Action 117: Mister Dangerous

57 2 0
                                    

Ian's POV

This is the best New Year ever!

Napabuntong hininga ako habang nakayuko at nakaupo sa sofa. Nakaupo sa isa pang sofa sa kanan si Ate Kurd, sa kaliwa si Tito Golib. Nagulat rin akong nandito si Tito Frieg at nakatayo sa gilid ni Tito Golib.

And there is Lolo Le, nakatayo sa harapan ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa tuwalyang nakasampay sa balikat ko. Kakalabas ko lang sa CR at kakatapos maligo. Medyo mahapdi ang braso ko na nilagyan na ng kung anong first aid cream ni Ate Kurd.

After curing me, sinasaksak naman nila ako ng mga tingin nila. Psh. Mabait po ako. At bilang lang ang napatay ko. I swear.

Nilibot ko ang paningin sa kanila at ganoon parin ang hitsura nila.

"Hindi pa ba tayo kakain? I guess it's already 12 midnight. Happy New Year po!" I tried to erase the awkwardness.

They stop staring at me. Sa wakas! Napahilamos si Tito Golib sa mukha. Tumayo ng maayos si Tito Frieg. Lolo Le cross-armed.

"Let's ask him now. Hindi ko dala ang laptop ko kaya hindi ko magagawa." Ate Kurd point me out while looking at them. Napayuko na naman ako.

Pakiramdam ko kriminal ako. Kahit wala naman akong ginagawang masama. Nabitawan ko ang salitang Bratva kanina kasi kilala ko ang mga Bratva, at! Hindi ko alam na kilala rin sila ni Tito Golib.

I was surprise, too! 'Cause it only means one thing... That these people in front of me are gangs. Or ex-gangs, that's better. It's not big deal for me, kung miyembro sila. Pero parang, para sa kanila big deal kung EX-gang member ako. Psh.

"Tell us exactly. Who are you?" Buong pagtatakang tanong ni Lolo Le.

Bumuntong hininga ako, "T-totoo pong Adrian Wilcox ang pangalan ko. Totoo iyong ilang sinabi ko sainyo noon. At totoong kaibigan ko si Earth. Naging kaibigan. Aahmm paano ko ba sasabihin.. Ahm..." Naiilang kong tiningnan si Lolo Le. "Kilala niyo po ba si Em? I mean... Gaano niyo kakilala?"

Lahat sila tumingin kay Lolo Le, "Well, iho. I'll tell you this, but you better keep this as a secret. You are asking us, about him? Lahat kami rito kilala siya. At ako at siya," tinuro ni Lolo Le si Tito Frieg, "The day he was born, we are together."

"Oh collywobbles." Gulat kong bulong. Nagpasalit-salitan ang tingin ko kay Lolo Le at Tito Frieg. "S-sino kayo kung ganoon?"

"He is Em's grandfather." Tito Frieg's first sentence.

Napatitig ako kay Lolo Le. Nagtiim ang mga bagang ko sa narinig. Sumama ang tingin ko sa matanda na agad nagtaka.

Tumayo ako sa pagkakaupo. Naalerto silang lahat.

"Hey. Bakit masama ang ti—"

Mabilis akong sinugod ni Tito Golib at binagsak sa sofa saka dinaganan. Hindi natapos ni Ate Kurd ang sinasabi ng sapakin ko si Lolo Le. Mabilis ko siyamg dinuro habang pinipigilan ako ni Tito Golib.

"That's for fucking abandoning Em! Old man!" Nangangalit kong sigaw.

Hawak ni Tito Frieg si Lolo Le. Nasa gitna si Ate Kurd. Lahat sila nagtataka, at may galit sa mga hitsura.

"Stop!" sigaw ni Tito Golib sa mukha ko.

Tumayo ng maayos si Lolo Le at hinawakan ang balikat ni Tito Golib, "Hayaan mo siya."

Binitawan ako ni Tito Golib. Umupo ako ng maayos at galit na inayos ang sarili, "Hindi ako kalaban." Tumingin ako kay Lolo Le, "P-pasensiya na po. Hindi ko sinasadya. Naalala ko lang ang mga kwento ni Em tungkol sainyo. And I promise him that I will punch you when I see you. Kapag sinabi ko ginagawa ko. Yes," tiningnan ko silang lahat. "Kaibigan ko si Em. Since he was 16 and I am 17."

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now