Pating's POV
"Anong tawag sa ninunong Potato?" Tumataas-taas ang dalawang kilay ni Clumsy habang nagtatanong kay Reyvin.
"Meron ba no'n?" Kunot noong tanong ni Reyvin.
"Meruuuun!" Pangungumbinsi niya pa sabay siko kay Reyvin na katabi niya lang sa sofa.
"Oh sige, ano?"
"Edi! Daaaatuuuuu puti 'to!" Nakanguso at nagmukhang sinaunang Datu ang tindig niya habang nakaupo. Tinawanan siya ni Reyvin at ginulo pa ang buhok niya. I didn't notice that I gritted my teeth in annoyance.
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa gilid ko. I slowly take a look at the bastards and I saw Ian on my right while Art on my left. Pareho silang natigil ng tingnan ko.
"Nakakatawa kaya yon. Hahah!" Bulong ni Ian.
"Kaya nga! Hahah!" Art agreed.
Iniwanan ko na sila at dumeretso ako paakyat sa second floor. But I forgot why I am hiding at the kitchen.
"Ayan na si Pating! Pating! Pating!" Napatigil ako sa paghakbang ng habulin ako ni Clumsy. She stop me by holding my right hand. Nang lingunin ko siya una kong niyuko ang kamay namin. I glare at her and she remove her hand. "Hehehe! Ang tagal mo naman maghugas ng plato. Magpapaalam na kami." Nakangiti niyang tinuro si Reyvin.
Kanina niya pa ako kinukulit at nagpapaalam na umalis. Reyvin came two hours earlier than their call time. Pero dalawang oras ko rin silang iniwasan. Hindi naman umalis si Clumsy ng walang permiso ko. It's already ten o'clock, their call time. Pero nagbago ang isip ko at ayoko siyang ipasama sa lalaking to.
Reyvin smile. "Aalis na kami, bro."
I glare at him deadly. "Patiiiii~iiiiiinggg!" Clumsy wave her hands infront of my face.
"What!?" I asked irritatedly. Napaatras siya at kunyari pa siyang inalalayan ni Reyvin. His face turns dark. Inaangasan niya ba ako?
Binalik ko ang tingin kay Reyvin at humakbang ako palapit sa kanya. His expression didn't change. Maangas... "Pating! Wooouy!" Clumsy tried to move my shoulders pero siya ang nayuyugyog dahil sa ginagawa niya.
I never cut my stare and he also didn't.
"Hey! Heeey! Heeeeey! Reyvin andito ka pa pala!?" Ian's voice is shouting trying to stop us. Mabilis kong naramdaman ang mga kamay nila ni Art na pinigilan ako. Sabay nilang tinapik ang magkabila kong balikat gamit din ang tig-isang magkabilang kamay.
"Ah yeah. Hindi pa kasi nakakapag-paalam si Earth. Pero aalis na kami." Reyvin explained in a nice tone. His face loosen.
"Aaahh! Ouy enjoy ka Earth!" Art smile.
Tumango naman si Clumsy at tiningnan ako. "Wouy alis na kami ha."
"Anong oras ka uuwi?" I asked while still glaring at Reyvin.
"Ako ba kausap mo?" Clumsy asked me that makes me realize what I am doing. Napaatras ako at inalis ang pagkakahawak nila Ian. Tinanguan ko si Clumsy.
"Five." Excited niyang sagot.
"Five? Hindi ba sapat ang tatlong oras para sa gagawin niyo?" I stare at them.
"Tatlong oras!? Pating ano ka ba? Tingnan mo! Oh ten! Eleven! Twelve! Ang ikli?! Papauwiin mo ko ng twelve ano kayang ginawa namin dun nananghalian lang? Grabe ka naman eh!"
"Four hours."
"Huuh! Hayst! Ano ba Pating? Si Paping naman ang kasama ko eh. Diba kilala mo siya? Five na ng hapon!" Parang bata niyang pangungulit sa seryosong hitsura.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...