Action 197: The Right Hand Woman

34 2 0
                                    

Jai's POV

Dahan-dahang kumunot ang noo ko ng magsalita si Tito habang nakatulala sa matandang lalaki na ilang dipa ang layo mula sa amin. Bakas ang pagkakulubot ng mga balat ng matanda at ang buhok niya ay purong puti na. Malaking lalaki ang matanda at halatang mayroong ibang lahi. Nakasuot ito ng long sleeve na puting polo at itim na coat, mukhang galing opisina. Ang ekspresyon ng mukha ng matanda ay halos hindi na naghalo-halo na. Malungkot, gulat, natatakot, kinakabahan at naguguluhan.

Mayroong babae siyang kasama na ang suot ay uniporme ng isang bodyguard. Siguro ay bodyguard niya ang babae'ng narinig ko ring tinawag niyang Blaire kanina. Bukod sa nakakapagtaka ang presensiya ng dalawang ito ay nakakapagtaka ring... Kilala siya ng Papa ni Earth.

Biglang nag-angat ng baril si Lev, "Who are you!"

Mabilis na umangat ang dalawang kamay ng babaeng kasama ng matanda, hawak ang baril at nakatutok kay Lev, ang ulo ay nakayuko at ang mga mata ay nanlilisik. Alerto. Naghalo ang pagkamangha at kaba sa akin ng titigan ko ang pulidong galaw ng babae. Ang matandang kasama niya naman ay napaangat ang dalawang kamay na hinarang sa harapan niya. "W-we will not going to fight..."

"Put that down, Mister Lev!" Nanginginig na utos ni Tito. Nilingon niya si ate Kurd na nagtataka na rin, "Everything is fine. Lead the casualties out." Dugtong niya at tiningnan pa siya nila Ate Kurd at Tito Golib bago tuluyang umalis. Nanatili ako sa tabi ni Tito at may tatlo pang Bratvas na nagpaiwan din.

Nang makaalis sila Ate Kurd kasama sila Adrian at ang mga nasugatan bumaling ang tingin ni Tito sa babaeng kasama ng matandang lalaki na nakatutok parin ang baril sa amin. Natatarantang nilingon ng matanda ang babae at inalalayan ang baril nito na ibaba. Nagalinlangan pa ang babae pero agad ding sumunod. Hahakbang na sana ang matandang lalaki ng pigilan siya ng babae habang hindi parin naaalis ang tingin sa amin, "Let me do some inspection first, Chairman."

Biglang lumapit ang babae kay Tito at nabiglang napaatras si Tito habang kinakapkapan siya. Wala itong nakuha sa katawan niya pero hinablot nito ang baril na dala ni Tito. As I am about to say something, the woman walk towards me. Ilang segundo palang ang lapit ng presensiya niya sa akin ay naiintimidate na ako agad. Hindi ako nakapagsalita ng kapkapan na niya ako. Ang bigat ng kamay niya na parang lalaki at kinikilabutan ako tuwing dadampi ang kamay niya sa balat ko. Mabilis ang ginawa niyang pagkapkap at kinuha niya rin ang baril ko. Nilingon niya ang tatlo pang Bratvas na kasama namin pero agad siyang hinawakan sa balikat ng matandang lalaki na nasa tapat na namin.

"Blaire it's fine."

"Chairman the proto--."

"Blaire..." Naputol ang babae'ng si Blaire sa pagsasalita ng tawagin siya ng matandang lalaki. Nagkatinginan sila, agad umiwas ang matandang lalaki at tumingin kay Tito, "I think they are not enemies."

"We are not Mister Osorio." Naluluhang sagot ni Tito.

"Y-you know me? You called my surname. Who are you? Do I know you? A-and what the hell is happening in here?" Naguguluhang tanong ng matandang si Mister Osorio.

"I-I..." Nag-aalinlangang kinapa ni Tito ang mukha. Nahihiya siyang napayuko ng ilang segundo at ng mag-angat siya ng tingin ay buong loob na niya itong tiningnan, "M-mister Osorio its me... E-erin... Delvalde."

Napaatras ang matandang lalaki habang ang nanlalaki niyang mga mata ay binubuhayan ng mga luha. Napakunot noo ako sa nakikita. At kahit ang babaeng si Blaire ay nagtataka rin. Dahan-dahang tumulo ang luha ni Tito na mas ikinabigla ko. Kasunod nito ay ang pag-iling ng matandang lalaking hindi pansin ang luha'ng tumutulo na rin, "What... What are you saying? Who are you!? In the middle of this chaos you pop up infront of me, a stranger like you who claimed to be my dead daughter's husband!? What the heck is happening!" Naguguluhang sigaw ng matandang lalaki.

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now