Jai's POV
Pinayagan ako ni Mama na magsleep over kasama si Earth kagabi. Kakauwi lang namin galing sa probinsiya nila Ate Sandra noong isang araw. Pangalawang araw na ngayon mula ng ihatid namin siya sa huling araw niya. Hindi ganoon karami ang mga tao at halos kami lang ang nakilibing... Pero sa sigaw palang ni Sandwich at iyak ni Earth... Hindi na mapapantayan ang kabutihang iniwan ni Ate Sandra.
Siguro hindi kami laging nagkakausap. Nagngingitian, oo. Nakilala siya at nakita nila Mama at Papa ng isang beses. Pero hindi lang naman yon ang pwedeng dahilan para makiramay kami... Isa ako... Sa mga taong mayroong alam... 'Involve', sa makabuluhang salita. Involve sa mundong... Puno ng sigaw para sa hustisya.
Hindi ako umiiyak dahil sa maikling beses kaming nagkasama at dahil sa madalas naming pagngitian at sa kaunting palitan ng salita. Umiiyak ako dahil... Nakita ng mga mata ko at alam ng isip ko... Na hindi niya deserve lahat ng to.
At isa ako... Sa mga taong gustong kumilos para rito.
Mas niyakap ako ni Earth habang parehong humuhupa ang pag-iyak namin. Sumisikat na ang araw pero wala ni isa sa amin ang gusto pang bumangon. Pareho na kaming gising pero hindi namin gustong tumayo. Ramdam parin kasi ang bigat sa paligid. Hindi muna pinatulog ni Lolo Le si Earth sa Laguna, ang nandoon ngayon ay sila Ate Kurd, Tito Golib, at Pindus. Si Ares naman kasama parin ni Judea sa hospital.
Si Lolo Le, Adrian at Em... Kasama namin dito sa bahay ni Lolo Le kung saan kami dumeretso galing probinsiya.
Hinihimas ko ang likod ni Earth habang hinahayaan ko siyang umiyak. Hindi rin kami gaanong nakatulog kagabi kasi nagkwekwentuhan kami pareho. Minsan tatawa, minsan iiyak. Sabi niya pa mas okay na ang ganoon dahil may kasama siya at hindi siya mapagkakamalang baliw. Nagtatawanan kami habang alam naming malungkot talaga ang totoo naming nararamdaman.
She also cried so much yesterday night. Telling me hundred times that she will going to save Sandwich. Na kapag ayos na ang lahat tutulungan niya ang mama at papa ni Ate Sandra na siyang naiwan sa ngayon na alagaan si Sandwich. Nagawa nila Ate Kurd na hanapin sila. Nagbigay naman ng tulong si Lolo Le. At sa ngayon... Pangako ang naibigay ni Earth. Pero sa bawat pag-iyak niya habang binabanggit sa akin ang mga pangako niya, nararamdaman kong magkakatotoo iyon.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ng marinig ang pagkatok. Bumukas iyon at si Adrian ang may gawa. Nasa likod niya naman si Em. Adrian smile a little. While Em remain poker face. "Morning ladies... Breakfast is ready."
Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. Saka ko nilingon si Earth. "Woy. Kakain na raw."
"Ha? Hm. Su-susunod ako." Bumitaw siya sa akin saka nagtalukbong ng kumot at pinasok sa loob ng kumot lahat ng unan na mahawakan niya.
Itong babaeng to... Nagdesisyon na. Kahit gustuhin ko mang kausapin siya alam kong hindi ko na iyon mababago. Isa pa... Makikita niya rin ang Papa niya sa desisyon niyang yon. Dalawang linggo na ang nakakaraan ng sabihin niya sa aking sasama siya kay Em. Nagalit ako nung una pero buong-buo na ang desisyon niya. She's not getting married nor magtatanan sila pero... Hindi ko parin gustong isama siya. Kahit pa hindi na siya ang target ng mga kaaway. Kasama niya naman ang siyang target.
Bumuntong hininga ako saka tumayo sa higaan. I wipe my tears as I walk outside. Kasabay kong lumabas ay ang pagpasok ni Em sa loob na para bang hindi na makapaghintay na makausap si Earth. Nah... Kahit sila ni Em hindi rin nag-uusap. Parang kami ni...
"Mauna na tayong kumain." Hinawakan ni Adrian ang kamay ko at marahan akong hinila palabas dahil nakatingin pa ako kanila Earth at Em. Sinara niya ang pinto at bumitaw sa akin. Nauna na akong naglakad pababa ng hagdan.
YOU ARE READING
When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔
RomanceThe running is not yet over. Gang world is not yet falling. But our hero is. Noon palang hindi na ligtas ang mundo'ng ginagalawan ng ating mga bida. Em wants nothing but Earth's safety. Pero kung mayroon mang nagbago, 'yon ay ang dahilan ni Em kung...