Action 104: Caretaker heartbreak

105 3 0
                                    

Clumsy's POV

"Pating!" Naiinis kong sigaw hanggang sa makapasok ako sa loob ng malaking bahay. Hinarap ko ang pinto na nakasara at pinagpupukpok ito,"Pating! Pating! Buksan niyo to! Pating!"

"E-eherm. Iha bukas naman yan." Malungkot na sabi sa akin ng boses ni Lolo na nasa likod ko.

Bumaba ang tingin ko sa door knob at inikot iyon, umuwang ang pinto tanda na bukas nga ito. Ay shunga.

Nahihiya akong napalingon kay Lolo. Naluluha parin siya habang nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako ng yumuko siya at nagpunas ng luha.

"Lolo. Sir? Mister? Sir And—"

"Pape... P-pape ang i-tawag mo s-sa akin k-kung ayos lang?" Nahihiya niyang sabi.

Hindi ko gets itong Lolo eh kanina pa. Bigla na lang niya akong niyayakap at iniiyakan. Kanina naawa ako kasi parang sobra niya akong namiss. Kaya naisip kong baka namimiss niya anak niya tapos akala niya ako. Kaya tinanong ko siya kung may problema siya. Kaso iniba niya agad usapan. At sinabi niya bigla na sa akin tong mansyon, itong malaking bahay. Paano naman kaya nangyari yon? Kung kanila Tita Gen 'to eh baka kay Ulan nakapangalan at hindi sa akin.

At isa pa, nanapak si Lolo. Sinapak niya si Pating kaya bigla akong nalilito at kinakabahan. Hindi ko alam kung may problema lang si Lolo, o baka masaya siya, o baka kalaban namin siya? Ano ba? Hindi ko na alam, tulog na lang ulit ako.

Kung kailan naman kasi okay na kami ni Pating saka siya malalayo sa akin. Napanguso ako.

"P-pape?" nag-aalinlangan kong tawag sa kanya. Ano kaya 'yong Pape? 'Yon ba 'yong kapag nalabhan mo na yung mga damit bago ilagay sa damitan kailangan mong I-pape. Okay uwian na.

Napangiti ako sa sariling joke. HAHAHAHAH!

"I-iha... Ak-ako nga ang Pape mo," pagpapakilala niya na para bang gustong-gusto niyang iyon ang itawag ko sa kanya.

Napakamot na ako sa ulo, "T-teka po. Sino po ba talaga kayo? Sabi niyo kanina caretaker po kayo. Tapos Mister Andy po pangalan niyo. Tapos ngayon po Pape ko kayo? Pape pangalan niyo? Hindi po ako magaling sa Logic,  bagsak po ako lagi doon. Kaya po sana yung mas malinaw na paliwanag. Yung pangelementary po na paliwanag. Huwag na nating pahirapan sarili natin. Heheheh!"

"A-ah... Ahm..."

"Ahm?" tanong ko sa kanya.

"Pa? Andyan na ba ang mang-ari ng bahay?" sigaw ng babae galing sa kusina na may hawak ng walis.

Nagulat ako ng tingnan niya ako at lapitan. Ma'am na naman?

"K-kayo po 'yong pamangkin ni Ma'am Gen?" gulat na tanong ng babae saka tinitigan si Lolo na tinawag niyang 'Pa'.

Tumango ako, "O-opo. At E-earth po pangalan ko. Hindi po Ma'am. Heheheh! A-ahm a-anak po kayo ni Lolo?" Tinuro ko si Lolo na nakatayo sa harap ko.

Nag-aalinlangang sumagot si Ate, "O-oo... Anak niya ako."

"Oh eh Lolo, andito naman pala ang anak ninyo. Ba-bakit po ako ang niyakap ninyo kanina na para bang anak niyo? Hinalikan niyo pa pisnge ko. Nalilito po ko talaga. Baka po pwede niyong ipaliwanag ng kasing dali ng one plus one?" pakiusap ko.

Hindi sila agad nakasagot.

Bumuntong hininga si Lolo este Pape. At ngumiti sa akin si Ate, "A-ako pala si Sandra, ma'am Earth." Magiliw niyang pagpapakilala. Nakita kong yumuko na naman si Pape at umiyak.

"E-earth na lang po,"sabi ko saka ako lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko saka bumuntong hininga.

"A-ahm k-kami ng p-papa ko ang caretaker dito sa mansyon na ipinangalan sa inyo ng tita Gen mo. Ahm, pasensiya na po kayo sa papa ko... Ahm, kilala niya po kasi ang Tita Gen niyo at kilala ka po niya noon pa mang sanggol ka." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "At masaya kaming malaman na nandito ka. Nililinis namin ito lagi at inaalagaan para sa pagdating mo. P-pero pwede pong makiusap na sana kung ayos lang na dumito muna kami kahit saglit lang para makahanap kami ng malilipatan?"

When I am With Miss Clumsy (Season Two)✔Where stories live. Discover now