril eh 'di ba? Sipa-sipa lang kaunting suntok tapos kurot tapos sampal tapos kiliti sa kalaban! Sus sisiw!"
Ian laugh and pinch her cheek. "Hahahaha baliw! Hindi 'yon gano'n! Upo ka na lang. Manood ka sa amin okay? Si Lolo Le kasama mo. Wala si Tito Frieg kaya si Lolo Le lang ang manonood, samahan mo na."
"Ayoko! Iangot naman dali na! Sulitin na natin 'to habang hindi ko bati si Pating. Kapag bati na kami wala na akong mararason sa kanya. Susunod na ako sa lesson lesson niya. Dali na ouy!" Ngumuso pa siya at siniko si Ian sa balikat.
Umiiling na tumawa si Ian. "Susumbong kita kay Em sige. Dali na. Samahan mo si Lolo Le." Tinuro ni Ian si Old man na nasa upuan sa tabi ng water jug. Infront of him are their trainers. Sa kaliwa ni Old man ay ang nag-uusap na si Kurd at Golib sa kung ano ang mga unang ituturo.
"Ano ba 'to." Humaba lalo ang nguso ni Clumsy.
"Hindi ako bato, Earthlings."
"Nyeee hindi nakakatawa." Natatawa niyang puna.
"Weee 'di nga?" Banat ni Ian at sabay silang nagtawanan. Mga baliw.
"Adrian!" tinawag na ni Kurd si Ian. Tinapik ni Ian si Clumsy at nagmartisya siya ng nakanguso papunta kay Old man. And with that they called the attention of their students.
Napabalik ako ng upo sa sofa. Sinandal ko ang ulo sa back headrest at nanahimik. Pinapaisip nanaman niya ako...
Napabuntong hininga ako saka napalingon sa pintuan ng kwarto ni Ares. Hindi ko pa siya pinupuntahan mula kaninang umaga. Pagkatapos kong magluto ng umagahan nagbasa ako ng ituturo ko kay Clumsy. Pero ang babaeng iyon iniwasan talaga ako buong araw. Ayoko naman siyang lapitan bigla at piliting kausapin ako. Kahit maliit na pagtatampo, ewan ko ba nasasaktan ako! Damn it! That word sounds not like manly.
Napaangat ako ng tingin sa mga taong lumabas sa kusina. They are Sandra, Pindus and Judea. Si Pindus ay nasa likod nung dalawa at may dalang tray ng soup. Hindi ko alam kay Ares, pero pakiramdam ko niloloko niya lang ako. Wala sa bukabularyo naming tatlo nila Pindus ang humilata ng buong araw. Tuwing natatalo kami sa laban o napapagod, half of the day are already enough. Siguro si Judea kapag natatalo sa laban noon, madalas umabsent. Minsan nga lagi niyang nirarason na masakit ang katawan niya para lang umabsent. Judea is not fan of what I, Ares and Pindus engage ourselves in. But I could say that he is better than the others.
Tinapik ni Judea si Sandra at sinamahan ni Sandra si Pindus na pumasok sa kwarto ni Ares. And this talkative four-eyed walk towards me.
"Ehhhaam." Magkalapat ang mga labi niyang puna sa akin. "Anong genre 'yan, Em?"
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...